CHAPTER 3

4279 Words
Malakas na tugtugin ang siyang sasalubong sa pagpasok na nagpapaindak sa sayaw sa mga taong naroon dahil tunay nga namang nakakaindak ang awiting pinapatugtog ng DJ sa itaas. Ang iba ay naglalandian din sa gitna ng dance floor habang nagsasayaw. Patay-sindi ang mga makukulay na ilaw na naroon pero may nananatiling nakasindi lang sa gilid at siyang nagbibigay ng kaunting liwanag sa loob. Maraming tao dahil Biyernes ng gabi. Karamihan ay magkakaibigan na nagkakasiyahan at nag-iinuman. Iba’t-ibang klase ng mga tao ang naroon pero hindi maikakaila na pawang may mga sinabi sa buhay ang mga ito dahil sa mga magagarang kasuotan at higit sa lahat ay exclusive for elite and professionals ang naturang bar. Napakaganda din ng naturang bar at kumpleto pa sa facilities. Sa pagpasok ni Rohem sa loob ay dumiretso siya ng lakad sa kanyang mga kaibigang nakapwesto sa may bandang dulo at hinihintay din ang pagdating niya. Nakita niya ito kaagad dahil na rin sa tuwing pupunta sila rito ay doon ang pwesto nila. “Sa wakas, Rohem! Nandito ka na! Akala ko hindi ka na pupunta, eh!” natutuwang sigaw ni Theo pagkalapit niya saka ningitian pa siya nito. Si Theo, isa sa mga kaibigan ni Rohem. Ito ang masasabing tall, dark and handsome. Moreno ang kanyang makinis na balat mula ulo hanggang paa. Gwapo at makisig ang katawan. Matangkad sa taas na five-nine. Kulot ang may kahabaang buhok na bumagay sa magandang hulma ng mukha nito. Isa itong freelance model na naging kabuhayan nito simula ng tumuntong siya ng bente-uno. Bente-otso anyos na siya ngayon pero tila nasa early twenties pa lang siya. Sa magkakaibigan, ito ‘yung medyo chickboy dahil na rin sa maraming temptasyon sa trabaho nito. Chickboy dahil pwede sa chicks at pwede din sa boy. Napangiti naman ng malaki si Rohem. Tinapik niya pa sa malapad nitong balikat si Theo saka tinabihan ito sa pag-upo. “Kanina pa ba kayo nagsimula?” tanong nito. Tumingin siya sa lamesa na pinagpapatungan ng kinakain at iniinom ng mga ito. Marami ng bote ng alak at baso na wala ng laman. Sa tingin niya ay kanina pa nga nagsimula ang mga ito. “Oo kanina pa! Ikaw naman kasi… bakit ngayon ka lang? Ginisa ka na naman siguro ng kuya mo,” pagsabat naman ni Harold saka tumawa. Napatingin sa kanya si Rohem. Ngumisi siya. “Kilala niyo naman si Kuya. Sa tuwing aalis ako ay lagi akong sinasabihan pero hindi naman niya ako mapigilan kasi magaling ako,” pagyayabang ni Rohem saka tumawa. Natawa rin sa kanya ang mga kaibigan. Si Harold ay isa rin sa mga kaibigan ni Rohem. Gwapo ito at malaki ang katawan, iyong tipong bato-bato. Yakap na yakap nga sa braso nito ang sleeves ng suot na kulay maroon na short-sleeve polo na bukas ang first two buttons. Pure Filipino ito kaya medyo malaki ang mga mata hindi gaya ni Theo na may halong Hapon kaya chinito ang mga mata niya. Clean-cut ang gupit ng itim niyang buhok. Maputi at makinis ang balat ni Harold, edad bente-syete at biniyayaan ng malaking katawan pero hindi ng height. Five-five lang ang taas niya na normal na tangkad ng isang Pilipino. Isa itong VM sa isang clothing company. Sa kanilang magkakaibigan ay ito naman iyong minsan lang seryoso at madalas ay maloko at kalog. “Uminom ka muna,” alok naman ni Uno kay Rohem saka inabutan niya ang kaibigan ng isang baso ng whiskey. Ngumiti at kinuha naman iyon ni Rohem saka isahang nilagok. Malakas ang alcohol tolerance ni Rohem kaya alam niya at ng mga kaibigan niya na hindi ito kaagad malalasing unless ay maraming-marami na ang nainom niya. Si Uno, ang kaibigan ni Rohem na mayor ng syudad. Sa edad na bente-singko ay nagkaroon na ito ng posisyon sa gobyerno dahil maaga nitong pinasok ang pulitika. Naging SK muna pagkatapos ay naging kagawad at chairman ng barangay pagkatapos ay naging councilor, congressman hanggang sa maging mayor. Ngayon ay nasa thirty na ang edad niya. Gwapo din si Uno katulad ng mga kaibigan kaya naman isa siya sa mga gwapong mayor sa Pilipinas na kinakikiligan sa social media. Pinakamatangkad rin sa kanilang apat dahil six-one ito. Hindi naman masyadong payat at hindi naman masyadong mataba. Katamtaman lang ang katawan niya na may kaunting muscles at maganda naman ang hubog. Purong pinoy siya. Sa kanilang apat ay ito ang pinaka-seryoso dahil na rin sa isa siyang public servant. At si Rohem ang pinakabata sa kanilang apat kaya naman ito rin ang tinuturing nilang bunso. Pasaway at maloko rin ito kapag kasama ang mga kaibigan. Lagi silang nagsasaya at umiinom. Ang kasama palagi ni Rohem ay si Theo at Harold. Hindi nila madalas nakakasama si Uno dahil na rin sa obligasyon at trabaho nito. Mabuti nga ngayon at nakasama ito dahil hindi ito busy. Nagsimula ang kwentuhan ng magkakaibigan. Kumustahan, tawanan, kulitan. Hindi alintana ang ingay ng tugtog sa paligid at mga taong nagsisiksikan na sa dance floor dahil sa kakasayaw. Kapag talaga magkakasama sila, animo’y para silang mga high school. “Oo nga pala, nakita ko kanina ‘yung ex ko,” ani Theo saka isa-isang tiningnan ang mga kaibigan na nakaupo sa pabilog na upuan. “Talaga? Saan mo nakita?” pagtatanong ni Harold. “Sa mall. May kasama na siyang bago,” wika ni Theo at naglungkot-lungkutan pa. “Ahhh… wawa naman!” pang-aasar ni Rohem kay Theo na nagpatawa naman kay Harold at Uno. Ngumuso naman ang nangingiting labi ni Theo “Sinong kasama niya? Maganda ba o mas gwapo sayo?” tanong pa ni Rohem. “Wala ng mas gwagwapo pa sa’kin!” mayabang na wika ni Theo. “Yabang mo!” natatawang bulalas ni Harold. “Ibig sabihin sa lalaki ka pala niya ipinagpalit,” ani Rohem. Tumango-tango naman si Theo. “Pangit ang pinalit niya sa akin.” Napapailing pa siya. “Ganyan ang linyahan ng mga taong iniwan,” nang-aasar na sabi ni Harold. “Ang sakit kasi sa pangit ka pa pinagpalit,” aniya pa saka tumawa. “Bugok!” Tinawanan ni Theo ang sinabi ni Harold. “Ikaw naman kasi, ilang beses ka na rin niyang nahuli at pinagbigyan. Siguro napuno na din siya sayo kaya iniwan ka na lang niya,” seryosong wika ni Uno. “Magtino ka na bago ka pa biglaang kunin ni Lord,” pagbibiro niya pa. “Mabuti kung si Lord ang kumuha sa kanya. I’m very sure na hindi siya,” pagsabat ni Rohem na ikinatingin sa kanya ng masama ni Theo. “Kunsabagay, sino ba namang tao ang magtitiis sa cheater na karelasyon?” ani Harold. “Maka-cheater ka naman diyan!” singhal ni Theo sa kaibigan na ikinatawa ni Harold. “‘Yung mga tanga! Nakakatiis sila sa mga g*g*ng katulad ni Theo!” malakas na bulalas ni Rohem saka tumawa. Napailing-iling na lamang si Uno habang natawa naman si Harold at muli namang ngumuso si Theo. “Haaay! Dapat pala hindi na lang ako nagkwento. Naging pulutan tuloy ako bigla,” bulong pa ni Theo. Mahina na lang din siyang natawa. Samantala, sumalubong ang malakas na tugtugin kay Tattered habng naglalakad siya papasok sa bar. Habang naglalakad ay nililibot niya ng tingin ang paligid. Ngumiti siya ng maliit. “Ang daming tao ngayon,” bulong ni Tattered habang patingin-tingin sa paligid. Kumibit-balikat na lang si Tattered. Muli na naman siyang nakapunta dito pagkatapos ng mahabang panahon. Galing siyang trabaho at napag-isipan niyang gusto niyang lumabas at magliwaliw kahit sandali at dito siya napadpad. Dumiretso si Tattered sa bar counter. “Tequila.” Order ni Tattered sa bartender na nakatoka doon. Ningitian nang gwapong bartender si Tattered. Ningitian lang siya ng maliit ni Tattered. “Coming right up, Sir.” Naghintay si Tattered. Ilang sandali lang ay ibinigay na rin sa kanya ang kanyang order. Kinuha niya ang baso saka humarap sa dance floor at pinanuod ang mga nagsasayaw habang inaamoy-amoy at sinisimsim ang alak. Tipid siyang napangiti. May bigla sumagi sa alaala niya. Sumagi sa isipian ni Tattered ang unang beses na pagpunta nila ni Yen sa ganitong lugar. Ang unang beses na nagsayaw sila. Ang unang beses na naglandian sila dahil halos idikit na nila ang kanilang mga katawan sa isa’t-isa kung saan damang-dama nila ang bawat bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa tindi nang yakapan nila sa isa’t-isa. Ang unang halik nila sa labi ng isa’t-isa. Huminga nang malalim si Tattered. ‘Ang hirap talaga makalimot lalo na kung may bahagi sayo na hindi mo gusto,’ isip-isip niya. ‘Bakit kaya ganito ang puso ng tao? Nasaktan na pero ayaw pa ding lumimot?’ Napailing-iling na lang ulit siya. Naubos na ni Tattered ang isang baso at umorder ulit siya. Hindi naman siya nag-aalala na gabihin sa pag-uwi dahil nandoon naman si Jenny sa bahay at nagbabantay sa anak niya. Saka hindi rin naman siya magpapakalasing. Gusto lang niyang mag-unwind na matagal rin niyang hindi nagawa dahil sa pagiging abala niya palagi. Naka-apat na baso na si Tattered ng tequila. Wala pa rin naman itong tama sa kanya dahil malakas ang alcohol tolerance niya liban na lang kung maraming-marami na siyang nainom. “Tattered!” Napalingon si Tattered sa taong tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Harold, ang co-VM niya. Nagulat naman siya at nandito rin ang katrabaho niya. Ngumiti naman si Harold saka nilapitan si Tattered. “Naks naman at nandito ka din,” nangingiting sabi nito. Kilala nito si Tattered bilang seryosong tao at introvert kaya hindi niya inisip na nagpupunta pala ito sa ganitong lugar. Ngumiti nang maliit si Tattered. “Ikaw din,” aniya. “Mag-isa ka lang?” tanong pa nito. Iniling naman ni Harold ang ulo niya. “Hindi. Kasama ko mga kaibigan ko,” sagot niya sa tanong ni Tattered. “Ikaw? Mukhang nag-iisa ka lang yata,” sabi pa nito. “Brad! Dalawa pa ngang bote ng whiskey saka isang bote ng tequila saka isang bucket ng beer at tig-isang plato ng pork sisig saka buttered wings. Padala na lang sa table namin,” pagkausap ni Harold sa bartender na sandali niyang tiningnan para umorder ulit ng inumin na kaagad namang hinanda. Muling tiningnan ni Harold si Tattered. “Oo, mag-isa lang ako. Gusto ko lang magsarili ngayong gabi,” ani Tattered. Tumango-tango naman si Harold. “Halika at sumama ka sa akin. