Chapter 3 -Gwapong Estranghero-

2113 Words
❀⊱Celestina's POV⊰❀ It hurts so much knowing Josh has a girlfriend. Saraya is gorgeous, and guys like Josh will fall head over heels for her. Their sweetness should not have impacted me, but despite my best efforts, I couldn't ignore them. I wanted to leave, but I stayed and allowed my envy to consume me. I despise him for what he has done to me. I promised myself that I would let him go, that I would stop thinking about him, and that I would move on with my life and forget about him. Buti na lang talaga at dumating si Tyrone kahapon kaya nagkaroon ako ng pagkakataon upang makaalis sa lugar na 'yon at ng hindi ko na masaksihan pa ang kalandian ng Josh na 'yon sa kanyang kasintahan. Ang sakit kaya noh! Tagos sa puso ko, kaasar siya. "Hoy bruha, ano na? Mag bar muna tayo bago kayo bumalik bukas ng England." Napalingon ako sa aking kaibigan na si Sandy. Nangako nga pala ako sa kanya na mag-bar kami mamaya. Mag-aalas singko na at kaunting oras ko na lang sila makakasama kaya pagbibigyan ko na sila. "Namumuhi talaga ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin," ani ko sa kaibigan ko. "Teka nga lang! Ano ba talaga ang ginawa sa iyo ng Josh na tinutukoy mo ha? Ikuwento mo nga sa akin para maunawaan ko, at ng makalbo ko na ang Josh na 'yon kung sino man ang herodes na 'yon." Umirap naman ako at padabog akong naupo sa sofa at nagsimula akong mag-kwento. "Akala ko kasi mahal niya ako at ako naman si tanga umasa. Tapos maririnig ko sa bibig mismo niya na hindi niya ako mahal at parang kapatid lang ang turing niya sa akin. Sabi pa niya ay may babae siyang iniibig at heto pa, nakilala ko siya kahapon. Ang masakit pa duon, napakaganda ng Saraya na 'yon kumpara sa akin. Bestie, grabe ang ganda niya at talagang lahat ng lalake ay maglalaway sa kanya katulad ng nangyayari ngayon kay Josh," ani ko. "Teka nga lang, sabi mo pinaasa ka niya. Bakit bestie, niligawan ka ba niya o kaya naman, sinabi ba niya sa iyo na mahal ka niya? Kasi kapag ganuon, aba'y susugurin ko 'yang herodes na 'yan at talagang kakalbuhin ko ang kumag na 'yon." Napanguso naman ako sa kanya at unti-unti akong umiling. Unti-unti rin namang lumalaki ang mga mata niya habang titig na titig sa akin. "Pero kahit na! Minahal ko siya tapos iba pala ang mahal niya! Malaking kasalanan sa akin 'yon kaya talagang namumuhi ako sa kanya." Natawa naman ang kaibigan ko at napatihaya pa siya sa kama ko at malakas na itong tumatawa kaya sa inis ko ay binato ko siya ng unan. "Alam mo ba na atat na atat akong bumalik dito ng Pilipinas para lang sa kanya tapos, kapatid lang? Haleeer!" Inis kong sabi kaya mas lalo lamang siyang natawa sa sinabi ko. "Kung makangawa ka naman, akala ko pa naman nagtapat 'yung tao sa iyo ng pag-ibig. Nakakaloka ka bestie!" Ani niya kaya sa inis ko ay isang unan muli ang lumipad sa kanya. "Nasaan na ba si Evelyn at si Jovina?" Tanong ko. Kanina pa namin sila hinihintay pero hanggang ngayon ay hindi pa sila dumarating. Si Sandy, Evelyn at Jovina ang mga naging kaibigan ko nuong nasa public school pa lang ako nag-aaral. Kapit Bahay din namin sila nuon bago pa namin malaman na mayaman pala kami. Kahit nuon pa ay sila na ang mga kaibigan ko na mapagkakatiwalaan ko kaya kahit iba na ang pamumuhay namin ng ate ko ay hindi na ako naghanap pa ng ibang kaibigan. Sapat na sila sa akin dahil kilala ko na sila at alam kong mahal nila ako. "Namiss agad ninyo kami?" Sabay pa kaming napalingon sa pintuan ng marinig namin ang boses ni Jovina. "Sorry na mga besh, katatapos lang namin sa trabaho. Alam mo naman, kailangang kumayod para makatulong kami sa mga magulang namin," ani naman ni Evelyn. "Kumain na ba kayo? Teka lang at magpapadala ako ng makakain natin dito. Magpupunta tayo ng bar mamaya kaya mas okay na busog ang tiyan natin para hindi tayo malasing agad," ani ko. "Bet ko 'yan, ang sasarap pa naman ng mga pagkain dito sa mansyon ninyo." Ani ni Sandy. Pagkatapos naming kumain ay nagkuwentuhan lang kami ng halos isang oras at pagkatapos ay nagbihis na rin kami. Inilatag ko sa kama ang mga bagong damit ko na hindi ko naman isinusuot at pinamili ko na sila. "Totoo besh? Kung ano ang mapipili namin ay amin na?" Gulat na tanong nila habang dinadagdagan ko ang mga bagong damit na nasa ibabaw ng kama. "Oo nga! Hay naku ang kulit-kulit ninyo. Inihanda ko na talaga ang mga 'yan at nakaready na rin ang tatlong bag na paglalagyan ng mga mapipili ninyo." Pagkasabi ko sa kanila ay mabilis na silang nag-uunahan sa pagpili ng mga damit. Naubos ang lahat ng inilatag ko sa kama kaya tawang-tawa ako sa kanila. "Oh my god beeeeesh! Ngayon lang kami nagkaroon ng ganito kagagandang mga damit." Tuwang-tuwa nilang ani. "Ngayon lang kasi ako nakauwi kaya ngayon ko lang 'yan naibigay sa inyo. Huwag kayong mag-alala dahil may kasamang sapatos ang mga 'yan. Ayun oh, 'yung mga boxes na 'yon ay mga heels na may kanya-kanya ng pangalan. Bawat sukat ng paa ninyo ay sinigurado kong kakasya 'yan sa inyo," ani ko sabay turo ko sa isang sulok na may patong-patong na kahon. Tuwang-tuwa naman sila at tama nga ako na kasya nga sa kanila ang mga sapatos nila. Syempre, best friends ko sila kaya alam ko ang bawat sukat nila. "The best ka talaga!" ani nila at kinindatan ko naman sila. Sige na magbihis na kayo para makapag bar na tayo. Dadalhin ko kayo sa isang sikat na bar. Kung nuon ay tumatakas lang tayo para makakita ng mga gwapo sa mamahaling bar, ngayon papasok na tayo sa loob at hindi na tayo magmumukhang magnanakaw katulad ng sinasabi ng guard nuon." Natawa naman sila sa sinabi ko. Totoo naman kasi. madalas kaming tumakas sa gabi kapag wala si Ate Joyce at nagpupunta kami ng bar para lang kuhanan ng mga larawan ang mga gwapong mayayaman na nagpupunta sa bar na 'yon. Sinigawan pa kami ng mga bouncer nuon at ng mga guard at napag-kamalan pa kaming mga magnanakaw. "Naalala ba ninyo ng sinigawan tayo ng isang guard tapos hinabol tayo? Akala nila may kinuha tayo sa isang sasakyan dahil tumunog ang alarm." Ani ni Sandy. "Jusko naaalala ko 'yon! Kinikilig naman kasi si Evelyn ng mapatingin sa kanya 'yung isang lalaking gwapo habang nagtatago tayo sa mga halaman. Napaatras ang bruha at kinilig ng bongga kaya tumama siya sa sports car. Nakakaloka ang lakas ng t***k ng puso ko nuon dahil nagtayuan ang mga gwapong 'yon at tinignan ang mga sasakyan nila tapos sumigaw ng thief. Haleeeerrr! Sa ganda nating ito, mukha ba tayong magnanakaw?" Nakairap na ani ni Jovita. Malakas na tawanan namin ang maririnig sa loob ng aking silid dahil hindi namin makakalimutan ang nangyari ng gabing 'yon. "Duon tayo pupunta ngayon kaya siguraduhin ninyo na magpapaganda kayo ng bonggang-bongga. Tignan lang natin kung hindi magsiluwaan ang mga mata nila kapag nakita na nila tayo." Wika ko at nag high five pa kaming apat na magkakaibigan. Nakarating kami ng bar na dati naming pinuntahan nuon. Ang babait sa amin ng mga bouncer at guard kasi naman sa suot pa lang namin ay malalaman na nilang hindi kami magnanakaw. Jeez, kaloka sila! Sa ibaba na lang kami dahil puno na raw ang Vip area. No choice naman kami kaya pumayag na lang kami. Umorder kami ng mamahaling alak at nagsimula na kaming mag-inuman. Napatigil ako sa pagtawa ng maramdaman ko ang mga titig sa akin kaya inilibot ko ang aking mga mata. Nagulat ako ng makita ko si Josh pero hindi ang mga kaibigan niya ang kasama niya. Hindi rin si Saraya dahil dalawang lalake ito na gwapo rin na katulad niya. Tinaasan ko lamang siya ng kilay ko sabay irap ko sa kanya. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at muli kong nilingon si Josh na nakatingin pa rin sa akin. "Kapag mamalasin ka nga naman, akalain mo nandito rin ang impaktong Josh na 'yan." Ani ko sa mga kaibigan ko. "Oh my god! Don't tell me bestie na ang gwapong 'yon ang tinutukoy mong Josh!" Umirap lang ako at hindi ko na sinagot pa ang sinabi ng aking kaibigan. "Oh my god, papalapit ang gwapo sa atin." Napalingon naman ako at nakita ko nga na papalapit sa amin si Josh. "Anong ginagawa mo dito? Alam ba ng ate at kuya mo na nandito ka sa bar?" Ani niya na nagpakunot ng noo ko. "Hindi na ako bata kaya huwag mo akong tratuhing bata. Pwede ba Manong Josh, iwanan mo kami dito dahil nag-eenjoy kami ng mga kaibigan ko," ani ko. "Okay," simple niyang sagot kaya tumaas ang kilay ko. Pagtingin ko sa mga kaibigan ko ay para silang mga baliw na kinikilig. Ano ba ang nakakakilig sa nangyari? Ang sinabi ni Josh na 'Okay?' Nakakaloka sila! "Mga besh sayaw tayo sa dance floor," ani ni Sandy. Napatingin naman ako sa table nila Josh at hindi ko na nakita si Josh pero nanduruon pa rin ang dalawang lalake na kasama niya. Bigla akong napalingon sa paligid pero hindi ko na talaga siya nakikita pa kaya nakaramdam ako ng pagka dismaya pero okay lang. Sabi ko nga sa sarili ko ay kalilimutan ko na siya kaya lang pasulpot-sulpot naman kasi ang Josh na 'yon sa kung saan. Kahapon sa restaurant, ngayon naman ay dito sa bar. "Tara na! Mukhang natulala ka na diyan," ani ni Sandy sabay hila niya sa kamay ko. Muli akong napasulyap sa table niya pero maging ang dalawang kasama niya ay nawala na rin kaya mukha ngang nag-uwian na sila. Ayaw siguro niya akong makita o kaya naman ay tinawagan na siya ng kasintahan niya. Hmp, so what! Nagsimula kaming sumayaw, hindi pa naman ako lasing pero medyo nahihilo na din ako. Sa inis ko kasi ay sunod-sunod kong tinutungga ang alak na sinasalin nila sa glass shot ko. Muntanga lang kasi ako, kunwaring hindi affected pero ang totoo apektadong-apektado ako. Isang kamay ang humaplos sa aking baywang mula sa likuran ko kaya bigla akong napaharap. Isang gwapong lalaki ito na kasing taas ni Josh at sa pangangatawan ay kapareho lang din ng kay Josh, parang sila Kuya Trenz lang, maliban na lang sa mukha nito. Nakatayo lamang ako sa harapan niya at nakatitig sa mukha niya. Tumigil din ako sa pagsasayaw dahil sa lalaking kaharap ko. Hindi ko ito kilala pero bakit mabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam, pero parang matagal ko na siyang kilala. "Do I know you?" Tanong ko pero umiling lang siya at kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay niya ito sa kanyang balikat. Hinawakan naman niya ang magkabila kong baywang at sinimulan niya akong isayaw ng sweet kahit ang tugtog naman ay mabilis ang beat. Hindi ko maunawaan ang sarili ko pero sumabay ang katawan ko sa pag-indak habang ang mga mata namin ay nakatitig lamang sa isa't isa. "Oh my gosh! Salawahan ka besh!" sigaw ng mga kaibigan ko pero ewan ko ba. Bakit parang nahihipnotismo ako ng lalakeng ito? Hinapit niya ang baywang ko kaya naman nagdikit ang katawan naming dalawa. Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at katulad niya ay mabilis din ang t***k ng puso ko. Mayamaya ay naramdaman ko na idinidikit niya ang naninigas niyang harapan sa aking harapan kaya malakas ko siyang itinulak pero hinapit niya lang akong muli kaya naramdaman ko na naman ang naninigas niyang harapan. Bigla na lamang niya akong hinalikan sa aking labi kaya sa sobrang pagkagulat ko ay mabilis ko siyang itinulak at isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya, pero mabilis niyang nasalo ang palad ko sabay bulong sa tainga ko at dinilaan niya ang likod ng tainga ko. "I want you," bulong niya sabay dila, kaya nakaramdam ako ng matinding galit kaya malakas ko siyang tinapakan ng sapatos ko na may takong na naging dahilan kaya nabitawan niya ako. "Manyakis ka!" Sigaw ko sabay tulak ko sa kanya at nagtatakbo na ako palabas ng bar. Sumunod naman sa akin ang mga kaibigan ko at kahit na anong tawag nila sa akin ay hindi ko sila nililingon. "My god! Sino ang gwapong estranghero na 'yon? Ang manyakis niya." Pagsakay ko ng aking sasakyan ay kasunod na sumakay ang mga kaibigan ko sabay ngisi nila sa akin kaya napataas ang isang kilay ko. "Hot!" Ani nila sabay tawanan nila ng malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD