RAMIRO
Ngayon ay nasa sementeryo kami ni Nico, inalayan ko ng bulaklak ang aking mga magulang pati na rin ang puntod ng ex-girlfriend kong si Elise.
“Ang ganda po pala ng ex niyo Boss! sayang naman!” saad ni Nico, nakalagay kasi sa puntod ni Elise ang litrato nito.
“Hindi niya alam na mamamatay tao ako kaya habangbuhay kong dadalhin iyon na na hindi ko sinabi sa kanya,”
“Hindi mo sinabi kasi… natatakot ka na baka layuan ka niya pag nalaman niya,”
“Pag kasama ko kasi siya, iba eh, nakakalimutan ko kung gaano kadelikado ang mundong ginagalawan ko, nakakalimutan ko lahat. She was my peace, my heaven. She was way too innocent, ang alam niya nga negosyante ako eh dahil negosyante ang tatay ko,” pagkukwento sabay ngiti ng mapait.
“Pero ang naging kapalit naman non ay nawala siya sayo, hayaan mo Boss, kay Eleizha ka na lang, I really had a good feeling about her,”
“Bakit? dahil lumaki siya at nasanay na na pumapatay ang tatay niya? tss, it doesnt go that way, Nico, marami ka pa ngang dapat matutunan,” saad ko sabay haplos sa malamig na lapida.
Nang makabalik kami ni Nico sa kotse ay nag ring ang cellphone ko kung kaya’t sinagot ko iyon kaagad.
Tumawag sa akin si Kent Saavedra, isa sa mga Consigliere na kilala ko, alam kong dati siyang Consigliere ng pamilya Aldama ngunit hindi ko alam kung bakit nalipat siya sa mga Angeles.
“Ramiro, may trabaho ako para sayo,”
“Ano yan?”
“Mainit ako sa mga mata ng kalaban ngayon eh, kailangan ko ng tulong mo, may ipapaligpit lang ako,”
“Sa iba na lang,”
“Ano?! bakit?!”
“Ano eh… busy ako,”
“Anong busy? Paanong busy eh bulag ka,”
“Alam mo naman na pala eh,”
“I heard that you are working with Aarav now, wala naman sigurong masama kung hihiramin muna kita ng isang araw lang,”
Napakadaldal talaga nito ni Aarav! Kapag nakausap ko siya lagot siya sa akin!”
“Ano ba kasing ginawa mo? Bakit mainit ka sa mata ng kalaban?”
“Jaydah is with me now, together with our son, kailangan kong protektahan ang mag ina ko Ramiro,”
“Wait, Jaydah… you mean Jaydah Angeles? Yung anak ni Don Fernando?!”
“No! Idiot! Anak siya ni Don Juancho, siya ang itinagong anak ni Don Juancho,”
“What? This is getting crazier and crazier,”
“I know pero mahal ko si Jaydah, Ramiro, siya ang buhay ko at ang anak namin,”
“Okay lover boy, how much?” tanong ko.
“Name your price,”
“Ano?! ang labo naman non!”
“Itong bulag na ‘to, may nalalaman pang malabo eh wala na nga siyang makita,” bulong nito sa kabilang linya ngunit narinig ko iyon.
“Hoy! narinig ko iyon!”
“Ay, narinig mo ba, sorry na, how about a hundred thousand?”
“Make it five hundred thousand and I’ll do it as fast as I can,”
“Whoa! grabe, sobra ka na!”
“Bakit?! akala mo madali ang pinapa trabaho mo?! pagtapos ko patayin, syempre illigpit ko pa, maghuhukay pa ako tapos ililibing ko, akala ko ganon ganon lang iyon?! tapos bulag pa ako, kakapa kapa ako doon,” paliwanag ko sa kanya.
“Oo nga noh,”
“Dagdagan mo na, five hundred thousand,”
“Hays, ang mahal mo naman maningil, fifty thousand nga lang yung iba,”
“Bro naman, alam mo namang magaling ako syempre doon ka babase sa talent at sa linis ng trabaho, at saka imposible namang wala kang pera, consigliere ka,”
“Consigliere nga, hindi naman ako makabalik sa trabaho ko kaya wala akong kapera pera ngayon dahil dito sa misyon na binigay sa akin ni Don Angeles,”
“Consigliere ka, assassin lang ako, mas mataas pa ranggo mo sa akin tapos wala kang pera?! tss! mukhang mas may pera pa ata ako kesa sayo eh,”
“Sigurado ka ba na hindi ka papalpak? tandaan mo Ramiro, bulag ka na ngayon pero kinuha ka pa rin ni Aarav kaya naniniwala ako na kaya mo pa rin, kasi may tiwala ako sa gago na iyon,”
“Oo naman, ako pa! Ramiro Castillejo ‘to! the Spade assassin of black underground organization,”
“Tss, sinusumpa mo nga yang organization ngayon dahil hinahunting ka pero ang lakas pa rin ng loob mong ipagmalaki yan,”
“Bakit? duda ka ba sa kakayahan ko? Bro, bulag lang ako, hindi ako baldado,”
“Oh siya sige, ita-transfer ko na lang sa bank account mo ang bayad,”
“Ayoko! para kang si Aarav eh, cash! cash gusto ko!”
“Putang ina! para akong na holdap sayo ah, daig mo pa yung mga kawatan doon sa Tondo!”
“Para pag may bibilhin ako bayad bayad na lang, hindi na magwi withdraw, alam mo namang bulag ako eh,”
“Sige, oh siya, pumunta ka dito sa… dito sa… hays! ako na! sige! ako na lang pupunta sayo! nasaan ka ba?!”
“Dito sa baluarte ni Boss Aarav,”
“Oh siya, sige, pupuntahan kita, nakalimutan ko nandito pala kami sa resthouse at mahirap tuntunin ang lugar na ito,”
“Sige, ingat!”
“Sige, papunta na ako,” iyon lang at ibinaba na ni Kent ang tawag.
Talaga ang Consigliere na iyon, akala niya ata low profile assassin ako.
Hindi sa pagmamayabang pero marami na akong napatay noon nung hindi pa ako bulag, kaya sisiw lang sa akin ang isang tao kahit pa gaano siya ka VIP. Nakapatay nga ako ng dalawang mafia boss na kaaway ni Aarav eh, ito pa kayang hindi naman ata VIP.
Nang makarating si Kent ay nag usap kami sa may training ground, doon lang kasi tahimik kung kaya’t iginiya niya ako doon.
“Nasaan nga pala si Aarav?”
“Hindi ko alam doon sa kolokoy na iyon, ang sabi nila umalis daw,” saad ko, umupo kami sa may bench, inalalayan niya ako.
“Patingin nga ng mata mo,” saad niya akmang iiwas na sana ako ngunit nahablot niya na ang shades ko.
“Ano ba?!” singhal ko sa kanya na nainis, yumuko na lamang ako.
“Tsk, tsk, tsk, mukhang mabusising gamutan yan ah, kulay puti na eh, wala na talaga, eye transplant na ang kailangan mo,”
“Amin na yung shades ko!” saad ko sa kanya, tila bumabalik sa aking isipan ang ala ala kung paano ako nabulag nang mabagsakan ako ng chandelier.
Pilit kong kinukuha sa kanya ngunit ayaw niyang ibigay.
“Ito! masyadong moody! tinitignan ko pa nga eh at baka magamot pa!”
“Bakit? sino ka ba? Doktor ka ba?! Diyos ka ba?! kahit ano pang sabihin mo Kent ang nangyari ay nangyari na, hindi na maibabalik pa!”
“Oh, ayan na shades mo!” saad niya sa akin at binigay iyon sa akin.
“Kilala mo si Philip Vasquez diba?”
“Philip? wait, let me think,”
“Don Juancho’s consigliere,”
“Ah, naaalala ko na, oo siya nga!”
“Gusto kong iligpit mo siya Ramiro, masyado na siyang nagiging sagabal sa mga plano namin ni Don Juancho,”
“Bakit?”
“Nasa kanya ang lahat ng mga dokumento ni Don Juancho, pati lahat ng mga ari-arian nito,”
“Shoot. That’s a whole lot of mess,”
“Hindi ko makukuha iyon hanggat buhay siya, magkasabwat sila ni Kevin at balak nilang patayin si Jaydah, kailangan niya ng manahimik. You kill him and I’ll do the rest,”
Inilahad ko naman sa kanya ang kamay ko.
“Ano yan?” naguguluhang tanong niya.
“Give me my money first,”
“Hayop ka talaga, wala kang sinasanto,” saad niya, nagulat naman ako nang ilagay niya sa mga binti ko ang isang mabigat na suitcase.
“Oh ayan, sakto yan, walang labis, walang kulang,”
Binuksan ko iyon at kinapa, amoy na amoy ko ang maduming pera sa harapan ko ngayon. Naka bundle pa ang mga iyon.
“Do it as fast as you can,” utos niya.