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko,” aya niya kay Tattered. Iniling-iling ni Tattered ang ulo niya. “Hindi na. Night-out niyo ‘yang magkakaibigan tapos isasama mo ako?” tanong niya pa. “Nakakahiya sumama,” aniya pa. “Hindi ‘yan! Halika na!” pamimilit ni Harold kay Tattered. “Wala kang dapat ikahiya,” bulalas pa niya saka mahinang tumawa. “Pero-” “Tara na!” Nagulat na lang si Tattered nang hawakan siya ni Harold sa kanang braso niya at hinila siya nito dahilan para mapatayo siya saka mapalakad nang biglaan. Napasunod na lang siya sa binata. “Naks! Nakabingwit ka kaagad ng gwapo!” malokong bulalas ni Theo kay Harold pagkalapit nila saka pa ito tumawa. Tiningnan naman ni Harold ang lamesa at nakita niyang nadala na sa table nila ang inorder niya. Sumunod niyang tinapunan nang tingin si Theo na ningisihan niya. “G*g*!” Minura ni Harold si Theo habang natatawa. Tiningnan niya isa-isa ang mga kaibigan. “Guys, siya si Tattered, katrabaho ko siya,” pagpapakilala ni Harold kay Tattered sa mga kaibigan niya. Maya-maya ay tiningnan niya si Tattered. “Tattered, si Theo, ‘yung kulot ang buhok, si Uno, ‘yung parang dinilaan ng baka ang buhok sa sobrang pormado saka si Rohem ‘yung nakababa ang bangs. Sila ang mga kaibigan ko since college,” sunod-sunod na sabi pa nito bilang pagpapakilala kay Tattered sa mga kaibigan nito. Isa-isa namang ngumiti ang mga ito kay Tattered. Tiningnan isa-isa ni Tattered ang mga kaibigan ni Harold. “Ako si Tattered,” pagpapakilala niya sa kanyang sarili saka ngumiti. “Mag-isa kasi siya kaya sinama ko na sa atin dahil baka kasi mabaliw sa pag-iisa,” biro ni Harold saka tumawa. Tumawa rin ang magkakaibigan pwera lang kay Rohem na nakatingin, actually, nakatitig kay Tattered. “Tara maupo muna tayo,” aya pa ni Harold kay Tattered na napatango na lang. Naupo sila ng magkatabi sa bakanteng espasyo na meron ang pabilog na couch. “Anyway, si Theo ay freelance model ‘yan. Bagay naman ‘yung trabaho niya sa kanya dahil tignan mo, magandang lalaki siya, ‘di ba?” nangingiting sabi ni Harold na ikinangiti naman ng malaki ni Theo. Gustong-gusto talaga nito kapag sinasabihan siyang gwapo ng kahit na sino. “Si Uno naman, mayor siya kaya kung kailangan mo ng mayor’s permit o kung ano-ano pang permit, lumapit ka sa kanya at madali mo ‘yung makukuha,” nangingiting dugtong niya pa. “Kaya pala pamilyar siya,” bulong ni Tattered. Naalala niyang nakita niya ang posters nito nung nakaraang eleksyon. “At iyon namang nasa dulo, ‘yung lalaking wagas kung makatitig sayo, siya si Rohem, ang palamunin ng lipunan dahil walang trabaho pero pinakamayaman ‘yan sa amin kaya kung kailangan mo ng pera ay sa kanya ka lumapit para umutang,” pagpapakilala pa ni Harold kay Rohem saka humagalpak ito sa pagtawa. Natawa rin sila Theo at Uno pero si Rohem, tiningnan si Harold ng masama. “Tarantado ka talaga,” may himig ng inis na mura ni Rohem kay Harold. “Ikaw naman kasi, wagas kang makatingin kay Tattered. Parang lalapain mo na siya,” natatawang sabi pa ni Harold. “Type mo ba?” nangingiting tanong pa niya saka pinisil-pisil pa niya ang kaliwang braso ni Tattered. “Wow! Ang laki at ang ganda ng braso mo pare!” natatawang sabi pa niya. Natawa naman ng mahina si Tattered at hinayaan lang si Harold na pisil-pisilin siya. Tumango-tango naman sila Theo at Uno. ‘Yun nga ang napansin nila kay Rohem kanina, bukod sa tahimik, titig na titig kay Tattered. Aminado naman si Rohem na nagwapuhan siya sa bagong nakisali sa inuman nila na si Tattered. Nang makita niya ito ay tila bigla itong nagliwanag sa paningin niya at naging malabo naman ang paligid. Matangkad, makisig at gwapo pa. Lalaking-lalaki sa tindig, porma, kilos at pananalita. Gustong-gusto niya ang buo na boses nito. Ang ganda pa ng mga mata nito na medyo singkit at hindi niya din maitatanggi na naaakit siya sa labi nitong may kanipisan. Ngumiti na lang siya ng maliit saka nagbaba na lamang nang tingin si Rohem saka lumagok ng alak. Napatingin naman si Tattered kay Rohem. “Type ka siguro niyan,” bulong ni Harold sa kanya. Ngumiti na lamang si Tattered ng maliit. Hindi niya itatanggi na gwapo sa paningin niya si Rohem. Maangas na cute para sa kanya ang mukha nito. Maganda ang mga mata na tila nangungusap pa at binagayan nito ang makapal na kilay at may kahabaang pilik-mata. Matangos din ang ilong. Katamtaman lang din ang kapal ng labi nito na natural ang pagka-pink. Sa kanya ring palagay ay mas bata ito sa kanya. Tama lang ang laki ng katawan at halatang matangkad din dahil mahaba ang mga legs. “Kung hindi mo kasi naitatanong ay pare-parehas kaming discreet bisexual dito. Nagtatago ng tunay na katauhan sa mga panlalaking suot. Kumikilos at nagsasalita na akala mo tunay na lalaki. Alam mo ‘yan dahil ganyan ka rin, ‘di ba?” bulong na sabi pa ni Harold kay Tattered. Ngumiti naman ng maliit si Tattered. Ramdam naman niya kanina pa na katulad rin niya ang mga ito at masaya naman siya na nakilala sila. Bilang rin kasi sa daliri ang mga kilala niyang katulad niya. “Anyway, Tattered, tumabi ka kay Rohem. Doon na ang pwesto mo,” ani Harold. Tiningnan ni Tattered si Harold. Tinanguan siya ni Harold habang tinitingnan siya nito sa mga mata at sinasabi nang tingin nito na doon ka na lang maupo. Napatango na lang si Tattered saka siya tumayo at pumunta sa pwesto kung nasaan si Rohem. Tinabihan ni Tattered si Rohem sa pag-upo. Patuloy lamang na umiinom so Rohem. Naging tahimik siya dahil sa presensya ni Tattered sa tabi niya. “Simulan na ang tagay!” sigaw ni Harold saka tumawa. Nagsimula nang uminom ulit ang lahat. Si Harold ay nagiging madaldal na dahil na rin sa medyo nakainom na ito. Sila Theo at Uno ay ganun rin. Si Tattered, pangiti-ngiti lamang habang si Rohem naman ay tahimik pa rin at patuloy na umiinom ng alak. “Ang sarap nitong pulutan! Favorite ko talaga ang buttered wings!” ani Theo saka kinagatan ang buttered wings na hawak niya. “Lahat naman sayo masarap!” natatawang sabi ni Harold kay Theo na natawa din sa sinabi niya. “Kahit nga yata ako ay masarap para sayo,” pagbibiro pa ni Harold. Tiningnan naman ni Theo si Harold. Tinitigan pa niya ito. “Oo… ang sarap mo nga pare! Pa-kiss!” biro niya pa saka tumawa nang malakas na ikinatawa din ni Harold ng malakas. Hindi naman pinapansin nila Tattered at Rohem ang paghaharutan nila Theo at Harold. Dahil sa magkatabi sila ay minsan ay hindi sinasadyang magkakadikit ang kanilang mga braso. Kapwa nakakaramdam sila ng kakaiba sa hindi sinasadyang pagkakadikit na iyon. Ramdam nila ang boltahe ng kuryente na hindi nila alam kung saan galing kaya nga kaagad rin nilang hinihiwalay ang kanilang mga braso at hindi na lamang iyon papansinin. Lihim na tiningnan ni Rohem si Tattered. Doon niya napagmasdan nang malapitan ang mukha nito. Napansin niya kung gaano kalapad ang noo nito dahil nakataas ang ayos ng buhok, kung gaano kakapal ang itim na mga kilay at kahaba ang mga pilik-mata nito na katamtaman lang din ang haba na nagpaganda sa mga mata nito na tila nang-aakit kung tumingin. Napansin din niya kung gaano katangos ang ilong nito, ang makinis na mukha ng binata at higit sa lahat ay ang labi nitong nagugustuhan niya kapag tipid na ngumingiti. Napakagat-labi si Rohem. Iniwas niya ang tingin kay Tattered saka muli siyang uminom ng alak sa hawak niyang baso. Ramdam niyang tumibok ng mabilis ang puso niya. “Hoy Rohem! Masyado ka naman yatang tahimik? Kilig na kilig ka siguro kasi katabi mo si Tattered!” pang-aasar ni Theo kay Rohem saka tumawa pa ito ng malakas. Ngayon, nakaganti na siya dahil matindi rin mang-asar sa kanya si Rohem. Tiningnan ni Rohem si Theo ng masama na tinawanan lang siya ulit. “Napakag*g* mo, alam mo ‘yun?” malamig na sabi niya pa. Medyo namumungay na ang mga mata ni Rohem saka namumula na rin ang magkabilang pisngi nito dahil sa nakainom na. “Matagal ko ng alam ‘yon!” sigaw ni Theo saka tumawa siya ulit. “Gwapong-gwapo ka kay Tattered?” sabat naman ni Harold habang tinitingnan si Rohem. Nangingiti ang labi niya. “F*ck you!” mura ni Rohem at binigyan ng middle finger si Harold. Nangingiti naman si Tattered. Ewan ba niya pero imbes na mainis ay natatawa na lamang siya. “Ikaw Tattered? Gwapo ba sa paningin mo si Rohem?” pagtatanong ni Theo kay Tattered. Tiningnan ni Tattered si Rohem. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Kaagad na nagbaba nang tingin si Rohem. Hindi niya nakayanan ng matagal ang tingin sa kanya ni Tattered dahil pakiramdam niya ay tumagos iyon hanggang sa kaluluwa niya. “Oo naman. Gwapo naman siya,” sagot ni Tattered saka tumango-tango pa. “Naks! Gwapong-gwapo sa isa’t-isa!” pang-aasar na sabi ni Theo. “Tumigil nga kayo!” inis na inis na singhal ni Rohem saka siya sumimangot. Nahihiya din siya kay Tattered. Alam niyang gumaganti ang mga ito sa kanya dahil sa kanilang magkakaibigan, siya ang pinakamatindi mang-asar. ‘Bakit ba kasi ako napatitig sa kanya kanina? ‘Yan tuloy puro pang-aasar ang natatanggap ko. Bwisit!’ isip-isip niya pa. Tuloy ang asaran at tuloy din ang inis na nararamdaman ni Rohem na panay pa rin ang inom. Si Tattered naman ay chill lang na nakaupo. “Uno, dala mo ba ‘yung attaché case mo?” pagtatanong ni Harold kay Uno. Tumango-tango ang nakainom na ng marami na si Uno. Galing siyang trabaho at nagpalit lang ng short-sleeve polo na kulay dark blue na baon niya at hindi pa siya nakakauwi ng kanyang bahay. “Eh ‘di may papel ka ng… alam mo na,” sabi pa ni Harold habang taas-baba ang kilay na nakatingin kay Uno. “Papel ng-” Nanlaki ang mga mata ni Uno. “Oy Harold! Kung anuman ang trip mo, huwag mo nang ituloy dahil hindi ‘yan pwede.” Kaagad niyang nakuha ang gustong mangyari ni Harold dahil nangyari na ito dati sa kanya at kay Theo dahil sa pinagtripan sila ng kaibigan noon. Mabuti na lang at nabasa ng beer ang papel kaya hindi na iyon nagkasilbi pa at itinapon na lang. “Trip lang naman ito Uno kaya pagbigyan mo na!” sabi kaagad ni Harold na lasing na din kaya kung ano-ano na ang naiisip gawin. Mabilis na iniling-iling ni Uno ang ulo niya. Nilagok nito ang basong hawak na may lamang tequila saka kumain ng maraming pulutan na isinaksak sa kanyang bibig at mabilis itong ninguya. “KJ mo naman Uno!” pagmamaktol na bulalas ni Harold. Pinadyak-padyak pa niya ang kanyang mga paa sa sahig na para siyang bata. “Ano na naman ba kasing trip mo diyan Harold at kailangan mo pang isama si Uno?” tanong ni Rohem na unti-unti ng nalalasing pero patuloy pa rin sa pag-inom. Hindi na niya naalala ‘yung ginawa ni Harold noon kay Theo at Uno. Abot-tenga na ngumiti si Harold nang tingnan niya si Rohem. Pati si Tattered na nakatingin sa kanya ay tiningnan din niya. “Tiyak na magugustuhan mo ito,” nangingiting sabi ni Harold. “Ikakasal kayo ni Tattered at si Uno ang magkakasal sa inyo,” aniya pa. “Ganda ng plano ko, ‘di ba?” tanong pa niya saka tumawa. Biglang napabuga ang iniimom ni Rohem dahil sa gulat sa narinig niya. “Lintik ka Harold! G*g* ka! Talagang trip mo kami ngayong gabi, ‘no?” galit na singhal ni Rohem sa kaibigan. “Puro kagaguhan ang naiisip mo-” “Bakit? Ayaw mo ba? Saka wala lang naman ito-” “Pare, hindi pwede ‘yang trip mo,” pagsabat ni Tattered. “Tattered, trip lang naman ‘to. Pagbigyan niyo na ako,” ani Harold. “Hindi naman ‘yan ire-register,” wika pa niya. Mabilis na iniling-iling ni Rohem ang ulo niya. Tiningnan niya si Tattered. “Huwag mo na lang siyang pansinin. Lasing na ‘yan kaya siya ganyan,” sabi pa niya. Tiningnan naman ni Tattered si Rohem. Tumango-tango na lang siya. “Sige na Uno at ikasal mo na ‘yang dalawang ‘yan!” utos ni Harold. “Oo nga! Ikasal na ‘yan! Ikasal na ‘yan! Ikasal na ‘yan!” paulit-ulit na sigaw pa ni Theo habang pumapalakpak pa na parang tanga. “Ikasal na ‘yan tapos mag-honeymoon na ‘yan tapos bumuo na ng baby!” sunod-sunod na sabi pa niya na pakanta. Masama namang tiningnan ni Rohem ang mga kaibigan niya. “Hindi pwede ‘yang gusto mo Harold!” umiiling na sabi ni Uno. “Libre ka sa bar na ito for one year,” pangako bigla ni Harold. Sa kanya ang bar na ito. Bukod sa nagtatrabaho ito ay may negosyo rin siya kasosyo ang iba pang negosyanteng katulad niya. Mabilis na tumayo nang tuwid si Uno na ikinagulat nila. Ngumiti siya na parang tanga. Dahil sa kalasingan ay nagmukha na itong hindi kagalang-galang na mayor. “Sige! Game tayo diyan basta sa libre!” Lasing na sigaw ni Uno. Mayaman naman ang pamilya niya pero dahil sa lasing, magandang pakinggan sa tenga niya ang salitang libre. “Oy Uno naman! Makikisakay ka sa trip ng g*g*ng ‘yan?” Kinakabahang sabi ni Rohem. Napatingin ito kay Tattered na namumungay na ang mga mata at namumula ang magkabilang pisngi. Mukhang lasing na rin ito. “Trip lang naman,” ani Uno saka ngumiti nang malaki. “Hindi ire-register ang kasal. In short ay laro lang ‘to,” aniya pa. “Pumayag ka na lang! Trip lang naman,” ang nasabi na lamang ni Tattered na mabilis na ikinatingin ulit sa kanya ni Rohem. Nanlalaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito na nagpawala din sa kalasingan niya. Nagpalakpakan sila Theo at Harold dahil sa pagpayag ni Tattered. “Oh ayan at pumayag na ang groom!” natutuwang sigaw ni Theo. “Simulan na ang kasal kahit tutol ang bride! Kami ang witness ni Theo,” sabi naman ni Harold. Nakatulala lang si Rohem na nakatitig kay Tattered na nangingiti lang ang labi habang nakayuko ang ulo. Nagsimulang magsalita si Uno ng tungkol sa seremonyas ng kasal. Halatang lasing na talaga ito dahil sa sunod-sunod at mabilis na pagsasalita na minsan pa ay nagkakadabulol-bulol. Hindi alintana ang ingay ng mga tao at tugtugin sa ginagawa nila. Napapangiti naman sila Theo at Harold na kapwa lasing na at mukhang wala nang alam sa ginagawa nila. Si Tattered naman ay nagpatuloy sa pag-inom at hinahayaan si Uno sa ginagawa. Ewan ba niya kung bakit hinahayaan niya lamang ito. Iniisip na lamang niyang trip lang naman at nakikisama siya since nakakahiya naman kung magiging KJ rin siya. Si Rohem naman ay iniwas na ang tingin kay Tattered at sunod-sunod ang ginawang pag-inom para maalis ang kabang nararamdaman. Ewan ba niya kung bakit siya kinakabahan. Trip lang naman ang ginagawa ng mga kaibigan niya sa kanila ni Tattered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD