Chapter 9

1344 Words
RAMIRO’S POV: “Spade, get the hell out of there! mababagsakan ka ng chandelier!” saad sa akin ni Chad na kasama ko sa mission, sumisigaw na siya dahil nagmamadali na silang pugsain ang mga kalaban. “I can’t, I’m stuck! hindi ko pwedeng iwan ang mga documents!” singhal ko dahil isang malaking bato ang dumagan sa mga gamit ko at nandoon ang mga documents, pilit ko itong kinukuha kung kaya’t hindi ko ito maiwan, lumilindol na sa kapaligiran at nagbabagsakan na ang lahat ng bagay sa gusaling iyon. “Spade!” singhal ni Chad, nakita ko namang bumagsak ang malaking chandelier sa akin at nawalan ako ng malay, rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao. “Kuya!” narinig kong singhal ni Dove na tumatakbo papalapit sa akin ngunit huli na ang lahat. “Spade!” “Hoy, Spade! gumising ka nga dyan!” Napabalikwas ako ng bangon, malalim ang bawat paghinga ko at pinagpapawisan na ako ng malamig. Panaginip, napanaginipan ko na naman ang bagay na iyon. Ang malagim na trahedyang nangyari sa buhay ko, ang siyang nagpatigil sa mundo ko ng mahabang panahon. Ang dahilan ng aking pagkabulag. Malalim ang bawat paghinga ko. “Anong nangyari sayo? ayos ka lang ba?” tanong ni Aarav sa akin ng marinig ko siya, base sa boses niya ay nakatayo siya sa pinto ng kwarto ko. “Wala, nanaginip lang ako,” Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Aarav. “Pawis na pawis ka ah, intense eh, babae ba yan? naghubad ba sa harap mo? labas labas din, tumikim ka ng babae,” saad ni Aarav. “Gago!” singhal ko sa kanya. “Speaking of babae… may naghahanap sayo pre, babae,” “Sino?” “Aba, malay ko kung sino iyon, pero maganda siya ah, 10’10 pre!” “Tigilan mo ako,” “Oo nga, nandoon nga, pinaupo ko sa waiting area,” “Sige, magbibihis lang ako,” saad ko sa kanya, narinig ko naman ang paglabas niya at pagsara ng pinto ng kwarto ko. Nagmadali na akong maligo at magbihis. Nagsuot lang ako ng slacks na pantalon at V-neck shirt at saka nag balat na sapatos. Wala naman na akong pakialam sa suot ko dahil hindi ko naman nakikita, bahala na. Kinuha ko ang coat at tungkod ko, pati na rin ang shades ko at sinuot iyon. Sino kaya ang babaeng naghahanap sa akin? hindi kaya si Dove? I really need to see her again and make sure she’s alright. Dove is my half sister, magkapatid kami sa nanay kung kaya’t ganon kami kalapit sa isa’t isa ngunit itinago namin iyon sa organization para na rin sa sarili naming kaligtasan ngunit ngayon na parehas kaming umalis, hindi ko alam kung alam na ba ng organization ang koneksyon namin ni Dove. I feel guilty and worthless dahil hindi ko man lang matignan at maalagaan ang kapatid ko sa mga pagkakataong ganito, simula ng mabulag ako, pakiramdam ko napabayaan ko na rin ang kapatid ko, ang nag iisang pamilya na meron ako. I’m suffering till now knowing na nasa panganib din ang buhay niya at wala man lang akong magawa para iligtas siya, iyon ang isang bagay na hindi nagpapatulog sa akin sa gabi. Sumakay na ako sa elevator upang makababa sa lobby. Iwinasiwas ko ang tungkod ko upang magsilbing gabay ko habang naglalakad nang makalabas ako sa elevator. Habang papalapit ako ay naamoy ko na naman ang pamilyar na pabango ni Eleizha. That sweet strawberry scent. “Hi Ramiro!” masayang bati sa akin ni Eleizha. “Hi, Ms. Fortez,” kaswal na saad ko. “Ano ka ba? hindi ba’t sabi ko sayo, Eleizha na lang ang itawag mo sa akin? masyado ka namang pormal,” saad ni Eleizha. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Ano… sinusundo ka, I’m bored, samahan mo ako,” “Saan tayo pupunta?” tanong ko. “Uhm, wala akong maisip eh, well, maganda naman dito sa shopping center, tara, mag ikot ikot tayo dito!” saad niya na humawak sa braso ko at hinila ako, wala naman akong magawa kundi magpatianod na lang sa kanya. “Amin na nga yang tungkod mo, hindi mo na kailangan yan ngayong kasama mo ako,” saad ni Eleizha na akmang hahawakan ang tungkod ko ngunit hinawi ko ang kamay niya. “No! don’t touch it!” mariing saad ko na siyang ikinagulat niya, may patalim kasi ang tungkod ko at kung hindi ka marunong humawak nito ay masusugatan ka. “Ay, possessive, okay fine, (sana ganyan ka din sa akin)” saad niya na mahinang sinabi iyon ngunit narinig ko kahit pabulong. “Ano bang ginagawa mo dito? hindi ka ba busy ngayong araw? It's monday Eleizha, the busiest day of the week,” saad ko. “Pupunta ba ako dito kung busy ako? aba, kailangan ko rin ng pahinga noh and being with you is… somehow feels good,” “Hindi ka ba nahihiyang kasama ako?” tanong ko sa kanya. “Bakit naman ako mahihiya?” “Eh syempre, may kapansanan ako,” “Exciting nga eh, hindi mo ako nakikita,” saad niya at tumawa. “Jino-joke time mo lang ata ako,” “Hindi noh! I just want to see you,” “Nahihibang ka na,” “Bakit? masama ba? I really like you, Ramiro,” saad niya. “Wow, I have never met someone who’s very straightforward like you,” saad ko at napa smirk. “Alam mo sa panahon ngayon hindi na uso na ang lalaki ang nagfi first move, babae na rin,” “Ano bang pinagsasasabi mo?” “I want you Ramiro, gusto kita, like… gusto kitang maging boyfriend,” nilinaw niya na sa akin ngayon. “Eleizha, matanda na ako at saka aanhin mo naman ang isang kagaya ko? bulag na ako, magiging pabigat lang ako sayo,” saad ko sa kanya. “Kung maka-matanda ka naman, ano ka ba? hindi yan…” saad niya, naramdaman ko naman ang palad niya na dumampi sa aking pisngi pati na rin ang paghawak niya ng kaliwang kamay niya sa kamay ko. Napakalambot ng kamay niya at mainit din, napapikit ako sa ginawa niya. “I’m not the man for you Eleizha, you deserve someone better, someone who can… see you, someone who can protect you, hindi ako iyon,” saad ko na tinanggal ang kamay niya sa akin at umiling iling habang napapabuntong hininga. Maya maya ay bigla namang nag ring ang cellphone ko kung kaya’t sinagot ko iyon kaagad. “Magkita tayo, right now!” saad ni Dove sa kabilang linya at saka pinatay ang tawag at hindi na ako hinayaang makapagsalita. Siguro ay nasa panganib siya. “I’m sorry, something came up! I have to go,” saad ko kay Eleizha. “Wait!” saad niya naman na pinigilan ako, maya maya ay naramdaman ko ang malambot niyang labi na dumampi sa akin. Ilang sandali din akong natuliro ng oras na iyon sa ginawa niya ngunit naka recover din kaagad ng magkalas ang mga labi namin. “You're unbelievable, Eleizha!” singhal ko at saka nagmadaling maglakad gamit ang tungkod ko. Kinuha ko ang earpiece ko at sinuot iyon, iyon ang nagsisilbing tracker ko kay Nico na driver ko kung sakaling may ipapagawa ako sa kanya. “Nico, can you hear me?” “Yes, Boss!” “Get the car! we’re leaving now!” Kaagad akong lumabas ng shopping center. “Ready na po Boss,” Iginiya niya ako sa kotse at sumakay naman ako sa passenger seat habang siya ay sumakay naman sa driver’s seat. Ilang sandali pa pagka start niya ng makina ay tumunog ulit ang cellphone ko. “Pakibasa mo nga yang text sa akin kung saan yan,” saad ko kay Nico na ibinigay ang cellphone ko sa kanya. “Meet me here at the safehouse, iyon lang po ang nakalagay, Boss,” “Safe House, alright, drive Nico! pakibilisan!” utos ko kay Nico. Papunta na ako Dove, papunta na si kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD