Ramiro’s POV:
Nang makapasok ako sa Shopping Center ay kaagad akong sinalubong ni Aarav Clemente.
“Oh, you’re here,” saad ni Aarav at naramdaman kong inakbayan niya ako.
“Don’t touch me, you bastard!” singhal ko sa kanya na inalis ang kamay niya sa balikat ko.
Narinig ko naman ang paghalakhak niya.
“Aw come on, man, nabulag ka lang naging nonchalant ka na,” saad ni Aarav na tawa pa rin ng tawa.
“Let’s get straight to business, Aarav,” seryosong saad ko kung kaya’t iginiya nila ako sa kung saang meeting room.
Wala na akong pakialam sa lugar, ang mahalaga ay makapag usap kami. Si Aarav ay matalik kong kaibigan, simula palang ng mga bata kami ay nangarap na kami ng isang masaya at matagumpay na buhay ngunit parehas atang isinumpa ang buhay namin kung kaya’t ganito kami ngayon. Namulat sa madilim na mundo.
“Humahawak ka pa ba ng baril? Baka palagi na lang yang tungkod mo ang hawak mo, tapos puro mariang palad ka na lang,” saad ni Aarav na natawa ng malakas.
“Gago kang hayop ka! tigilan mo ako!” singhal ko sa kanya.
Siguro ay nasa gun shooting range kami ngayon kung kaya’t naitanong niya. Gumawa kasi ng hideout si Aarav sa ilalim ng Shopping Center niya. This man is f*****g loaded at masaya na Ako doon dahil kahit papaano ay isa sa amin ang umasenso kahit pa sa maling paraan.
“Give me a nice gun and I’ll tell you,” saad ko kay Aarav.
“Here we are, touch it,” aniya kung kaya’t inilapag ko ang kamay ko at kinapa ang baril.
Hindi ko maiwasang wag mapahanga dahil magandang klase nga ng baril iyon base sa paghawak ko.
“Buuin mo, kalas kalas pa yan eh,”
“Papahirapan mo pa talaga ako, kita mong bulag ako, hindi mo pa binuo kanina,” reklamo ko ngunit tumawa lang ang loko kung kaya’t sinimulan ko ng buuin iyon.
“Oh, partida ah, no eyes kayang magbuo ng baril,” saad ni Aarav.
“Sira ulo,” saad ko at saka nagsuot ng hearing protection at hinawakan ang baril at pumorma na.
“Shoot the target, Ramiro,” pagsabi non ni Aarav ay kaagad kong pinakawalan ang bala ng pistol na hawak ko.
“Damn it! that was sick!” singhal ni Aarav ngunit inulit ko pa at ngayon ay sa kabilang target naman at kinalabit ang gatilyo, hanggang sa hindi ko na tinigilan at niratrat ang buong shooting range.
“f**k! I love it!” saad pa ni Aarav at mas lalo akong ginanahan ngunit biglang pumasok sa alaala ko ang masakit kong nakaraan. My girlfriend Elise, she died in my arms dahil inutusan niya akong wag kalabitin ang gatilyo ng baril ko. Nakita ko sa alaala ko kung paano siya magmakaawa sa akin.
Fuck. Ngayon ko pa siya naisip.
“Elise…”
Bigla ko na lang binitawan ang baril.
“Grabe, walang kakupas kupas! partida kahit bulag yan, bulls eye pa rin!” saad ni Aarav na tuwang tuwa ngunit hindi na ako natutuwa.
“Enough with the f*****g games, Aarav! What's my assignment?!” gayon ay galit na ako dahil paligoy ligoy pa ang gago na ‘to.
“Whoa, relax! dadating din tayo dyan, masyado kang hot eh, nagsisimula pa lang akong uminit,syempre, kailangan ko munang malaman kung capable ka baka pumupurol na ang beshy ko eh!” pabirong saad ni Aarav na napahagalpak ng tawa.
“Capable? tss, are you challenging me?” tanong ko dahil nagdududa na siya sa kakayahan ko ngayon dahil ulag ako.
“Listen, Ramiro, I am not playing games here, I have 4 VIP’s na kailangang patahimikin and I need your help and I will pay a hefty sum of course,” saad ni Aarav. Ramdam ko ang tensyon sa kanyang pagsasalita dahil sa tono ng pananalita niya ay mukhang mapapalaban talaga ako.
“Oh come on, just four? sisiw, tss,” pagyayabang ko sa kanya.
“Look, I know that you are capable Ramiro, come on, you are the Spade Assassin of Black Underground Organization, isa ka sa mga magagaling,”
“Iyon naman pala eh, bakit nagdududa ka pa ngayon na para bang wala kang tiwala sa kakayahan ko?”
“That four horsemen-like are very very hard to kill,”
“Yeah, for sure,”
“I just don't want you to be killed, I lost everyone Ramiro, you know that,”
“Oh, I’m touched,” sarkastikong saad ko sa kanya at saka ngumisi.
“Welcome back, man, it’s good to see you again!” saad ni aarav na niyakap ako.
Ngayon ko lang napagtanto na inalis ko ang koneksyon ko sa lahat simula ng mabulag ako tatlong taon na ang nakalilipas. Nang sabihin sa akin ng doktor na hindi na ako makakakita kahit kailan ay gumuho ang mundo ko. Pumasok din sa isip ko kung paano ko gagawin ang trabaho ko.
*Flashback*
“Spade, pinapatawag ka ni General,” saad sa akin ni Dove, iyon ang unang buwan na naka recover ako mula sa aksidente.
Spade is my codename because just like Spade, I’m the organization’s shovel. I like to dig graves and I like to bury them alive too.
Kaagad kong tinugon ang pagtawag ni General at pumunta sa opisina niya.
“Ramiro, how are you?” tanong niya sa akin.
“I’m fine, General, brave as ever,” saad ko kahit na gumuguho na ang mundo ko dahil sa pagkabulag.
“Good. I know that you are brave and I hope that you can surpass this too. Look, I don’t want to lose a warrior like you but I have to, you're expelled, Mr. Castillejo,"
“Can I ask why?”
“Because you’re not capable anymore, Spade,”
“I still can fight, General,”
“Yes, I know Kiddo, you still can fight but we don’t want you here anymore, Ramiro, so surrender your badge, and your gun,”
“But Sir… I still got it, I can still fight!”
“I’m sorry but my decision is final Ramiro, packed your things and go, dismissed,”
***
“Get a dart and put in the dartboard, usto ko sa gitna ah,” nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko si Aarav na sinabi iyon kung kaya’t kumuha ako ng dart at sinimulang tantiyahin ang layo ng dartboard at saka ko na iyon binato.
“Oh! you missed it! try again,” saad ni Aarav kung kaya’t sinubukan kong muli at laking tuwa ng gago ng mai-dart ko sa center iyon.
“Can you try again using a bow and arrow?” tanong ni aarav na ipinahawak sa kamay ko ang pana at saka pumuwesto.
Pilit kong iniimagine sa utak ko ang center ng dartboard. That’s the only goal. Ang matamaan iyon kung kaya’t pinakawalan ko na ang arrow ng aking pana at saka pinana iyon.
Nakarinig ako ng mga palakpakan na ibig sabihin ay nasapul ko ang target.
“Congrats, Ramiro, you’re hired, and… welcome to the club,” saad ni Aarav.
Susundan ko na sana si Aarav nang biglang nag ring ang cellphone ko, kinapa ko iyon sa aking bulsa at sinagot ang tawag.
"Hello, Ramiro?"
"Yes, Jenny?"
"I told you that I will bring her back right? Well, guess what, I did it, Dove is back, Spade, it's game time,"
Napa smirk ako sa narinig ko. Iyon ang tawag na hinihintay ko.