Chapter 19

1404 Words
RAMIRO Ngayon ay nakikipag transact si Aarav sa handler ng Drug Cartel. Gabi na at bukas na isasagawa ang operation. “How about you join us and we will promise you a hefty sum in return?” saad ni Aarav, nasa gilid niya lang ako kung kaya’t rinig na rinig ko iyon. “Malaki laking pera ang pinag uusapan natin, Mr. Clemente, sigurado ka bang ibibigay mo sa akin yan kapalit ng mga ito? Mahirap kalabanin si Mr. Salcedo,” tanong ng handler. “Oo naman, I am ten times more powerful than Mr. Salcedo, come on, give up already, alam naman natin kung gaano ka walang kwenta ang pagpapatakbo niya ng Drug Cartel na yan, matagal ng nag ooperate ngunit hindi naman ma-meet ang standards, they needed a stronger force, they needed something like me,” “Yes, I believe you, Mr. Clemente, you’re so damn charismatic,” “Kung papayag ka sa deal natin ay ibibigay ko sayo ang kalahati ng share ng Drug Cartel upang ikaw na ang magpatakbo dito at wala ng magiging sagabal na Mr. Salcedo dahil papatayin ko siya mismo, sa kamay ko siya babagsak, Mr. Gomez,” Punong puno ng diin ang bawat salita ni Aarav ng mga oras na iyon. “Okay, Mr. Celemente, deal,” “Thank you for your consideration, Mr. Gomez,” saad naman ni Aarav na hudyat na tapos na ang transaksyon nila at pumayag na ito. “Bukas ng umaga, sasamahan ka namin sa Cartel at ikaw ang magpapapasok sa amin sa loob,” paliwanag ni Aarav. “Okay, Copy Mr. Clemente,” *** Papunta na kami ngayon sa Pier ni Aarav, kung saan naroon ang Cartel, nakasakay kami sa armored truck, kasama ang mga tauhan niya, sa gitna naming lahat ay isang malaking box ngunit wala itong laman at props lamang. Naroon kasi ang kubol ng isa sa malalaking drug lord sa bansa, ang White Tiger Drug Cartel pinagplanuhan at pinaghandaan naming mabuti ang lahat bago kami pumunta doon. Hindi kami ang ka-transact ng mga ito at nalaman lang namin iyon sa nadakip naming tao nila kung kaya’t sinamantala na namin ang pagkakataon. Ang Triad na manggagaling pa ng China ang ka-transact nila ngunit inagahan namin ang punta upang mauna kami sa Drug Cartel at wala ng maabutan ang Triad. Huminto na ang truck na hudyat na nasa main entrance na kami ng Cartel. Bumaba si Aarav mula sa passenger seat kasama ang isa niyang tauhan at ang isa naman ay ang handler na si Gomez. Isa lang ang gusto ni Aarav, ang sakupin ang kubol na ito at mapasakanya ang lahat ng mga drogang nakatanim dito. Isang buong planta ng droga kasi ang naroon at talagang malaking pera iyon kung makukuha niya iyon. “Nandito na kami, gaya ng pinag usapan natin,” saad ni Gomez sa mga security. “Teka, sigurado ka bang ang Triad na ang mga kasama mo?!” “Oo bakit?! Pinagdududahan niyo ba ako?! Matagal na tayong nag sasagawa ng operation dito!” singhal ni Gomez na galit na upang maniwala ang mga ito sa kanyang pag papanggap. Nakikinig lamang kami sa loob ng truck, kasama ko ang mga tauhan ni Aarav. Wala si Nico kung kaya’t iba ang kasama ko ngayon, inatasan ni Aarav ang tauhan niyang si Billy upang magsilbing look out ko pero malinaw sa aking pag iisip ang papel ko sa operation na to, hindi ko kailangan ng look out. “Hindi namin sila makilala!” saad ng security. “Tang ina! Kung hindi kayo naniniwala edi itawag niyo kay Mr. Salcedo! Mga pulpol!” saad ni Gomez. Maya maya ay sinunod naman ng security ang sinabi ni Gomez at tumawag ngunit nakarinig na kami ng mga putok ng baril hudyat na pinagbabaril na nila ang mga security guards na nagbabantay doon. “Alright, your work here is done, Mr. Gomez, thank you for your cooperation,” saad ni Aarav. “Okay, Mr. Clemente,” saad naman ni Gomez ngunit bigla kaming nakarinig pa ulit ng isang malakas na putok ng baril. “Dalhin niyo na yan, itali niyo!” narinig naming utos ni Aarav. Damn it, Clemente, you are such a traitor, pinatay niya si Gomez. wala