RAMIRO
“Sabi na nga ba hindi mo ako matitiis eh! ang saya saya ko Ramiro! thankyou dahil pumayag ka na maging bodyguard ko!” saad niya, naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin at patalon talon pa siya na parang batang tuwang tuwa.
Hindi ko na talaga maintindihan ang babaeng ‘to, noong nakaraan ay napaka astig at cool niyang magsalita ngunit ngayon ay naging isip bata na naman.
“Ramiro,” narinig kong pagtawag sa akin ni Don Octavio, base sa kanyang pananalita ay animo’y hirap na hirap nga siya ngayon.
“Yes, Sir,” tugon ko.
“I’m glad that you joined us and I hope that Aarav doesn't mind,” saad ni Don Octavio.
“He’s perfect daddy, siya na talaga ang gusto kong maging bodyguard!” saad ni Eleizha, mababakas sa pananalita niya na kinikilig kilig pa siya hays.
Kung alam mo lang Eleizha kung bakit ako nandito at kung ano ang pakay ko, sigurado akong hinding hindi mo ako patatapakin dito sa teritoryo mo.
“Very well then, I hope you’re okay with it, naipaliwanag na ba sayo ni Eleizha ang lahat?”
“Yes, Sir, she was very detailed in explaining it to me,” saad ko, mahina namang humahikgik si Eleizha sa tabi ko.
“Treat this mansion as your home from now on, welcome to the crime family, Mr. Castillejo,” saad ni Don Octavio, kinuha niya naman ang kamay ko upang makipag kamay sa akin.
“It’s an honor, Don Octavio Fortez,” saad ko at saka hinalikan ang kamay niya tanda ng pag galang.
“Okay, now, come on!” narinig kong sabat ni Eleizha sabay higit sa akin sa braso.
“Ikaw! bastos ka eh noh! nakita mong nakikipagkamay pa ako kay Don Octavio tapos bigla mo akong hahatakin!”
“Sanay na si Daddy sa akin at alam niyang ganito ako kadamot pag may bago akong laruan,”
“Ah ganon? so laruan lang ang tingin mo sa akin?”
“Joke lang! ito naman! napaka pikon! halika! ito-tour kita dito sa mansyon,” saad ni Eleizha at saka kumapit sa braso ko.
Ramdam ko ang malusog at malambot niyang dibdib sa aking braso habang naglalakad kami kung kaya’t medyo hindi ako kumportable.
“The more you get used to the rules here, the easier it will be for you to live here,” paliwanag niya.
Maya maya ay huminto kami sa paglalakad.
“This is the guards headquarters, dressing room, uhm food, there’s the gym out there and there’s the poo–”
“Don’t waste your time,” saad ko na pinutol ang sasabihin niya.
Nakuha niya naman ang sinasabi ko. Paano ko nga naman kasi makikita ang mga tinuturo niya kung bulag ako diba.
“I’m sorry, I can’t believe you're making me do this, oh, Cheat, you’re here!”
“Yes ma'am, what can I do for you?” tanong ng tinawag niyang lalaki.
“Cheat, this is Ramiro, and Ramiro this is Cheat,”
“s**t?” sarkastikong tanong ko.
“No, Cheat,” saad naman ni Eleizha.
“Cheat is my present bodyguard, tuturuan ka niya ng iba pang dapat malaman and siya nga pala Cheat, siya ang bagong room mate mo so be nice to him,”
“Makakaasa ho kayo, Ms. Eleizha,”
“Uhm, Ramiro, maiwan muna kita, sasamahan ka ni Cheat, don’t worry, mabait yan, may aasikasuhin lang akong importante, ciao! mi amore!” saad niya, nagulat naman ako ng bigla kong maramdaman ang labi niya na hinalikan ako sa pisngi.
“Wow… ma’am, yung bagong guard mo may kiss, ako wala?” narinig kong sambit nung lalaking nag ngangalang cheat kung kaya’t napakunot ang noo ko.
“Magtigil ka dyan Cheat! Ramiro is special to me, siya ang boyfriend ko!”
“Hey, usapan bodyguard lang, hindi boyfriend!” singhal ko.
“Pagpasensyahan mo na, nabulag at nagka amnesia kasi siya kaya ikaw muna bahala sa kanya, alis muna ako!” narinig kong bulong ni Eleizha kay Cheat.
“Hoy, narinig ko iyon! Eleizha! bumalik ka dito!” singhal ko dahil narinig ko na ang paghagikgik niya habang tumatakbo palayo.
Talaga ang babaeng iyon!
“Uhm, Sir?” nahihiyang at hindi siguradong saad ni Cheat.
“Don’t worry about it,v it’s not true that I’m her boyfriend, anyway, call me Spade,”
“Spade? you mean the… the Spade of the black underground organization?!” naalarmang tanong niya.
“Yes, why?”
“Kilala ka sa assassin world bilang isa sa mga pinaka magaling na assassin, ibanabaon mo sa hukay ang lahat ng sagabal sa plano ng organization at wala kang iniiwang kahit isang ligtas, hindi ko akalaing makikilala kita, Sir, nice to meet you po,”
Iyon ang pinaka madilim na yugto ng buhay ko. Ang pumatay para sa organization. It’s a non stop killing spree. Doon din namatay ang pinakamamahal kong babae na si Elise kung kaya’t mas lalo pang sumidhi ang galit ko sa organization.
“Dati iyon, wala na ang lahat sa akin ngayon kaya Ramiro na lang ang itawag mo sa akin at wag na “sir” parehas lang naman tayo ng trabaho,”
“Oo nga pala, usap usapan din ang aksidenteng nangyari sayo, pero hindi talaga ako makapaniwalang makakasama kita dito, ang galing talaga ni Ms. Eleizha pumili ng magiging bodyguard niya!”
“Saan ang kwarto natin? gusto ko munang magpahinga,”
“Ay, oo nga pala, halika, dadalhin kita sa kwarto natin,” saad ni Cheat at saka inakay ako.
“Hindi ka ba nahihirapan sa… sitwasyon mo ngayon?” tanong niya habang naglalakad kami.
“Nahihirapan pero sanay na ako, mas okay pa nga ito dahil mas gumana at lumakas ang ibang parte ng katawan ko kagaya ng pandinig at pangdamdam,” saad ko sa kanya.
“Ahh, ganon, ayos iyon, siya nga pala, ipapahanda ko na ang uniform mamayang gabi ay pwede ka ng magpalit, sa ngyaon ay iiwan muna kita para makapagpahinga.
Nang mag isa na lamang ako sa kwarto ay kaagad kong tinawagan si Aarav. Nasa speed dial ko si Eleizha at Dove kaya sigurado akong si Aarav ang pangatlo sa listahan kung kaya’t pinindot ko na iyon.
“Yes?” sakto namang boses ni Aarav ang narinig ko sa kabilang linya.
“Nandito na ako sa mga Fortez,”
“Sige, balitaan mo na lang ako dyan, CCTV cameras, securities, lahat,”
“Sige, wait lang, si Nico ba bumalik na?”
“Hindi pa, pero kakatawag niya lang sa akin kanina, ang sabi niya ay aasikasuhin niya lang daw ang lola niya at pagkatapos ay babalik na daw siya kaagad,”
“Sige,”
“Mag ingat ka dyan, Spade,”
“Thanks, you too,”
Iyon lang at pinatay niya na ang tawag.
Damn it, Nico, what’s taking you so long?