"Gabby after lunch tayo aalis" sabi sa akin ni Jay habang nilalantakan ang lobster sa harapan niya. Napangiwi ako. Patay gutom. "K" "San ka pala galing kanina? Inumaga ka na ah?" Nagtaas lang ako ng kilay. I didn't bother answering him. At isa pa ay ayokong masira ang maganda kong mood sa isang pangungulit lamang ni Jay. "Bahala ka nga kung ayaw mong sagutin. Basta ang ganda ni Kendra ba yun? Ang ganda.. sobra" he said while wiggling his brows. Subukan mo pang banggitin ang pangalan na iyon ingungudngod na talaga kita sa kili kili ni Panda. "Ganda.." hindi ko na sana papansinin ngunit ininguso niya ito sa likuran ko. Napalingon ako. My heart skipped a beat. Halos gusto na nitong magwala sa nakita ko. "Si Poging mama na Kras mo ayun o.. nag aaway ata sila Ni Kendra.. tsk tsk" komento