akong magagawa. Aarav is an evil being at ako ay tauhan lamang niya kung kaya’t ang sumunod lang ang dapat kong gawin. Muling umandar ang armored truck kung kaya’t pumuwesto na kami ni Billy, ako sa kaliwa at siya sa kanan, nasa gitna namin ang box, tinabihan naman ako ng ilan pang tauhan ni Aarav at inihanda na ang kanilang mga shotgun. Yumuko ako inihanda na rin ang shotgun ko, dalawang kamay na ang hawak ko dito. Sa hita ko ay nakalagay ang isang pistol gun na ibibigay ko mamaya kay Aarav, at sa magkabilang bewang ko naman ay nakasuksok pa ang dalawa pang baril na siyang magsisilbing proteksyon ko mamaya. “In position,” saad ko kay Aarav, may earpiece kaming dalawa na nagsisilbing communication namin mula sa labas at loob ng truck. Nang makapasok sila ay naghihintay na si Don Salcedo kasama ang mga tauhan nito at mainit na diskusyunan ang nangyayari, nakikinig lamang kami mula sa loob ng truck. “He is your guy, right? Mr. Salcedo?” “Correct,” saad ni Don Salcedo. “He betrayed you, ibinenta niya ang impormasyon ninyo sa amin, kaya ibabalik rin namin ang pabor ngayon Mr. Salcedo,” “Who f*****g told you that I will transact with you? Sino ka ba sa akala mo huh? You are just a low class crime family, Clemente, anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ginagawa ‘to?!” “Alam kong may problema kayo ng Triad at ipinadala nila ako para ayusin ang gusot na matagal ng hindi maalis alis,” “You? Triad?” saad ni Don Salcedo at sarkastikong humagalpak ng tawa, “Bakit naman sila hihingi ng tulong sayo?! Nagpapatawa ka ba?! Sa tingin mo maloloko mo ako?! Stop pretending Clemente, at this point, this story is ending very bad for the two of us,” “Do you think that I'm foolish too Mr. Salcedo?! Hindi ako nagpunta dito para makipag away sa dapat ay kakampi ko?! Ang Triad ang kalaban natin Mr. Salcedo. Actually, I came here to start a negotiation, so treat me as a new investor,” “That sounds convincing, okay, put on your little show Mr. Clemente, did you prepare something for us?” “Yes Mr. Salcedo, as a proof, I will give you these drugs that I produced myself, free of charge, consider it a compensation for wasting your time,” saad ni Clemente at mukhang nakukuha niya na ang loob ni Don Salcedo. “So, do we have a deal?” tanong ni Aarav dito. “Deal,” saad naman ni Don Salcedo. “Let me show you your products,” narinig kong saad ni Aarav kung kaya’t mas inigihan pa naming lahat ang pag pwesto sa harap upang humanda sa pagbaril. “On three, Ramiro,” bulong ni Aarav habang binubuksan ang loob ng truck. “One..” “Two..” Hindi na nakapagbilang si Aarav at mabilis na binuksan ang loob ng truck, mabilis rin naming pinagbabaril ang mga tauhan ni Don Salcedo habang si Aarav naman ay nagkubli sa pinto ng truck. “Ramiro, gun!” sigaw niya sa akin kung kaya’t inihagis ko mula sa ere ang baril na nakasuksok sa hita ko, bahala na siyang pumulot dahil hindi ko naman nakikita, saka akp yumuko ng bahagya upang hugutin ang dalawa ko pang baril sa bewang ko at sinimulang pagbabarilin ang mga kalaban na tauhan ni Don Salcedo. Nang matapos ang palitan ng bala ay may biglang humatak sa akin. “Come on, there’s no time!” narinig kong saad ni Aarav, siya pala ang humatak sa akin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagpakawala ng bala si Aarav sa ere. “Sumuko ka na, Salcedo! Tanggapin mo ang pagkatalo mong hunghang ka!” sigaw ni Aarav, kung hindi kami nagkakamali ay nasa tulay na kami na daungan ng barko dahil kahoy na ang natatapakan ko. “You f*****g traitor!” singhal ni Don Salcedo. “Such a visionary, you are right Mr. Salcedo, this story will end very bad,” saad ni Aarav at saka kinalabit ang gatilyo ng baril niya. Narinig ko naman ang tunog ng bangkay ni Don Salcedo na nahulog sa dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD