Chapter 5 -Jonathan-

1605 Words
❀⊱Celestina's POV⊰❀ Nagkayayaan kami na mag-swimming dito sa Boracay kasama ang mga kaibigan ko. Buti na lang at holiday kaya wala silang trabaho at free sila ng ilang araw dahil na rin sa ipinagpaalam sila ng Kuya Trenz ko. Iba talaga ang nagagawa ng gwapo, isang salita lang ni kuya ay pumayag na agad ang mga amo nila. Ang nakakatawa pa ay panay tanong nila sa mga kaibigan ko kung binata raw ba si Kuya Trenz. Bigla tuloy pumasok sa isipan ko si Ate Emma. Nagpakasal sila ni kuya dahil akala niya ay dalaga pa ito na naanakan lang ng dating kasintahan nito pero kasal pala si Ate Emma sa ama ng anak niya kaya nakipag divorce agad si kuya at pinabalik ng Pilipinas si Ate Emma at ang anak nito. Napamahal pa naman kami sa baby niya pero hindi ko naman masisisi si kuya kung magalit siya. Pasalamat na rin siguro si Ate Emma na hindi siya ipinakulong ni kuya dahil sa panloloko niya. Naniniwala naman kami ni Ate Joyce na mahal na mahal nito si kuya pero hindi na sila pwede dahil may asawa pala siya. At kahit hiwalay sila ay kasal pa rin sila. "Tara na sa dagat beshie," tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa isang hotel at magkakasama kami sa iisang suite na pinareserba ni kuya para sa amin ng mga kaibigan ko. Gusto ko na kasing bumalik sa England, pero hindi pwede dahil ipinangalan ni Kuya Trenz sa aming dalawa ni Ate Joyce ang negosyong itinatayo niya dito kaya kailangan daw niya ako dito para sa mga ibang detalye na kakailanganin niya. "Beshie, daydreaming ka na naman diyan," wika ni Sandy kaya natawa ako. "Ayan na nga noh! Tignan ninyo itong suot ko, okay ba? Bagay ba sa akin ito?" tanong ko sa kanila habang umiikot-ikot ako. Nakasuot ako ng two-piece na kulay itim kaya litaw na litaw ang maputi kong kulay at ang magandang hubog ng katawan ko. "Sobrang ganda besh pero mas maganda 'yan kung maibabandera mo 'yan sa beach," wika ni Jovina kaya nagkatawanan na kami. Mabilis kong naisuot ang aking cover ups at lumabas na agad kami ng suite upang ma-enjoy na namin ang malamig na tubig ng karagatan. Paglabas namin ng hotel ay naglakad kami papalapit ng pangpang. Maraming tao sa paligid at hindi maiwasan na pagtinginan kami ng mga kalalakihan. Simple man ang pamumuhay ng mga kaibigan ko pero hindi naman sila papatalo pagdating sa pagandahan ng mukha. Inilatag namin ang beach towel namin sa buhangin at nahiga kami dito habang salitan kaming nagpapahid ng lotion sa katawan. "Besh lagyan mo din ako sa likod. Ayokong masunog ang balat ko, mahapdi ang sunburn sa katawan," ani ni Evelyn. Pagkatapos naming magpahiran sa likod ng lotion ay padapa kaming nahiga. Ang cover ups ko ay ginawa kong unan at ipinikit ko ang aking mga mata. "Hello Miss Beautiful," ani ng isang boses pero hindi ko ito pinansin. Wala ako sa mood makipag bolahan sa kanila kaya kung maaari lang ay tantanan nila ako. "Ang gaganda naman ninyo, pwede ba kaming maki-join sa inyo?" ani muli ng boses na 'yon kaya sa inis ko ay idinilat ko ang aking mga mata at tinanggal ko ang sunglasses ko. "Leave us alone. Wala kaming pakialam sa inyo at hindi rin kami interesado sa inyo," ani ko pero makukulit ang mga lalaking ito at naupo pa sa may ulunan namin kaya sa inis ko ay tumayo ako at ganuon din ang ginawa ng mga kaibigan ko. "Ang susuplada naman ninyo. Gusto lang naman naming maki-join sa inyo," ani ng isang maangas na lalaki. Akala mo naman ganuon siya kagwapo samantalang wala naman siyang binatbat sa mga kaibigan ni Kuya Hugo lalong-lalo na kay Josh. "Sorry pero nandito kami para mag-enjoy kaming magkakaibigan. Kami lang at ayaw namin ng may aabala sa amin kaya please, leave us alone dahil hindi namin kailangan ng kasama," wika ko at ipinapakita ko sa kanila na hindi sila nakakatuwa. Nakakainis lang dahil kahit itinataboy na namin sila ay ayaw nila kaming tantanan. Ang sarap nilang sabuyan ng buhangin hanggang sa mailibing sila ng buhay. "Dito lang kami at panunuorin namin ang pagbabago ng kulay ng kutis ninyo, ang kikinis na para bang kay sarap lamutakin," ani nito kaya hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Napatayo kaming bigla upang umalis na lamang para makalayo kami sa kanila pero bigla na lamang akong hinablot ng isa sa kanila sa aking braso upang mapigilan ako sa paglalakad. "Bitawan mo ako kung ayaw mong pagsisihan ang ginagawa mo," ani ko at napatingin ako sa mga nakabantay sa amin ng mga kaibigan ko na humahangos papalapit sa amin. Pero bago pa man sila tuluyang makalapit sa kinaroroonan namin ay isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ng lalaking nakahawak ng mahigpit sa braso ko. "Napatili kami ng mga kaibigan ko at napaatras dahil nagkagulo na sila. Pero nakakahanga ang liksi ng lalake dahil hindi siya natatamaan ng suntok at mabilis niya ring napabagsak ang apat na lalakeng nanggugulo sa amin. Kumabog ang dibdib ko ng makilala ko ang lalake. Ito 'yung lalakeng nakasayaw ko sa bar. Ano ang ginagawa ng lalakeng 'yan dito? Sinusundan ba niya ako? "Are you guys, okay?" tanong niya ng lumapit siya sa akin. Mas lalong tumibok ang puso ko ng hawakan niya ang braso ko na hinawakan ng mahigpit ng lalaking 'yon. My god! Salawahan na ba ang puso ko at mukhang tumitibok din ito ng mabilis sa gwapong lalake na ito? Ganitong-ganito ang t***k ng puso ko sa tuwing napapalapit sa akin si Josh at ngayon ay nararamdaman ko ito sa lalakeng ito. "Salawahan ka besh," bulong sa akin ni Sandy ng mapansin niya na titig na titig ako sa mukha ng gwapong lalaking ito. "I know right!" Tanging sagot ko sabay lungkut-lungkutan pa ako ng aking mukha. "Okay lang ba kayo? Sa susunod ay mag-iingat kayo dahil maraming mga tarantado sa lugar na ito kapag nakikita nila na wala kayong kasamang lalake," wika nito. Hindi naman ako kumikibo dahil nakatitig lamang ako sa mukha niya. Bakit nga ba tumitibok ng ganito kabilis ang puso ko sa gwapong ito? "I'm Jonathan," pagpapakilala nito sa amin sabay lahad ng kanyang kamay. Mabilis ko itong inabot at nagpakilala naman ako at ang mga kaibigan ko. "Would you like to join me for coffee, my treat?" ani nito kaya parang mga tangang kinikilig ang mga kaibigan ko. "Kasali ba kami sa pa coffee mo na 'yan o kayong dalawa lang ng friendship namin?" tanong ni Sandy kaya siniko ko siya sa tagiliran dahil nakakahiya na talaga sila. "Of course, kasama kayo," wika nito. Napatingin pa kami sa mga tauhan ni kuya na nagbabantay sa amin na itinatayo ang mga kalalakihan na may kasamang mga guard ng resort na ito. "Okay," sagot ko at inalalayan agad niya ako pero isinuot ko muna ang cover ups ko upang hindi naman masyadong awkward na mag co-coffee kami tapos naka two-piece lang kami. Nakakaloka 'yon noh! Nakarating kami sa isang coffee shop at umorder din agad kami. Hindi naman maalis ang tingin ko sa mukha niya at hindi ko alam kung bakit. Akma kong hahawakan ang mukha niya ng bigla niyang sinalo ang kamay ko at umiling siya kaya nakaramdam naman ako ng pagkapahiya sa sarili ko. "Uhm, sorry. Hindi ko alam kung bakit tinangka kong hawakan ang mukha mo," ani ko sa kanya pero ngumiti lamang ito sa akin. Dumating ang order namin at bigla na lamang tila ba naging de numero ang kilos ko. Hindi ko alam kung bakit, marahil ay dahil napahiya ako kanina at naging kampante ako na akala ko ay okay lang na mahawakan ko ang mukha niya. "May boyfriend ka na ba, Celestina?" He asked. Nagkatinginan naman kami ng aking mga kaibigan at hindi ko rin alam ang isasagot ko pero bigla akong umiling sa kanya. "Manliligaw?" tanong pa ulit niya kaya napapakunot ang noo ko, pero tumango naman ako. Naloloka na yata ako ha! Bakit ganito ang nagiging reaksyon ko sa lalakeng ito? "Hindi 'yan nawawalan ng manliligaw pero hindi naman niya sinasagot dahil may minamahal na ang puso niya, 'yun nga lang, iba ang gusto ng lalaking 'yon at hindi siya." walang prenong ani ni Sandy kaya pinandidilatan ko talaga siya ng aking mga mata. "What? Totoo naman hindi ba? Ano naman ang masama kung malaman niya eh hindi naman niya kilala si Josh," dagdag na ani pa ng aking kaibigan kaya inis na inis na ako at gustong-gusto ko na siyang saksakin ng tinidor. "Josh? Mukhang pangalan pa lang ay bigatin na," ani nito kaya bigla akong sumibangot at pasaksak kong tinusok ang cake na inorder niya para sa akin. "Kung pwede ko nga lang siyang saksakin ng tinidor, matagal ko ng ginawa! Huwag mong intindihin ang Josh na 'yon dahil pangit ang lalaking 'yon at amoy putok. Ang baho-baho pa ng hininga niya at higit sa lahat, may kuto!" wika ko at biglang natahimik si Jonathan at nakatitig lamang sa akin na hindi ko maunawaan kung ano ang nasa isipan niya. Natakot ba siya sa kuto? "Wow! Mukhang namumuhi ka ng husto sa lalaking 'yon ha," seryosong ani nito. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang ngiti niya na kanina lamang ay hindi maalis-alis sa kanyang labi. "Hoy Jonathan! Kung iniisip mo na baka nahawa ako ng kuto sa kanya ay nagkakamali ka noh! Nakakaloka ka ha! Wala akong kuto, siya lang 'yon," wika ko at malakas na tawanan mula sa mga kaibigan ko ang maririnig. Maging si Jonathan ay natawa na rin sa sinabi ko at tuluyan na kaming nauwi sa tawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD