"Uy" "Ay palakang naanakan!" Napapitlag ako ng gulatin ako ni Petunia habang pinapanood ang pag alis ng sasakyan ni Andoy. "Kailan ka pa naging magugulatin?" Taas kilay niyang tanong. Ni head to foot pa niya ako saka ngumisi. "Petunia naman eh!" Napakamot ako sa ulo ko saka ito ginulo gulo "So confuse ka na? Sino naman iyang bagong naghahatid sa iyo?" Tinitigan ko siya "si Andoy" Nagkibit balikat siya "hindi naman iyon ang sasakyan ng Andoy na kilala ko" dudosang kalabaw. "Eh hindi naman talaga" sabi ko at nagpatiuna sa loob. Sinusundan niya lang ako. "Ano? Anong hindi? Ang gulo ha?" Hinarap ko siya. "ate.. iyong naghatid sa akin siya si Andoy. Iyong si Apollo.. ay si Apollo.." Nalaglag ang panga niya "a-anong?" Bumuntong hininga ako saka napahilot sa sentido "hindi rin ako m