Chapter 10

1323 Words
RAMIRO Habang bumabyahe kami ni Nico ay naramdaman kong balisa siya mabigat ang kanyang paghinga. “Bakit?” tanong ko. “Boss! may sumusunod sa’tin! tatlong kotse!” singhal ni Nico hanggang sa nakarinig ako ng putok ng baril kung kaya’t napayuko kami. “Nakikilala mo ba kung sino ang mga yan?!” tanong ko sa kanya. “Naka leather suit silang lahat at mga armado!” saad ni Nico. Alam ko na. Ang Black Underground. “Focus on the road and drive fast, ako ng bahala sa kanila,” utos ko kay Nico at saka hinugot ang dala kong baril. “Boss, may isa pang baril dyan sa likod! armalite gun!” saad ni Nico kung kaya’t pumunta na ako sa likod at kinapa ang sinasabi niya. At nang makuha ko iyon ay binuksan ko na ang bintana at saka dumungaw at nakipagpalitan ng bala sa kanila ngunit napabalik ako sa loob dahil binabangga-bangga na nila ang likod ng kotse namin. “Damn it Nico! drive! drive as fast as you can!” singhal ko. “I’m trying, Boss!” singhal ni Nico at nakarinig pa ulit ako ng mga putok ng baril ngunit base sa naririnig ko ay nakikipagpalitan din si Nico ng putok ng baril sa mga kalaban kung kaya’t hindi siya makapagmaneho ng mabilis. “Ako ng bahala sa kanila!” saad ko sa kanya. “Ramiro Castillejo! sumuko ka na at ibigay mo sa amin si Dove at ang mga dokumento!” saad ng isa sa mga tauhan ng Black Underground. Puro ito mga bagong assassin at hindi ko na sila kilala dahil napalitan na ang mga luma, simula kasi ng umalis kami ni Dove ay nagsialisan na din ang iba naming mga kasama. “Mamamatay muna ako bago niyo makuha si Dove! matalino ang babaeng iyon, alam niya kung saan magtatago!” singhal ko at saka binuksan ang pinto ng kotse sa likod at saka ko sila pinaulanan ng bala ng armalite. Maya maya ay naramdaman kong may humatak ng paa ko dahilan upang matumba ako kung kaya’t sinipa ko siya at pinagpapalo siya ng hawak kong baril. Narinig ko pa ang pagbagsak niya sa kotse. “Boss, okay lang kayo?!” tanong ni Nico. “Wag mo kong intindihin, basta mag drive ka dyan!” utos ko sa kanya at saka nakipagpalitan ulit ng bala ng baril maya maya ay may tumamang bala sa braso ko ngunit nang kapain ko iyon ay daplis lang. “Hindi mo kami kaya kung kaya’t sumuko ka na, bulag!” bulyaw sa akin ng kalaban. “Ah talaga?! try me, bastards!” singhal ko at saka bumaril sa ilalim, bagama’t hirap dahil wala akong makita ay natamaan ko ang bala ng mga gulong nila dahilan upang ito ay ma-flat at mawalan sila ng balanse. Narinig ko pa ang pagtaob ng isang kotse habang ang isang kotse naman ay sumabog ngunit may nakasampa na namang isa sa kotse namin dahilan upang makipagbuno ako sa kanya. Nasuntok ako sa tiyan, dahilan upang mapasandal ako sa pader ng kotse, mukhang malaki ang isang ito! Sinipa ko siya dahilan upang maitulak ko din siya sa pader ng kotse saka ko kinuha ang tungkod ko at inilabas ang nakatagong patalim doon ngunit narinig ko ang pagtutok niya ng baril sa akin. “I wouldn't do that, if I were you!” saad ko sa kanya at mabilis na inagaw ang hawak niyang baril at itinapon iyon, balewala na ang hawak kong patalim kung kaya’t binitiwan ko muna iyon at saka tinusok-tusok ko ang bawat parte ng kanyang katawan upang siya ay maparalisa at saka ko siya sinipa pababa ng kotse. Nakarinig naman ako ng mga putok ng baril, nagsisimula na ulit silang magpaulan sa amin ng bala kung kaya’t napaupo ako. Pinapakinggan kong mabuti ang bawat nangyayari na para bang naka slow motion iyon. “Come on, Ramiro, concentrate on the target!” pangungumbinsi ko sa aking sarili at saka hinugot ang maliit kong baril at kinalabit ang gatilyo non, “Whoa! natamaan mo sa ulo yung nagda-drive, Boss! ang galing mo talaga!” saad ni Nico at napa smirk naman ako dahil hindi na nila kami mahahabol pa. “Wag kang matuwa dyan, tinutugis na tayo ng mga kalaban, nagsisimula pa lang ang laro, Nico,” I’m back on the game too. I’m sending a message on the black underground. Hindi kami susuko. “Alam mo na kung saan tayo pupunta, hindi ba?” tanong ko sa kanya. “Opo, Boss,” “Good, keep driving,” saad ko na hinihingal pa. Napagod ako doon, tumatanda na ata talaga ako. Kinapa ko ang tungkod ko at itinago na ang patalim na nandoon. at saka sinarado ang pinto sa likod ng kotse at saka ako humiga. “Magpapahinga lang ako, gisingin mo ako pag nandoon na tayo,” saad ko sa kanya. Bigla namang nag ring ang cellphone ko kung kaya’t kinuha ko iyon at sinagot. “Hello?” Noong una ay wala akong naririnig sa kabilang linya na para bang naghe-hesitate ang magsasalita. “Hi…” That lovely cold voice. Eleizha. “I’m really sorry, babawi na lang ako next time, pasensya na talaga,” saad ko na animo’y nanunuyo. Nagulat din ako sa sinabi ko, bakit ko nga ba siya sinusuyo? wala namang namamagitan sa’min. “Ayoko na sayo!” “Aba! sino ba may sabi sayong magkagusto ka sa akin?!” “Ayoko na sayo! may babae ka! sinungaling, manloloko!” saad niya na para bang iiyak na sa kabilang linya. “Babae?! anong babae?! wala!” pagtatanggol ko sa sarili ko pero bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya? “I hate you to death, Ramiro!” “Oo sige lang, magalit ka! tama yan, dapat mo naman talaga akong layuan, I told you already, I’m not the man for you, Eleizha,” “Bahala ka na sa buhay mo!” “Fine!” saad ko, bigla niya namang pinatay ang tawag kasabay ng paghikbi niya. Damn it! Sa inis ko ay napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko na para bang gusto kong lukutin iyon sa kamay ko. “Relax, Boss, yan ba si Ms. Beautiful, kanina?” tanong ni Nico na natatawa. “Oo, nagagalit kasi namamasyal kami doon sa shopping center tapos may biglang tumawag sakin, iyon nga yung pupuntahan natin ngayon,” “Naku po, sayang naman iyon Boss, maganda at sexy pa naman, suyuin mo, baka maunahan ka pa ng iba, tsk tsk!” saad ni Nico kung kaya’t napaisip ako. “Maganda at sexy ba talaga?” tanong ko sa kanya. “Oo naman Boss, 10’10 ang puti, chicks na chicks, ang kinis ng balat, well, mukhang anak mayaman base sa pananamit at saka… ang laki ng boobs, Boss, ang sarap lamas-lamasin!” Nang marinig ko iyon ay napatayo ako at binatukan ko siya. “Aray ko Boss, masakit!” “Manyak! tss!” “Bakit niyo naman ako binatukan?! eh diba nagtatanong ho kayo kung maganda at sexy ba talaga? dinescribe ko lang naman eh,” “Sige na, magmaneho ka dyan, matutulog ako dito,” saad ko sa kanya at saka bumalik sa pagkakahiga. Once you become an assassin or a hitman, you have to be willing to become a ghost too. No family. No friends and most of all. No relationships, kaya hindi ko masisisi si Eleizha kung nagalit siya sakin. Iyon ang tamang gawin, ang lumayo siya sa akin dahil mas lalong mapapahamak ang buhay niya kapag hindi pa siya lumayo. Sure, she was the daughter of the great Don Octavio Fortez but it doesn't mean that she had to be in danger too, just like what’s happening to Siobeh now. Hindi ko rin masisisi si Aarav, ang hirap talaga kapag nagmahal ka, lalong lalo na si Dove na nagpakasal pa kay Ross. Masyadong matibay ang pundasyon ng pagmamahalan nila sa isa’t isa. Will I ever find that kind of love too?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD