bc

Marry me CELESTINA

book_age18+
15.3K
FOLLOW
139.5K
READ
billionaire
powerful
mafia
drama
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

Celstina Jones, ang bunsong kapatid ni Joyce na na-in love kay Josh, pero walang pakialam sa kanya si Josh dahil kapatid lamang ang turing sa kanya.

-*-

Josh Morin, a spoiled rich and well-to-do self-proclaimed Cassanova with women who thrives on the adrenaline rush he feels from his passion, a skilled hitman for the Venum mafia family. He thrives in an emotionless danger zone. Thus, he has no idea which direction his life is headed, nor does he care what the future holds for him. He is a proficient taker of life. He has been programmed to be unconcerned with the identity of the target as long as the task is completed.

A man without feelings who can use women to fulfill all of his demands and pleasures before discarding them like a used rag doll.

Josh is a master of disguise. He can assimilate to be anybody or nobody.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -First kiss na may dila-
❀⊱Celestina's POV⊰❀ Parang sasabog ang puso ko ng marinig ko ang mga sinabi ni Josh. Grabe sya ha! Buong akala ko may gusto din siya sa akin nuong mga panahong hinahatid-sundo niya ako sa school. Sabi niya, he will be my protector at hindi niya ako hahayaang masaktan, pero ngayon, heto at siya ang nananakit sa akin. Alam kong lasing na lasing na ako dahil napaparami na ang naiinom ko. Masyado lang kasing masakit ang mga sinabi ni Josh kanina. Dahil sa galit ko ay nagtatakbo ako palabas ng mansion nila ate. Kahit anong tawag sa akin ni Ate Joyce ay hindi ko siya pinapansin. Halos lakad takbo ang ginawa kong pagsugod kay Josh, at sinampal ko talaga siya ng ubod ng lakas ng makalapit na ako sa kanya. Pero ang hindi ako makapaniwala ay ng bigla ko siyang hinalikan sa kanyang labi and oh my god, saan ko natutunan na pagalawin ang dila ko? Maging ako ay nabigla dahil first kiss ko 'yon, first kiss na may dila at hindi ko talaga alam kung paano ko 'yon nagawa. Tinatagan ko na lang ang loob ko ng halos patulak niya akong inihiwalay sa katawan niya. Nandiri ba siya sa halik ko? Nag toothbrush naman ako kanina and FYI laging mabango ang hininga ko. Tinitigan ko siya ng masama at ipinaramdam ko sa kanya ang galit na nararamdaman ko sa pamamagitan lamang ng titig ko. Ang lambot ng labi niya at nalasahan ko ang lasa ng beer at ng sigarilyo, pero masarap pa rin at hindi ko alam bakit parang ayaw ko pang bitawan ang labi niya. Parang siya pa ang nandiri sa akin. FYI virgin pa ako, baka kung ano pa ang isipin ng sira ulong ito. "How do you feel now that you've tasted my first kiss? That kiss will torment you until you realize you love me more than the woman you were talking about. Unfortunately, this will be the last time my heart beats for you, asshole! I hate you, Josh! I hate you!" Pagkasigaw ko sa kanya ay nagtatakbo na ako sa loob ng mansion nila ate. Hindi ko na siya nilingon pa dahil ayoko ng makita pa ang pagmumukha niya. Diretso na akong umakyat sa room ko at ayoko ng makipag-usap kahit kanino. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon pero andun na eh! Nahalikan ko na siya at nasayang ko na ang first kiss ko. I felt sorry for myself that I squandered my first kiss on that person. I despise him to no end! "Cez, buksan mo ang pinto at mag-usap tayo," ani ni ate pero ayoko munang may makausap kaya tinakpan ko ng unan ang aking mukha. Ilang katok pa hanggang sa tumigil din si ate. Naupo ako sa bed at umiyak ako ng umiyak na parang tanga. 'Yung feeling na kaawa-awa ako, na ako 'yung aping-api at ako 'yung ninakawan ng halik. My gosh bakit ang drama ko kapag lasing ako? Akala siguro ng Josh na 'yon ay magsasayang ako ng luha sa kanya. Hindi noh! Pero bakit ako umiiyak? Tumayo ako at nagtungo ako ng banyo upang maghilamos. Napaharap ako sa salamin at tinitigan ko ang aking mukha. "Shuuucks! Ang pangit ko, oh my god!" malakas kong ani ng makita ko ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa kakaiyak ko kanina. Tinitigan ko ang mukha ko, pinindot-pindot ko ang gilid ng mga mata ko na talaga namang namamaga. Si Josh ang dahilan kung bakit ganito ang hitsura ko. Dahil sa kanya mukhang papangit pa yata ako sa araw mismo ng kasal ni Ate. Hindi ako papayag, dapat kasing ganda ko si ate sa araw ng kasal niya. Hindi ko na iisipin pa si Josh at hindi ko na rin siya iiyakan pa. Hindi nya deserve ang mga luha ko at duon na lang siya sa sinasabi niyang babaeng nagpapatibok daw ng puso niya. Ang kapal ng mukha niya para paasahin ako. Hinablot ko ang towel at malumanay kong tinuyo ang aking mukha. Halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko dahil sa pamamaga nito. Ito ba ang pagmumukha ko na iniharap ko sa kanila kanina? Mukha akong zombie na gutom na gutom at naghahanap ng mabibiktima sa hitsura ko. Nakakahiya! "This is not cool, kasalanan mo 'to Josh, kasalanan mo kung bakit ang pangit ko ngayon," ani ko at padabog akong bumalik sa kama at muntik pa akong madapa dahil nahihilo ako. Bukas ang sliding door ng veranda ko at screen lamang ang nakasara. Naririnig ko ang tawanan nila Kuya Hugo kaya lumabas ako ng veranda, pero hindi naman sila ang dahilan kung bakit ako nandito sa veranda. Nandito ako upang magpahangin upang makalimutan ko ang mga nangyari kanina at para hindi na ako umiyak. Akoyo ng umiyak dahil pumapangit ako. Napatingin ako sa may gawi ng pool at nagulat ako ng makita ko si Josh na nakatitig sa kinaroroonan ko. Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang ako sa loob ng silid at nilock ko ang sliding door. Maglaway ka sa akin ngayon, tignan ko lang kung masabi mo pa na in love ka sa kung sino man ang babaeng 'yon. Ayoko na sa kanya, hindi ang katulad niya ang pag-aaksayahan ko ng oras ko. Ang sakit kaya ng mga sinabi niya kanina. For me, masakit 'yon dahil iba pala ang gusto niya at hindi ako. Kapatid talaga? 'Yun lang ang nararamdaman niya para sa akin? Kaloka siya! After kong mag-invest ng feelings for him tapos malalaman ko, kapatid lang? Wow ha! Nagmamadali pa naman akong makauwi dito sa Pilipinas para muli ko siyang makita, tapos... Kapatid? "Of course not! Wala akong romantic interest sa kanya dahil may nagugustuhan na akong iba. Napakabata pa niya at kapatid lang ang turing ko sa kanya." Hindi ko makalimutan ang sinabi niya, ang sheket! "Simpleng babae lang, malayong-malayo ito kay Celestina. Kapatid lang ang turing ko sa kapatid ni Joyce at hanggang duon lang 'yon." Hanggang duon lang daw, tignan natin kung hanggang duon nga lang talaga ang sinasabi mong 'yon. Ngayong natikman na niya ang halik ko, ewan ko lang kung hindi siya mabaliw. Tignan ko lang kung maipagmalaki pa niya 'yung babaeng 'yon. First kiss ko 'yon at sa kanya ko pa ibinigay, first kiss na may dila. Pagbalik ko ng England hinding-hindi na ako babalik pa dito at kalilimutan ko na ang lahat ng damdamin ko sa kanya. I hate him so much. My gosh, bakit ba hindi ko makalimutan 'yong ngiti niya kanina habang sinasabi niya sa mga kaibigan niya ang tungkol sa babaeng 'yon? Sino ba talaga ang babaeng 'yon at ganuon na lang siya kabaliw duon? Ewan! Bahala silang dalawa dahil simula sa araw na 'to ay kinakalimutan ko na ang pagmamahal na na-invest ko sa kanya. Sayang talaga wala akong nakuhang tubo, nalugi pa ako dahil iba ang nakinabang. Ayoko na siyang isipin pa, mabuti pa ay maligo na lang ako, may tubig na naman ang bathtub at may mga petals na at bubble bath soap na rin kaya magre-relax na lang ako para mawala ang stress ko sa lalaking 'yon. Pumasok ako ng banyo at hinubad ko ang lahat ng suot ko, unti-unti na namang nawawala ang pagkalasing ko dahil sa lalaking 'yon kaya hindi naman siguro ako malulunod sa bathtub na 'to. Nakakahiya kung ang kamatayan ko eh nalunod ako sa bathtub. Geez! Huwag naman noh! Ayokong ma front page ang pagmumukha ko na ganito ako kapangit, namamaga ang mga mata at mukha pa akong zombie. Nahiga ako sa bathtub at napangiti ako dahil ang sarap ng tubig, sakto lang at punong-puno ng bubbles at petals. Ang bango, nakaka relax at nakaka-alis ng pagod lalo na ng stress. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagsimula ng mamigat ang talukap ng mga mata ko. Ewan, ganito yata talaga ang nangyayari kapag nagrerelax ka sa bathtub lalo pa at napakabango nito na humahalimuyak sa bawat sulok ng malaking banyo na ito. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako, nagising na lamang ako na parang may nagkakagulo sa labas ng pintuan ng banyo ko o baka naman nananaginip lang ako. Tumayo ako upang tignan sana ito pero laking gulat ko ng biglang bumukas ito at iniluwa ang mukha ni Ate Joyce, ng kasambahay namin at ang higit sa lahat na nasa unahan nila, walang iba kung hindi si Josh na natulala yata dahil nakita niya ang kahubdan ko. -Pause muna tayo guys- Hindi ako 'yung klase ng babae na magtatatarang sa tubig at itatago ko ang katawan ko sa bathtub, o kaya naman ay tatakpan ko ang katawan ko ng mga kamay ko, o yayakapin ko ang sarili ko. Naku ha! Nakita na nga nila ang lahat, paano mo pa itatago? Hindi ko rin sila tatalikuran dahil ipapakita ko pa ba ang buo kong katawan? Nakita na nga nila ang buong harapan ko, ipapakita ko pa ba ang buong likod ko? Of course not! So, ang ginawa ko ay naglakad ako upang umahon sa bathtub. Kinuha ko ang tuwalya ko at kumendeng-kendeng ako sa paglalakad ko palabas ng banyo at hinawi ko si Josh na naglalaway sa maganda kong katawan. Nagtungo ako ng silid ko at alam kong natigilan si Josh at naitulos na sa kinatatayuan niya. Si ate naman at ang kasambahay ay halos malaglag ang panga dahil sa ginawa ko pero may itatago pa ba ako eh nakita na naman nila. Maganda naman ang katawan ko so, what not to be proud of, hindi ba? "My god, Cez!" sigaw ni ate at mabilis na isinara ang pintuan ng banyo na nanduon sa loob si Josh. "Huwag kang lalabas Josh, diyan ka lang! Isusumbong kita sa asawa ko," sigaw ni ate. Tumingin ako sa ate ko na nakapameywang sa akin. Nakikita ko ang galit niya pero kasalanan ko ba na pasukin nila ako dito sa silid ko? "Bakit hindi ka man lang tumalikod?" galit niyang ani. Ang kasambahay naman ay tumalikod na at isinara ang pintuan ng silid ko. "Bakit ko gagawin 'yon? Eh 'di pinakita ko na sa kanya ang lahat. Swerte naman niya na sa isang flash lang ng kanyang paningin ay nakita niya agad lahat. Bakit ba kasi kayo nandito sa silid ko at paano kayo nakapasok? Nasaan sila Kuya Hugo at hindi sila ang kasama mo? Bakit ang walang kwentang 'yon ang kasama mo dito? Pwede ba ate, palabasin mo na si Josh dahil ayoko ng makita pa ang pagmumukha niya," ani ko sa kapatid ko. "Lasing na sila at siya na lang ang matino. Kanina pa kami kumakatok pero hindi ka sumasagot kaya nag-aalala ako. May susi kami ng bawat silid sa loob ng bahay na ito kaya kami nakapasok." wika niya. Pumasok ako sa walk-in closet kaya sinundan pa rin niya ako. Nagbihis na lang ako sa harapan niya since ayaw naman niya akong iwanan. "Kanina hinalikan mo si Josh, nakita ko na gumalaw ang bibig mo, nakakaloka ka! Ngayon naman sa halip na takpan mo ang sarili mo dahil wala kang saplot, aba at naglakad ka pa talaga sa harapan niya. Virgin ka pa ba?" ani niya na ikinagulat ko at napataas pa ang kilay ko. "Wow, ate! Humalik lang at naglakad lang ng hubad na hindi ko pa kasalanan, tapos tatanungin mo ako kung virgin pa ba ako? Ay wow!" ani ko at tinalikuran ko na ang kapatid ko at nahiga ako sa kama. "Hindi mo kasalanan ang halikan si Josh? Bakit Cez, ako ba ang nag-ngudngod ng nguso mo sa lalaking 'yon ha?" ani niya pero tinulisan ko lang siya ng nguso ko. "Palabasin mo na ang pangit na 'yon at baka sa banyo ko pa 'yon matulog at hindi pa ako maka-ihi mamaya," ani ko. Napapailing si ate na binuksan ang pintuan ng banyo ko. "Don't do that again, lalo na sa harapan ibang tao dahil baka makapatay ako." wika ni Josh at tinalikuran na ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay ko. Bahala siya sa buhay niya dahil wala na akong pakialam sa kanya. Makapatay? Dahil iniingatan niya ako bilang isang kapatid. I hate him so much!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
135.5K
bc

His Obsession

read
86.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
176.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook