Chapter 24

1256 Words
RAMIRO “Ramiro, pinapatawag ka ni Daddy,” saad ni Eleizha sa akin. “Sige, susunod na ako,” tugon ko naman sa kanya at saka tumayo. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa corridor, habang ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa tungkod ko at winawasiwas iyon upang malaman kung may matatamaan ba ako o wala. Nang makarating kami a private room ni Don Octavio ay nakatalikod siya, naka de kwatro, maya maya ay bila siyang humarap sa amin ni Eleizha. “Akala mo hindi namin malalaman ang pakay mo, Ramiro? na balak mo akong patayin pati na ang unica hija ko?” sarkastikong saad niya sa akin. “Don Octavio,” saad ko na halos hindi makapaniwala na natuklasan niya na ang lahat. “Pwes, nagkamali ka ng kinalaban!” saad niya, kaagad kong kinuha ang baril ko at pinagbabaril siya, isa, dalawa, tatlo, apat na sunod sunod na pagbaril. Maya maya ay hinawakan ni Eleizha ang kamay ko at itinutok iyon sa kanya. “Ramiro, you want to kill me? kill me right now too,” I can’t. I can’t. “Ramiro!” I can’t kill you! “Ramiro!” Nagulat ako nang biglang tumahimik ang paligid. “Ramiro, nananaginip ka,” narinig kong saad ni Eleizha na nahuli ang kamay niyang akmang hahaplusin ako sa mukha. Damn it. Malalim at mabilis ang bawat paghinga ko. Panaginip lang pala, parang totoo! “Sandali, ikukuha kita ng tubig,” saad ni Eleizha na kaagad namang kumuha ng baso ng tubig, maya maya ay naramdaman kong ipinapainom niya na iyon sa akin. “Okay ka na ba? pawis na pawis ka oh, palitan mo t-shirt mo,” saad niya na akmang itataas na ang tshirt k ngunit hinawi ko ang kamay niya. “Don’t touch me!” singhal ko sa kanya, dahil kanina lang ay siya ang laman ng panaginip ko. “I just… want to make you feel better,” saad niya, bakas sa kanyang boses na para siyang iiyak. “I’m sorry, I’m fine, I can manage, iwan mo muna ako, pwede?” mahinahong pakiusap ko sa kanya na kaagad niya namang sinunod. Damn that dream. Sa panaginip pa ata ako mamamatay. *** Nang makapagbihis ako ng uniform kuno nila ay lumabas na ako. “Ey! sabi ko na nga ba sakto lang sayo yung uniform eh,” rinig kong boses ni Cheat. “Suit and slacks lang naman ‘to,” saad ko dahil sanay naman ako magsuot ng ganito. “Tara, ipapakilala kita sa buong tropa!” saad niya na inakbayan ako. Maya maya ay tumigil na kami sa isang lugar. Narinig ko na ang mga usap usapan nila. Ang ilan ay hindi natutuwa habang ang ilan naman ay humahanga. Hati ang reaksyon ng mga tauhan nila sa akin. Alam siguro nila lahat dito na isa akong mamamatay tao noon ngunit ngayon ay boodyguard na lang ako ng anak ng mafia boss. I hate this, para akong ikinulong ni Aarav sa hawla. kino-confiscate ang cellphone nila dito ngunit burner phone ko ang nakuha nila sa akin at itinago ko naman ang cellphone ko talaga nang sa gayon ay magkaroon pa rin ako ng contact sa kapatid kong si Dove, kay Aarav at kay Nico, ngunit ang walang hiyang Nico na iyon, ang tagal tagal bumalik, lagot siya sa akin pagbalik niya. “Siya nga pala ito si Diamond,” “Hi!” “Ito naman si Ziggy, ang pinaka playboy sa aming lahat!” saad ni Cheat sabay hagalpak ng tawa. “Hoy! hindi! wag ka maniwala, pre!” saad naman nito bilang pagtatanggol sa sarili. “Siya si Ramiro, siya ang bagong bodyguard ni Ma’am Eleizha,” “Nice to meet you,” kaswal na saad ko sa kanila at nakipag kamay naman sila sa akin. Naging mainit ang pagtanggap nila dito at hindi naman nila inungkat o inusisa ang pagiging bulag ko. “Kami pala ang makakasama mo tuwing may lakad si Ma’am Eleizha, ikaw ang head bodyguard niya kaya kailangan ay palagi kang nasa tabi niya,” paliwanag ni Cheat. “Bakit kailangang lima tayo na palagi niyang kasama?” tanong ko. “Eh kasi minsan may mga biglaang utos siya sa amin, si Ziggy, magaling yan na hacker, siya ang umaasikaso kapag may ipapa background checking din si Ms. Eleizha, si Diamond naman ay magaling na driver at mechanic, ako naman ang incharge na bantayan ang mga pagkain at inumin ni madam, ako rin ang personal assistant niya at taga remind sa kanya ng appointment niya,” paliwanag ni Cheat. “What would be my role then?” tanong ko. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Cheat, “You will be her shield, kung hindi ako nagkakamali, magaling kang sniper,” “Yes but, without my eyes, I’m nothing,” saad ko. “We’ll see that, but for the meantime, it is your duty to protect her at all costs, marunong din naman kami sa combat ngunit dahil nandito ka na, hindi na namin trabaho iyon, depende na lang kung emergency talaga,” “And if we die?” tanong ko. “We die. That’s it. End of story,” saad ni Cheat. Napayuko ako at napa smirk. Maya maya ay narinig ko na si Eleizha, rinig na rinig ko ang yabag ng paa niya na nakasuot ng high heeled closed shoes at papalapit na siya sa amin. “Kamusta ang lahat dito?” tanong niya. “Okay naman po Ma’am, pinakilala ko lang si Ramiro sa kanila,” saad ni Cheat. “Sige, sama ka sakin, saka si Diamond, ikaw Ziggy dito ka na lang muna, tatawagin kita kapag may kailangan ako, and you my pretty boy, this is your first night of work, hope this is not the last,” saad niya, naramdaman ko naman ang paghaplos ng kamay niya sa aking dibdib, pababa sa aking tiyan na may abs ngunit hindi ako makapalag dahil kapag ginawan ko ng masama o nagreklamo ako kay Eleizha dito sa sarili niyang teritoryo ay siguradong patay ako dahil armado ang lahat ng mga tauhan nila dito “Damn it, you look so hot and dashing on your suit and ties,” saad niya, naiinis na ako ngunit hinayaan ko na lang. “Okay, come on guys, you know the drill,” saad ni Eleizha at saka sinimulang maglakad. “Saan ka pupunta, Ms. Fortez?” tanong ko kay Eleizha. “Marunong rin naman akong magtrabaho, Ramiro, syempre hindi lang puro inom ang ginagawa ko pag gabi,” saad niya at saka kami sumakay ng kotse. “I’m going to meet my fiance, naalala mo yung humaras sa akin sa Bar dati? siya pa rin naman hanggang ngayon,” “Damn it, and you agreed to the marriage?” “No, but this is business, Ramiro, dad wants me to settle down,” “Papayag ka na lang ng basta basta?” “Hindi ko alam, ito na siguro ang buhay ko, habangbuhay nakakulong sa hawla,” Damn it, Eleizha, you can always have a choice, don’t accept this proposal. “Kung gayon ay wala ka ring pinagkaiba sa akin,” saad ko sa kanya. “Bakit? nakakulong ka rin ba sa hawla?” tanong niya. “Oo, tignan mo nga itong ginawa mo sa akin, hindi ba’t hawlang maituturing ito?” reklamo ko sa kanya. Natawa naman siya ng mahina, “You surrendered yourself to me willingly Mr. Castillejo, hindi kita pinilit, so that means that your life is mine now,”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD