bc

THE BLIND HITMAN (SPG) FOR TRAD PUB

book_age18+
636
FOLLOW
16.1K
READ
HE
badboy
mafia
kicking
like
intro-logo
Blurb

WARNING: THIS STORY MAY CONTAIN s****l AND STEAMY ACTIONS, FRAUDULENT AND CRIMINAL ACTS, FOUL WORDS AND OTHER ILLEGAL DOINGS. VIEWER DISCRETION IS ADVISED.

Dahil sa isang engkwentrong naganap sa kanilang delikadong misyon ay nabulag si Ramiro Castillejo at siya’y inalis sa Black Underground Organization. He worked alone, he became an outcast. Sa kanyang galing sa pagiging assassin ay nabansagan siyang “The Blind Hitman” ng mga taong nakakakilala sa kanya ngunit meron siyang isang napakalaking problema, iyon ay ang organization na binalikan siya at ngayon ay nakikita siya bilang isang kaaway at isang malaking banta na dapat ng patahimikin at iligpit. Dahil sa pagbabanta ng organization sa kanyang buhay ay natagpuan niya ang sarili sa isa sa mga malalaki at maiimpluwensyang crime family sa Pilipinas, iyon ay ang Casa Clemente at ang tumatayong Don ay ang matalik niyang kaibigan na si Aarav Clemente. Pinangakuan siya nito ang kayamanan at proteksyon sa isang kundisyon, iyon ay ang patayin ang kalabang crime family ng mga Clemente, ang mga Fortez at ang main target nito si Don Octavio Fortez. Handa na sana siyang patayin ito at gawin ang pinapatrabaho ni Aarav ngunit isang babae ang sisira ng mga plano niya. Si Eleizha Fortez na nag iisang anak ni Don Octavio. Eleizha is smart, fun, sweet and a cheerful lady at hindi niya akalaing anak ito ng mafia boss dahil mabait ito at mapagmahal. Nagustuhan at tinanggap siya ni Eleizha sa kabila ng kanyang kapansanan at ngayon lamang siya nakaramdam ng ganon sa tanang buhay niya. Magawa niya pa kayang patayin ang tatay nito kung may espesyal na puwang na sa puso niya ang dalaga?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ako si Ramiro Castillejo A.K.A “The Blind Hitman” ‘yan ang bansag nila sa akin dahil sa aking kakayahan. Dati akong nagse serbisyo sa Black Underground kasama ang mga magagaling na mga assassins. We were breathing the same blood air, the same adrenaline and the same dangerous paths ngunit nag iba ang mundo ko simula ng mabulag ako sa isang engkwentro na siyang nagpabago ng buhay ko. I was expelled or should I say… thrown out on the Black Underground Organization ngunit hindi ko sila masisisi dahil bulag na ako. Sino ba namang tatanggap pa sa isang bulag na kagaya ko para sa mga delikadong misyon? Your five senses are the most important part of your body ngunit sinong mag aakala na kung kailan ako naging kulang ay saka ko pa nabuksan ang aking sixth sense? Iyon ay ang lakas ng aking pandama na siyang sandata ko ngayon. I am working alone now. I became a hitman with no hideout. An outcast ngunit wala akong pinagsisisihan. Ito lang ang trabahong kaya kong gawin kaya hanggat kaya ko ay gagawin ko ang lahat para maka survive lang. Ngayon ay nasa bahay ako. It was an abandoned old Mansion. Well literally, not abandoned because I’m living here. Ipinamana ito sa akin ng mga magulang ko ngunit nang mawala sila ay kasabay non nawala ang mga kayamanan, pera, alahas at iba pang mga ari-arian namin. I was a prince in an old poor castle. They say someone stole it cleverly, ngunit wala ni isa sa mga tauhan namin ang makakapagsabi kung sino ang gumawa sa amin ng karumal dumal na krimen na iyon. kaya natuto akong mag isa sa madilim, marahas at delikadong paraan– ang kumitil ng buhay ng walang pag aalinlangan. My first crime was when I was sixteen years old. Nang malaman ko kung sino ang pumatay sa aking mga magulang. I put a gun on someone’s head and pulled the trigger and that was my uncle, who brutally murdered my mother and father. Naipaghiganti ko sila ngunit hindi nawala ang sakit at hirap at nananatili iyon sa puso ko hanggang ngayon and that was the time that the Black Underground adopted me. They trained me. Lahat ng alam ko at natutunan ko ay utang na loob ko sa kanila, simula sa paghawak ng mga armadong baril, mga pag iinstall ng security systems, pagha-hack ng mga computers at maging ang mga pagsabak ko sa mga delikadong misyon, lahat ng iyon ay dahil sa tulong nila. I became a skilled murder machine. An ace assassin of the organization. Hindi ko alam kung nabaliw ba ako o talagang nauntog ang ulo ko ng malakas at bigla ko na lang nagustuhan maging assassin. It may be someone’s father or someone’s mother, someone’s brother but I don't care, ang mahalaga ay ang kapalit ng bawat buhay na kukunin ko. ~On a dark desert highway, cool wind in my hair Warm smell of colitas, rising up through the air~ Biglang tumugtog ang kantang Hotel California sa radyo na pinapakinggan ko habang naliligo ako kung kaya’t sinabayan ko ito ng pagkanta. “And I was thinking to myself, 'This could be Heaven or this could be Hell'” Relax na relax ako habang naghihilod at kumakanta, nakabukas ang shower at malamig ang tubig na inilalabas nito. “Welcome to the Hotel California, whoo! Such a lovely place (Such a lovely place)” Feel na feel ko ang kanta ng bigla na lang nawalan ng kuryente. “Putang ina!” singhal ko na nainis. Naalala ko bigla na hindi pa pala ako nagbabayad ng kuryente ngunit maya maya ay sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko sa buong kabahayan kung kaya’t napayuko ako at kinapa ang p*****n ng tubig sa shower. Nakakabahala ang katahimikan pagkatapos non. Kaagad kong kinuha ang towel ko at itinali iyon sa aking bewang at saka mabilis na kinapa ang baril ko. “Ramiro Castillejo! lumabas ka dyan!” Nakilala ko kung sino ang may ari ng boses at iyon ay si Iñigo. “Tang ina mong ulupong ka! pupunta ka lang dito sa bahay ko maninira ka pa ng gamit!” singhal ko sa kanya. “Hindi ka pa rin nagbabago, gago!” singhal naman ng kasama nito na si Tyrone na naroon din pala. Sila ay mga assassin din sa Black Underground Organization at hanggang ngayon ay naroon pa rin. “Mga putang ina ninyo!” sigaw ko at narinig ko ang pagsipa ng mga paa nila sa pinto upang bumukas iyon. “Sumama ka sa amin ngayon din, may trabaho ako para sayo, Ramiro,” saad ni Iñigo “Trabaho? tss, hindi niyo ba nakikita, naliligo ako?! mga istorbo kayo!” singhal ko sa kanila at saka tumalikod. “Ramiro, alam kong nagdaramdam ka pa rin hanggang ngayon dahil tinanggal ka sa serbisyo,” saad ni Tyrone. “Tyrone, bakit naman ako magdaramdam? mas maganda nga ang ganito eh, maluwag na ako, hawak ko na ang oras ko, malaya akong gawin kung anong gusto ko,” “Tss, pwede ba Ramiro, kilala ka namin, iniyakan mo nga yan eh,” saad naman ni Inigo. “Gago ka ba?! hindi naman ako umiyak dahil tinanggal ako sa organization eh, umiyak ako dahil nabulag ako,” paliwanag ko sa kanila. “Come on, they are harsh when it comes to decision making but please, understand that they need to do that,” “I know,” saad ko habang nagbibihis na, nasanay na rin naman ako kahit na hindi ko nakikita ang mga damit na sinusuot ko. “Alright, game time, naaalala mo pa ba yung huling misyon mo bago ka umalis?” tanong ni Tryone. “Uhm,” saad ko na napakamot ng ulo at pilit iniisip kung ano nga ba yung huling ginawa ko bago ako umalis sa org. “The documents… you give it to Lieutenant Mantala, right?” saad ni Inigo. “Ahh, oo naaalala ko na, yung mga documents, na kay Dove, bakit? ano na naman ang kailangan nila this time?” tanong ko. “We need to get it, Ramiro,” saad ni Tyrone. Natawa ako ng bahagya, “Well, goodluck with that, alam niyo naman si Lieutenant Mantala, buti kung ibibigay niya sa akin,” saad ko na nananantiya habang nakangisi. “That’s why we need you, Ramiro, you are one of Dove’s closest friend, imposibleng hindi ka niya aaregluhin,” saad ni Inigo ngunit nagulat ako ng bigla kong naramdaman na tinakluban nila ako ng tela sa ulo at saka dinakip. “f**k! ano ba?! bitiwan niyo ako!” singhal ko na pilit nagpupumiglas. “Wala kaming tiwala sayo, Ramiro at alam naming hindi ka sasama samin kaya ginawa namin ‘to!” singhal naman ni Inigo. “Ingay mo pre!” singhal ni Iñigo. “Pakawalan niyo ako dito, hoy! mga putang ina niyo pag ako nakawala dito, babasagin ko yang bungo niyo pareho! pakawalan niyo ko dito!” singhal ko ngunit tinakpan nila ang ilong ko ng kung ano dahilan upang mawalan ako ng malay.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook