Chapter 5

1275 Words
RAMIRO’S POV: Sinundan ko ang mga naririnig kong yapak ng paa ni Aarav hanggang sa tumigil ito, ibig sabihin ay nasa loob na kami ng opisina niya. “Have a seat, Ramiro,” saad ni Aarav na sinunod ko naman at umupo ng dahan dahan, hawak ko pa rin ang tungkod ko at hindi ito binibitiwan. “So, how's life?” tanong niya sa akin, seryoso na siya sa pagkakataong ito. “I'm fine,” “Pwede ba Ramiro, cut the crap, I know something’s going on, come on, you won’t come here if you’re not troubled, what is it this time?” seryosong tanong niya sa akin. “Well, it’s about the organization, they need the documents,” paliwanag ko. “What documents?” “The one that I gave to Dove, everything is in there, it’s like the main scribe Aarav, name it and we have it,” “Oh, that was interesting,” “Nandoon lahat ng pangalan, pati na rin ang mga background checks ng lahat ng mga makapangyarihang drug lords sa bansa, kasama dyan ang kanilang net worth, assets, liabilities at ang mga ari arian nila na may connection sa bangko at kapag lumabas iyon ay siguradong tapos kaming lahat, lalo na kami ni Dove, papatayin nila kami,” paliwanag ko. “Dove? Dove, saan ko ba narinig ang pangalan na yan?” “Dove is Lieutenant Mantala, Aarav,” “Ah, naalala ko na, that gorgeous but dangerous devil,” Napailing na lang ako sa sinabi niya, malas kasi sa babae itong gago na ‘to ewan ko kung may mahahanap pa ‘tong matinong babae na papatol sa kanya. “I need to protect her too,” “So that’s why you accepted my offer? for protection,” seryosong saad niya. “Yes,” “What makes you think that I’ll protect you?” “We’re family, Aarav, I’m begging you, ikaw lang ang taong kilala ko na hindi ako ilalaglag sa mga sitwasyong ganito,” “I know, okay, so here's the deal. I’ll protect you and you will work for me as an assassin or hitman,” “Deal,” saad ko, naramdaman ko ang kamay niya na nakipag shake hands sa akin biglang pagpapatibay ng aming kasunduan. Simula ng mapunta ako kay Aarav ay doon na muna ako nag stay dahil pinaghahanap pa rin ako ng mga dati naming kasamahan ni Dove sa Organization. Binigay ni Aarav ang lahat ng kailangan ko. Isang kwartong tutulugan, may lagayan din ng mga gamit at damit, malaking table, malaking cabinet, kumportableng bathroom na may shower at bathtub na kinapa kapa ko lang ang bawat sulok ng kwartong binigay niya upang ma-familiarize ako sa lugar, mukhang bagong renovate din ito dahil naaamoy ko pa ang fresh paint. Ang sabi ni Aarav ay kumpleto naman dito at may desktop din kung kaya’t pinadalhan ko ng mensahe si Dove upang makapag kita kami. I need to talk to her about the documents dahil ito ang dahilan kung bakit ako nagtatago ngayon. Mabuti na lang at nandito si Aarav at mukhang ligtas naman ako dito sa lungga niya. Maya maya ay narinig kong may kumatok sa pinto kung kaya’t binuksan ko iyon kaagad. “Yes?” tanong ko. “Uhm, yeah, well this is Nico, your personal driver,” narinig kong saad ni Aarav na ipinakilala ang kasama niya sa akin. “Magandang hapon po Mr. Castillejo, ako po si Nico, kinagagalak ko po kayong makilala, idol na idol ko po kayo noong nasa black underground pa kayo,” saad ng lalaking nagpakilalang Nico na inabot ang kamay ko upang makipag shake hands ngunit binawi ko ang kamay ko at napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Tila nagpantig ang tainga ko sa tinuran niya. “Sino ka? Bakit alam mo ang organization?” tanong ko. “Uhm, ano… isa siya sa mga tauhan ko, eh nalaman na nandito ka, kaya ayan… baka daw kailangan mo ng serbisyo niya,” paliwanag ni Aarav. “Excuse us for a moment,” saad ko kay Nico at saka hinawakan si Aarav sa braso at kinaladkad sa corridor. “Aray ko naman! bakit ba?!” inis na Singhal sa akin ni Aarav ngunit mas inis Ako. “How sure are you that he’s not a f*****g enemy, Aarav?! Nag iisip ka ba, huh?! Alam mong pinaghahahanap ako ng organization ngayon dahil sa mga documents!” singhal ko na ipinagdidiinan iyon sa kanya. “Come on, Ramiro, paghihinalaan mo na lang ba lahat? Matagal ng nagtatrabaho sa akin si Nico, simula pa lang ng umupo ako bilang bagong Don nandito na siya, kaibigan namin siya ng pinsan kong si Alejandro, napa-paranoid ka na ata eh,” paliwanag ni Aarav. Lumalim ang buntong hininga ko at huminahon na. “Uhm, Mr. Castillejo, promise po magiging maingat ako na driver ninyo at hindi po ako makikialam sa inyo, magtatrabaho po ako ng maayos,” saad naman ni Nico na lumapit sa akin. “Ilang taon ka na?” tanong ko sa kanya. “Bente siyete po pero promise po kaya ko po kayong ipag drive,” saad ni Nico. “Sige,” iyon na lang ang nasabi ko at saka bumalik sa kwarto ko. Hindi ko rin naman hiniling ito kay Aarav na bigyan niya ako ng senyorito treatment dito sa lungga niya pero ginagawa niya ang lahat para maging komportable lang ako dito. Pagpasok ko ng kwarto ay bigla kong naalala na aalis nga pala ako at makikipagkita kay Dove kung kaya’t muli akong lumabas, mabuti na lamang ay nandoon pa sila at nag uusap. “You said that you will drive for me?” tanong ko kay Nico. “Opo, Sir Ramiro,” “Okay, let’s start now,” saad ko na kaagad na kinuha ang tungkod ko at sinuot ang shades ko. “P-po?” naguguluhang tanong niya. “Ngayon, ngayon na,” saad ko sa kanya. “Teka, saan ka pupunta?” tanong ni Aarav. “None of your business, Clemente,” saad ko na napabuntong hininga. “Sandali po, kukuhanin ko lang ang susi,” saad ni Nico na kumaripas pa ng takbo, rinig na rinig ko ang mga yabag ng paa niya na tila nagmamadali. “Hey, Nico,” saad ko. “Yes po, Sir Ramiro?” “Slow down, mamaya ay dumire-diretso ka sa hagdan,” saad ko at saka Siya nagpatuloy ngunit naglakad na lamang siya. “Heh, ganyan talaga yan, hayaan mo na,” saad naman ni Aarav. “Mana sa amo, may saltik,” Narinig ko naman ang paghalakhak niya. “Tangina mo, pasalamat ka bulag ka, pero seryoso, saan ka pupunta?” “Basta,” “Ang hirap mo talagang kausap ngayon, hindi ka naman dating ganyan, oh siya, bahala ka sa buhay mo,” saad ni Aarav, maya maya ay bumalik na si Nico, rinig na rinig ko pa ang ingay ng paghagis at muling pagsalo niya ng susi habang naglalakad pabalik. “Sir, nakahanda na po ang kotse,” saad ni Nico. “Ay nga pala Ramiro, yung kotseng ibinigay ko sayo hindi nga pala high end yan pero palag palag na,” “Tss, anong tingin mo sa akin, hampaslupa? kung makapagsalita ka akala mo hindi tayo nagpapalitan ng sportscar noon,” Humagalpak ulit ito ng tawa sa akin, “Oh siya sige na, bumalik ka ng buo at buhay ah, baka mamaya ay na-salvage ka na dyan,” Hindi ko na siya pinansin at sumama na ako kay Nico. Nang makasakay kami ay sinimulan ng magmaneho ni Nico. “Hintayin mo ako, Dove, papunta na ako,” saad ko sa aking isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD