Chapter 22

1317 Words
RAMIRO Nang makabalik ako sa Shopping Center kung saan naroon ang mansyon at hideout ni Aarav ay kaagad akong pumunta sa kanya upang kausapin siya, tanggap ko na ang sitwasyon ko ngayon at hindi ko talaga kaya ng walang proteksyon lalo na’t hina-hunting pa ako ng organization. Gusto rin nilang isuko ko si Dove sa kanila. Mamamatay muna ako bago mangyari iyon. Pagkatapos ng nangyari sa akin kagabi sa poder ng mga Fortez, masasabi kong hindi na talaga ligtas para sa akin ang gumalaw mag isa. “Ano Pre? ang bilis mo naman bumalik, okay ka na?” tanong niya sa akin. “What’s my last assignment as your hitman, Aarav? sabihin mo sa akin ngayon na, baka bigla pang magbago ang isip ko,” “Hindi magbabago isip mo dito, trust me, you will go na love this to death, Ramiro,” saad niya na ngumisi pa muna bago magsalita ulit, “the reason why I want you to hang out with Eleizha is because… she is your last target,” “Ano?” “Don Octavio has been very ill for the past two months, ayoko nang pahirapan ang matandang iyon. Why don’t you do him a favor and end his suffering Ramiro, kill him for me,” “Why do you have to be so cruel like that Aarav?! anong ginawa sayo ng mga Fortez para gawin mo sa kanila ito?!” “Alam mo namang di hamak na mas mataas at mas makapangyarihan sila na crime family kumpara sa amin Ramiro at ang tanging tingin lamang sa akin ni Don Octavio ay animo’y insekto na madaling patayin!” “Nang dahil lang doon ay gusto mong patayin ko ang isang taong wala namang ginawang masama sayo?! Sumosobra ka na ata, Aarav!” “Kapag namatay siya, Eleizha will be the one to take over the family business at ayoko iyon! hindi ako makapapayag na sirain lang ng babaeng iyon ang mga plano ng organization na itinatag namin ng ama niya kaya pagkatapos mong patayin si Don Octavio ay pwede mo na ring isunod si Eleizha dahil balak kong pabagsakin ang buong angkan nila,” “Aarav naman! hindi tayo pumapatay basta basta, lalo na at head ng buong crime family organization!” “I don’t care Ramiro. I want power. I want him dead! at saka hindi lang ako ang makikinabang dito, ikaw rin naman, I can give you an island, a house and a large sum of money to start over, doon ka manirahan, lumagay ka na sa tahimik, magsimula ka ulit at kung gusto mo, pwede pa nating ipagamot ‘yang mga mata mo. I just need this plan to work, Ramiro and I will get you anything that you need!” paliwanag ni Aarav, narinig ko pa ang pagkalabog ng kamay niya sa lamesang kahoy. “Kaya mo iyon?” tanong ko dahil kung kaya niyang gawin iyon ay pwede ang sinasabi niya na doon na lang ako manirahan at lumagay sa tahimik. “Oo! ako pa ba?! kailan ko ba hindi tinupad ang mga sinabi ko?! you know me Ramiro, I am a vissionary,” “Paano ako makasisigurong hindi mo ako ginagago, huh?!” pagbabanta ko. “I will give you the money first, and the title of the island and the house bago mo gawin ang trabaho, so, do we have a deal?” “You’re giving me a hard time right now, Aarav,” “Think about it Ramiro, this is your last assignment to me, at kapag natapos mo ito ay pwede ka ng umalis, magpakalayo-layo, wala ng huhunting sayo upang patayin ka, hindi mo na kailangan pang magtago,” Tama si Aarav. Maybe, this is my way out pero… si Eleizha, sigurado akong kamumuhian niya ako pag ginawa ko iyon pero bakit ko ba siya iniisip? That woman is a fraud! niloko niya lang ako! Masama siyang tao kaya dapat lang sa kanya na mamatay! “Anong binabalak mo this time?” tanong ko kay Aarav. “I need you to be a spy Ramiro and report to me everything, lahat ng security, lahat ng mga galawan at kung paano nila pinapatakbo ang kanilang negosyo. Learn from them, eat with them, celebrate victories, and build their trust. Wala akong pakialam kung paanong diskarte ang gagawin mo doon at kung paano ka makakapasok sa poder ng kalaban. You can set a honey trap with Eleizha, if you want to. I just need you to be there at kapag handa na tayo ay saka tayo susugod, so, do we have a deal?” “Alright, deal,” matapang na sagot ko. “Good decision,” saad naman ni Aarav. Bigla ko namang naalala si Nico. “Teka, si Nico ba bumalik na?” tanong ko. “Hindi pa eh, seryoso daw yung sakit ng lola niya ngayon kaya hindi pa siya makabalik,” “Ganon ba, sige,” saad ko at saka bumuntong hininga. “Dismissed, just tell them if you need everything,” saad ni Aarav kung kaya’t tinalikuran ko na siya. Nang gabing iyon ay inihanda ko na ang lahat ng mga gamit ko. Kinuha ko rin ang tungkod ko na may samurai sa loob pati na rin ang dalawang pistol gun ko. Hindi ko kakailanganin ng pera doon kung kaya’t limang bundle lang ang dinala ko. Nag echoed naman sa isip ko ang sinabi ni Eleizha, “Just in case magbago ang isip mo, you know where to find me,” I think I know exactly where you are, Eleizha. Wala si Nico kung kaya’t naglakad na lamang ako papunta sa Bar na palagi niyang pinupuntahan. Ang Fusion Paradise Bar, sigurado akong lasing na naman ang babaeng iyon. Nang makapasok ako ay tumambad sa pandinig ko ang malakas na tugtog, nakakalasing ang mga naaamoy kong inumin, naglakad lakad pa ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta kung kaya’t nasa gilid lamang ako. Maya maya ay narinig ko na ang boses ng babaeng hinahanap ko. “Ano ba?! sinabi ng hindi pa nga ako lasing, kuya bartender!” singhal niya na animo’y nakikipag away na kung kaya’t lumapit ako doon. “What the hell are you doing here? you spineless guy!” saad niya sa akin. “It’s okay, I can take it from here, how much?” tanong ko sa bartender. “What the f**k are you doing?!” tanong ni Eleizha ngunit hindi ko siya pinapansin. “Uhm, twelve thousand three hundred fifty po,” saad ng bartender, kinuha ko naman ang card ko at saka inabot sa kanya. “Why are you paying for my drink?! I’m not done yet! gusto ko pang uminom!” Inabot naman sa akin ng bartender ang card ko at saka ko iyon binulsa. “Wala ka namang pakialam sa akin eh! umalis ka na lang!” singhal niya sa akin. “This is enough Eleizha, come on, let’s go home,” saad ko sa kanya at saka hinigit siya sa braso. “Let go of me!” singhal niya sa akin ngunit mas piniga at hinigpitan ko ang pag hawak ko sa kanya. “Do you want me to leave?!” pagbabanta ko sa kanya. “No,” “Come on,” saad ko at saka inalalayan siya. “Why are you doing this to me?! you've been dumping me since day one and now you’re here trying to kill my happiness!” “I’m not dumping you and this is not real happiness, Eleizha, look at you! palagi ka na lang lasing!” “Oh really?! if you’re not dumping me then kiss me right now!” Putangina, ang hirap naman ng ganito! kailangan patunayan pa! Hinigit ko siya sa bewang ngunit naramdaman ko na ang kamay niya na humaplos sa aking pisngi at saka niya inilapat ang malambot niyang labi sa akin. Ako ata ang malalasing, labi niya pa lang nakakahilo na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD