Dalawang buwan ang nakalipas ay wala paring Apollo na nagparamdam sa akin. Magmula noon ay si Andoy ang parati kong kasama. Hindi pa ganap ang pagtanggap ko sa katotohanang nakalatag na sa harapan ko. Si Andoy na kababata ko o mas kilala sa pangalan na Lance Andrei ay ang tunay at ang inakala kong nauna sa kanya ay huwad. Unti unti ay pilit kong isinisiksik sa aking sistema na siya ang dapat kong pinaglalaanan ng panahon na nasayang at pagmamahal. Hindi ako makapaniwala. Nagmahal ako sa pag aakalang si Apollo ay si Andoy. Ibinigay ko pati ang aking pagkabirhen. I even stalked him for a very long time. Gumastos ako ng lilibuhin mapanatili lamang na maganda ang kutis ng balat ko at maayos ang pigurang ihaharap sakanya. Lahat ay pinagplanuhan kong maigi. Lahat ay ginawa ko. Ngunit sa isang