RAMIRO
Malakas ang ulan ng araw na iyon.
“This is a two man job, Ramiro, don’t worry, kasama mo ako,” saad ni Kent, monitor niya ako habang papasok ako ng government facility dahil gaya niya, si Philip Vasquez ay isang public lawyer, walang masyadong nakakaalam na consigliere siya ng isa sa mga makapangyarihang crime family sa bansa. They are very low profile pagdating sa mga ganitong bagay.
“Ang tagal naman mag hiring ng ulupong na ‘to,” reklamo ni Kent, naririnig ko siya mula sa earbuds na isinuot niya sa akin kanina.
Ngayon ay nasa parking lot ako.
“Saan ang kotse niya dito?” tanong ko kay Kent.
“Sige, lakad pa,” sinunod ko siya at lumakad.
“Oopss, yan, dyan na, kulay puti na Camaro,”
“f**k me! Sports Car?” tanong ko sa kanya. Alam kasi ni Kent kung gaano ka gusto ang mga sports car dahil simula ng mabulag ako ay hindi na ako nakapagmaneho at kahit pilitin ko ay hindi ko kaya.
“Eh yan ang kotse niya eh,”
“Fine,” saad ko at saka maingat na binutas ang gulong non.
“Andyan na si Philip!” pag alarma ni Kent sa akin kung kaya’t mabilis na akong lumabas ng parking lot.
Paglabas ko ay naghihintay ang sasakyan na lulan ni Kent, sumakay na ako doon, maya maya ay nakita na ni Kent na lumabas na ng parking lot ang sasakyan ni Philip kung kaya’t sinundan niya na ito.
“Hold your gun now!” utos sa akin ni Kent at saka niya binangga ang sasakyan ni Philip.
Bumaba si Philip, rinig ko pa ang pagrereklamo niya.
“Hoy! anong problema ninyo, huh?!”
Lumapit siya sa kotse namin at nang buksan ni Kent ang bintana ay kinalabit ko na ang gatilyo ng aking baril.
Rinig ko ang malakas na pagkalabog ng katawan ni Philip na humandusay sa gilid ng kotse namin.
“Whoa! napuruhan mo sa ulo, tol!” saad niya ngunit hindi ako nagsalita, bagkus ay bumaba na ako ng kotse niya at saka kinuha ang bangkay at inilagay sa compartment ng kotse ni Kent.
Nagpatuloy naman si Kent sa pagmamaneho, dinala namin ang bangkay sa masukal na kagubatan.
“Okay, nandito na tayo, ikaw na magligpit nyan ah, kailangan ko ng bumalik sa resthouse,” saad ni Kent.
“Oo, sige,” saad ko at saka bumaba na, ibinaba ko na rin ang bangkay at saka hinila papunta sa gubat.
“Ako ng bahala sa kotse niya,” saad ni Kent kung kaya’t tumango na lamang ako.
Ipinagpatuloy ko na ang paghila sa bangkay.
“s**t! ang bigat!” singhal ko habang hila hila iyon, bigla namang nakarinig ako ng kulog. Naku, mukhang uulan pa.
Nagpatuloy lang ako sa paghila sa bangkay hanggang sa makarating na ako sa malayo, nagsimula akong maghukay ng lupa.
“Tama yan, Spade, maghukay ka. Trabaho mo yan,” saad ko sa sarili ko.
Nang masiguro kong malalim na ay saka ko na hinulog ang bangkay at inilibing iyon.
Saktong paglabas ko ng gubat ay bumuhos ang malakas na ulan. Damn it! no choice ah, mukhang maliligo ako nito.
Kinuha ko na ang tungkod ko at saka sinimulan ng maglakad sa gilid ng main road.
Nang makabalik ako sa shopping center ay kaagad akong sinalubong ni Nico.
“Boss! saan ho kayo galing?! kanina pa kami nag aalala, pinapatawag ho kayo ni Boss Aarav,”
“Kamo sandali lang at magbibihis lang ako,” saad ko at saka dumiretso na sa kwarto ko.
Sinimulan ko ng mag shower, bawat parte ng katawan ko ay nilinis kong mabuti dahil baka may bakas pa ng dugo, pagkatapos ay pinunasan ko rin ang baril ko.
Nang makapag ayos na ako ay kaagad akong pumunta kay Aarav. Narinig ko ang pagkalampag niya ng lamesa.
“Damn it Castillejo! who f*****g told you na pwede kang tumanggap ng trabaho sa kung sinu sino?! ng walang paalam ko?!” singhal ni Aarav na galit na galit.
“Hindi iyon kung sinu sino, si Kent Saavedra iyon,” paliwanag ko.
“Alam mong mainit ako sa mga Aldama dahil kay Siobeh! talaga bang ginagago mo ako ngayon, huh?!” gigil na gigil niyang saad na kinuwelyuhan ako ay mali, sinasakal niya na pala ako.
“Relax, ahh– hindi na siya ang Consigliere ng pamilya Aldama, nagtatrabaho na siya ngayon kay Don Angeles,” hirap na hirap na saad ko dahil mahigpit ang pagkakasakal niya sa akin.
Marahas niya akong binitiwan.
“Ayoko ng mauulit ito Ramiro dahil kapag naulit pa ito, hindi lang kita sasakalin, pupugutan kita ng ulo hayop ka!”
“Kung hindi mo ako kayang pagkatiwalaan mas mabuti pang mag kanya kanya na tayo!”
“I am f*****g frustrated! they don’t let me see Siobeh! tapos malalaman ko tumanggap ka ng trabaho sa Consiglier niya?!”
“I already told you hindi na siya consigliere ng pamilya Aldama!”
“Kahit na! ako ang magdedesisyon dito! at wala kang karapatang kumuha ng trabaho sa mga kaaway ko hanggat nasa poder kita!”
“Fine!” singhal ko.
“The operation is tomorrow Ramiro! at pag pumalpak tayo dito si–” pinutol ko ang sasabihin niya at sarkastikong tumawa.
“Bakit naman ako papalpak, Aarav? hmm?”
“Kapag pumalpak tayo dito malaking pera ang mawawala sa akin pati negosyo ko madadamay, Ramiro! so pull yourself together at wag na wag kang gagawa ng kung anu ano nang walang paalam!”
“Tapos ka na ba? babalik na ako sa kwarto ko,”
“Dismissed!” saad niya, narinig ko pa na sinipa niya ng malakas ang kahoy niyang lamesa.
Bumalik na ako sa kwarto ko at saka sinara ang pinto. Kinuha ko ang suitcase sa ilalim ng kama at saka binuksan iyon.
“Wow! ang dami mong pera, Boss!”
Napatalon ako sa gulat dahil bigla kong narinig si Nico.
“Tangina mo! bigla bigla kang nagsasalita dyan hayop ka! ang akala ko mag isa lang ako dito!” singhal ko sa kanya.
“Sorry na Boss, na excite ako nung makita ko kung ano yung binubuksan mo eh,”
“Ano bang ginagawa mo dito?”
“Eh hinahanap kita kasi pinapatawag ka nga ni Boss Aarav,”
“Tapos na, nag usap na kami,”
“Ang bilis ah, boss baka naman, kahit isang bundle lang nung kulay blue oh,” saad niya, naramdaman ko naman ang kamay niya na hinahawakan na ang pera kung kaya’t pinalo ko ang kamay niya ng tungkod ko.
“Wag mong hawakan yan, pera ko yan!”
“Boss naman, parang hindi kosa oh, isang bundle lang,”
“Parang hindi ka pinapasahod dito ah!”
“Sige na, ang dami dami nito oh, at saka anong gagawin mo sa perang yan? eh bulag ka naman,”
“Pakialam mo?! wala kang pakialam basta wag mong pakialaman yan! makakaalis ka na,”
“Siya nga pala Boss, nagpaalam na ako kay Boss Aarav, nandito ako para personal din na magpaalam sayo,”
“Bakit? saan ka pupunta?”
“Ano eh… may sakit yung lola ko eh, kailangan kong umuwi, ako na lang kasi ang inaasahan niya, kailangan ko siyang alagaan ngayon,” ramdam ko ang lungkot sa kanyang pagsasalita.
“Ganon ba? magkano kailangan mo?” tanong ko sa kanya.
“Hindi, okay lang ako Boss, meron pa naman, binigay naman po ni Boss Aarav yung sahod ko kanina, biro lang yung kanina,”
Naawa naman ako kaya kinuha ko ang limang bundle ng pera mula sa suitcase na nasa harap ko at ibinigay iyon sa kanya.
“Kunin mo na yan, hindi ko alam kung magkano yan pero kapag kulang pa sabihin mo lang sa akin,”
“Ay naku Boss, hindi na po, nagpaalam lang po talaga ako sa inyo,”
Hindi pa ako nakuntento at kinuha ang supot sa may cabinet, ewan ko ba dito kay Aarav bakit may mga supot dito sa kwarto ko. Inilagay ko doon ang pera at binalot ng mabuti at saka ibinigay kay Nico.
“Sige na, kunin mo na yan, ipagamot mo sa magaling na doktor ang lola mo,”
“Nahihiya man ako pero… sige po Boss, tatanggapin ko na po ito, maraming maraming salamat po sa lahat ng tulong niyo sa akin, paalam na muna sa ngayon, Boss Ramiro,” saad niya, nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.
“Bumalik ka kaagad,” saad ko ngunit nang kumalas siya sa pagyakap sa akin ay nagdire-diretso na siya sa paglakad at tuluyan ng lumabas ng kwarto.