Andaming naglalaro sa utak ko makalipas ang isang linggo pagkatapos namin sa Palawan. Hindi na rin nagpapakita si Andoy. Madalas ay sinusubukan ko siyang i-text o kontakin kaso ay patay ang kanyang cellphone o marahil ay nagpalit na siya ng number. Hindi ko lubos maisip kung bakit napag tiya-tiyagaan ko ang pambabalewala na ginagawa niya sa akin. Hindi naman sana dapat ganoon. Pero.. Ano pa man ang ituring niya sa akin.. Alam kong walang magbabago. Mamahalin ko parin siya at alam na alam ko sa sarili kong sa akin din naman ang bagsak niya. ***peeeeppp!!!*** Napapitlag ako sa malakas na busina ng jeep na sinasakyan ko matapos itong pumreno ng malakas. Halos mapamura pa ko sa pagkakasubsob ng lalaki sa lantad kong hita. "Ano ba Manong! Dahan dahan naman!" "Anu ba yan may nabangga pa