Chapter 4 -Miss Dila daw-?

1625 Words
❀⊱Celestina's POV⊰❀ "What? Akala ko ba ngayon ang balik natin ng England?" Nayayamot ako habang kausap ko si Kuya Trenz. Nalaman ko kasi na kailangan pa raw naming mag-stay dito ng at least tatlong linggo dahil sa negosyong sinisimulan namin dito. "Mabilis lang naman na lilipas ang tatlong linggo, and besides wala ka pa namang importanteng gagawin sa opisina mo. Si Cairo naman ang namamahala ngayon duon kaya huwag ka ng magalit. Tatlong linggo lang at promise babalik din agad tayo ng England. Importante lang talaga ito, pangako after nito ay babalik din tayo ng England." Napabuntong hininga ako at padabog akong umupo sa sofa. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari. Dapat ngayon ay paalis na kami upang bumalik ng England pero heto at nandirito pa kami dahil sa importanteng bagay na kailangan niyang asikasuhin. Ibig bang sabihin nito ay tatlong linggo ko pang makikita si Josh? Huwag naman sana dahil namumuhi na ako sa kanya at handa na akong kalimutan ang lalaking 'yon. "Tawagan mo na lang ang mga kaibigan mo at mamasyal na muna kayo, my treat!" Umingos ako sa kanya habang inis na inis talaga ako. "May mga trabaho ang mga kaibigan ko kaya hindi sila pwede kapag ganito pa kaaga, sa hapon ko lang sila nakakasama after ng work nila," inis kong sagot kaya natawa siya ng mahina at nilapitan ako. Ginusot-gusot niya ang buhok ko kaya mas lalo tuloy akong nainis sa kanya. Feeling niya talaga bata pa ako kaya lagi niyang ginagawa 'yon sa buhok ko. "Kuya naman eh!" inis kong sabi dito pero tinawanan lang niya ako at umakyat na siya ng ikalawang palapag. Sinundan ko na lamang siya ng tanaw dahil mukhang wala na nga akong magagawa kung hindi ang manatili dito ng tatlong linggo. Inis akong tumayo at naglakad ako palabas ng mansyon ng tumunog ang telepono ko. Tumatawag si Ate Joyce kaya agad ko itong sinagot. "Hindi naman kayo matutuloy ngayon ni Kuya sa pag-uwi kaya pumunta ka muna dito at nagluto ako ng masarap na pagkain. Paborito mo ang mga niluto ko, sinangag na maraming bawang, longganisang maraming bawang at ang itlog na maalat at tocino." Pagkasabi ni ate ay ang bilis kong pumihit at halos takbuhin ko na ang pag-akyat ko sa ikalawang palapag. "Hintayin mo ako ate, sabay tayong kakain niyan," sabi ko sa kanya kaya malakas siyang natawa. Mabilis akong nakapagpalit ng damit at nagpaalam din ako kay kuya na pupunta ako kay Ate Joyce. Alam ko naman na kahit hindi ko kasama si kuya ay bubuntot sa akin ang mga tauhan niya na pinagbabantay niya sa akin. Pagkasakay ko ng sasakyan ay mabilis ko na itong pinaharurot upang makarating agad ako sa mansyon nila ate. Excited na akong kumain ng mga paborito kong pagkain na si ate ang nagluluto. Masarap kasi siyang magluto at tanging homemade longanisa nya lang ang kinakain ko. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa kanilang magarbong tahanan na animo ay Hari at Reyna ang nakatira. Masaya din akong sinalubong ni ate at pagbaba ko pa lamang ay niyakap na niya agad ako. "Halika na sa loob, wala dito si Kuya Hugo mo pero tumawag siya at pauwi na raw siya. May kinuha lang 'yon sa opisina niya pero hindi na natin siya hihintayin pang kumain dahil gutom na ako," ani ni ate kaya ngiting-ngiti ako habang naglalakad na kami patungo sa kanilang dining area. "Maliligaw talaga ako dito sa loob ng bahay ninyo, parang palasyo. Anlalaki talaga ng mga bahay ng mga Dux, grabe nakakaloka!" ani ko habang inililibot ko ang aking paningin sa napakalaking bahay. Malaki din naman ang mansyon ni kuya pero doble ang laki nito kaya talagang maliligaw ka sa loob kung hindi mo ito kabisado. Pagkarating namin ng dining area ay tuwang-tuwa ako dahil sa dami ng pagkaing niluto ni ate para sa aming dalawa lang. "Oh my god ate, tayong dalawa lang ba talaga ang kakain nito?" gulat kong ani dahil sobrang dami ng pagkaing niluto nila. "Hi! Nandito pala ang paborito kong sister-in law," ani ni Kuya Hugo ng bigla itong pumasok dito sa dining area. "Bakit? May iba ka pa bang sister-in law? Ate oh! Mukhang may ibang babae si Juya Hugo," pang aasar ko kaya natawa na silang mag-asawa. Umupo naman agad ko sa upuan habang magkatabi namang naupo ang sweet couple na nasa harapan ko. Nakakainggit naman si ate dahil may isang lalakeng katulad ni Kuya Hugo na nagmamahal ng sobra-sobra sa kanya. 'Yung pagmamahal na hindi isang kapatid lang, nakakaloka! Sisimulan ko na sanang kumain ng bigla na lamang parang dumagundong ang mundo ko ng marinig ko ang boses ng isang tao na ayaw ko na sana talagang marinig pa. "Hinintay ko pa ang mga ito sa labas, inubos pa nila ang sigarilyo nila." Boses ni Josh na halos nagpapigil ng hininga ko. Napatitig naman sa akin si ate at si Kuya Hugo habang kulang na lang ay tumayo ako at iwanan ko na lang sila. Pero nakapag-isip ako, kapag ginawa ko 'yon iisipin niyang apektado ako at isa akong talunan kaya hindi ko 'yon gagawin. "May bisita pala kayo." Boses naman ni Marcus pero hindi pa rin ako lumilingon. Biglang natahimik ang lahat ng sa tingin ko ay nakilala na nila ako kahit na nakatalikod pa ako sa kanila. "Akala ko nakaalis na kayo ng kuya mo." Napalingon ako sa boses ni Lucio kaya isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya. "May inaasikaso si Kuya, urgent kaya hindi agad kami makakabalik ng England. Malas nga eh! Ayoko na sana talagang mag-stay dito kaya lang no choice ako ngayon. Malas dahil may makikita akong hindi kanais-nais," ani ko. Hindi naman sila kumibo, maging si ate ay hindi nagsalita pero napapailing siya sa akin. Muli akong napatingin sa napakaraming pagkain sa table. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit napakarami ng pagkain na nakahain. "Kumain na tayo at lumalamig ang pagkain," ani ni ate. Nagulat pa ako ng biglang hinila ni Josh ang isang silya at halos dikit na dikit na ang pagkakaupo niya sa tabi ko. "Hindi kaya magkapalit na tayo ng mukha dahil sa sobrang dikit mo sa akin? Baka mamaya makita ka ni Saraya at sabihin na naman niya na naglalaway ako sayo, my gosh! Kung atat kang makatabi ako, huwag ka naman masyadong magpahalata no! Medyo lumayo ka sa akin dahil hindi ako makakakain ng maayos kung ikaw ang katabi ko." Mataray kong sabi at wala akong paki kahit na ba nasa harapan ko si ate. Dikit na dikit naman kasi siya sa akin na parang atat na atat lang na madaiti sa balat ko. "Huwag kang assuming Miss. Dila, siniksik lang nila ako dahil hindi tayo kasya sa table. Tignan mo ang paligid mo para makita mo kung bakit ako nakadikit sayo, feelingera ka din noh!" Bigla naman akong napatingin sa kabuuan ng malaking mesa at duon ko pa lamang napagtanto na nandito din pala sila Lyka at ang triplets kaya talagang siksikan na kami sa mahabang table nila ate. Hindi naman ako makapagsalita pero ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. "Napahiya ka ba? Masyado ka kasing assuming! Next time Miss. Dila, tumingin ka muna sa paligid mo bago ka dumada," ani niya pa at tumayo na siya kasabay ng paghablot niya sa kanyang plato. "Tigilan mo nga pagtawag sa akin ng Miss Dila kung ayaw mong malunok ng buo 'yang dila mo!" galit kong sabi pero hindi niya ako pinansin at tumingin lamang ito sa ate ko at kay Kuya Hugo. "Sa labas na lang ako kakain sa may garden, mas maganda ang ambience duon kaysa dito. Baka mawalan pa ako ng gana saka ayoko rin namang masira ang masaya nating salo-salo," sabi ng bwisit na lalaking 'yon kaya biglang tumaas ang isang kilay ko sa tinuran niya. Magsasalita na lamang sana ako pero bigla naman akong sinaway ni ate kaya nagngingitngit talaga ako sa galit sa Josh na 'yan. Ganuon na lang din ang ginawa ni Marcus marahil ay upang may makasalo si Josh sa pagkain sa labas. "Cez, mamaya after nating kumain ay sumunod ka sa akin sa silid namin at mag-uusap tayong dalawa," ani ni ate kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit ako? Wala naman akong ginagawang masama." Hindi naman siya kumibo na habang ako ay hindi na makakain ng maayos dahil sa inis ko kay Josh. Pagkatapos kong kumain ay lumabas muna ako dahil hindi pa naman tapos kumain si ate. Nakikipag kwentuhan pa nga siya kila Lyka kaya hindi ko na siya inabala pa. Papalabas na sana ako ng makasalubong ko si Josh na may hawak na plato pero hindi ko siya pinansin at diretso lang ako sa paglalakad. "Next time, ako naman ang magpapatikim sa iyo ng dila, at sisiguraduhin ko sa iyo na mapapaungol kita," sabi niya ng hindi humihinto sa kanyang paglalakad kaya ako ang napahinto at napalingon sa kanya. "Ipapatikim ko sa iyo ang dila ng aso, bwisit ka talaga!" galit kong ani at nagtatakbo na ako palabas at mabilis akong nakapasok sa loob ng aking sasakyan. "Nakakainis ka na talaga Josh! Bwisit ka, may araw ka rin sa akin! Naisahan mo ako ngayon pero sa susunod ako naman ang mamamahiya sayo!" malakas kong sigaw habang inis kong hinahampas ang manibela ng sasakyan ko. Pero aaminin ko na hanggang ngayon ay napakalakas ng epekto niya sa akin, katunayan ay napakalakas pa rin ng pagtibok ng puso ko. Nilalakasan ko lang talaga ang loob ko para makita niya na hindi ako naaapektuhan sa kanya kahit kapatid lang ang tingin niya sa akin. Bakit ba kasi nagpunta pa ako dito, iniiwasan ko na nga siya pero lagi pa rin kaming nagtatagpo ng landas. Nakakainis na talaga! Napahiya ako kanina sa harapan nilang lahat! "Bwisit ka talaga Josh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD