Chapter 6

1873 Words
RAMIRO’S POV: Nang makapag usap kami ni Dove ay napag alaman kong wala sa kanya ang mga documents na siyang ikinabahala ko ngunit sinabi niya naman sa akin na nasa ligtas na lugar daw ito. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan itatago iyon ni Dove ngunit kailangan kong magtiwala sa kanya. “Ramiro, promise me that you won't die this time, I thought I would lose you, I don't want to lose a friend Spade, noong naaksidente ka, takot na takot ako nun, hindi ko alam ang gagawin ko,” saad ni Dove. “I can’t promise you that. Alam mo naman ang mundong ginagalawan natin,” “Then just promise me to live a good and happy life then,” “I don’t know too, but yeah sure, I promise,” saad ko sa kanya upang mapanatag na ang loob niya. “Guess, I’ll see you around then, bye Spade,” “Alright, goodbye, Dove,” saad ko, naramdaman ko naman ang paghalik niya sa pisngi ko bago siya sumakay sa kotse niya at umalis. *** Ngayon ay nasa Casino ako upang gawin ang una kong misyon or should I say, una kong target biglang assassin ni Aarav Clemente. Inabot din ng Isang linggo bago ko mapag aralang mabuti ang pasikot sikot dito, sinabi ko naman kay Aarav na kaya kong iligpit ang ipapapatay niya sa akin, medyo may katagalan ngunit siguradong todas. Naka suit and ties ako ngayon na siyang bumagay sa shades ko at sapatos kong balat. “Alright Ramiro, think of it as an ordinary mission day,” saad ko sa isip ko dahil kagaya ng dati ko ng ginagawa ay ganon lang din ang gagawin ko ngayon. Sa tagiliran ko ay may nakasukbit na baril habang ang tungkod ko naman ay may naka built in na kutsilyo sa loob. Dumadating ang target ko na nagngangalang Marcelo Guevarra ng saktong alas diyes ng gabi dito sa Casino niya kung kaya’t pinag aralan ko ng mabuti ang oras ng kanyang pagdating. Meron din akong earpiece upang ma-monitor ako ng mga tauhan ni Aarav mula sa labas, naroon din si Nico. Sinabi ko naman kay Aarav na kaya kong mag isa dahil mas sanay akong magtrabaho mag isa dati pa ngunit masyado niya ng minamaliit ang kakayahan ko ngayong bulag na ako kung kaya’t nagpadala siya ng back up para sa akin. Kahit kailan talaga ang Clemente na iyon, walang bilib sa akin. Tss. “It’s time,” saad ko na humawak sa aking earpiece. “Okay, in position,” saad ng isang babae sa monitor. Hindi ko siya kilala ngunit balita ko ay isa raw siya sa mga babae ni Aarav. Akalain mong may oras pang lumandi ang gago na iyon. Rinig ko na sa kabilang tainga ko na dumating na nga ang target ko kasama ng mga bodyguards niya, sa tantya ko ay apat ang bodyguards niya. Dalawa sa harap at dalawa sa likod. Lahat ito ay armado at may mga earpiece din. “In the house, boys,” narinig kong saad ng target ko kung kaya’t naglakad na rin ako gamit ang tungkod ko upang magsilbing gabay sa paligid. One week ko siyang sinusundan at kinakabisado ang bawat galaw niya kung kaya’t nakilala ko na siya. Mula sa pag galaw ng katawan, amoy ng pabango, kung anong mga ginagawa niya at maging ang boses ay kilalang kilala ko na. Marcelo Guevarra is a notorious gambler and an arms dealer. Mistulang libangan niya na ang uminom at magsugal dito sa sa sarili niyang Casino kung kaya’t nandito siya gabi gabi. “That’s good, Ramiro, just follow him,” saad ng babae na narinig ko sa aking earpiece. “I know,” saad ko. “Tss, ikaw na nga ‘tong gina-guide ikaw pa tong galit, akala mo kung sino ka, napaka mo!” singhal ng partner ko, nasaktan ang tainga ko kung kaya’t tinanggal ko ang earpiece. “Tangina!” usal ko. Pagkatapos ko dito humanda sa akin ang Clemente na yan! hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at binigyan niya ako ng partner na reklamador at higit sa lahat babae pa! Ibinulsa ko na lang ang earpiece at saka sinundan ang target ko dahil makakalayo na sila. Naglalakad na sila sa pasilyo ngayon habang ako ay tahimik lang na sinusundan sila. Siguro ay pupunta sila sa main hall, habang naglalakad ako ay napatigil ako at hinawakan ang pader. Wait. I know this place, isa ito sa mga shortcut na natuklasan ko dito at kung dito ako dadaan sa secret passage ay mas madali akong makakapunta sa main hall. Binilisan ko ang pagpasok sa loob ng secret passage at gumapang sa loob, medyo masikip doon at mainit ngunit kailangan ko silang maunahan sa main hall. I need to get Marcelo’s attention. Habang mabilis kong tinatahak ang secret passage ay biglang nag ring ang cellphone ko. Sinagot ko iyon kaagad dahil kapag nag ring pa iyon ay posibleng makagawa ng ingay at mabulabog ko sila. “What the f**k, man?!” singhal ni Clemente sa kabilang linya. “What?! I’m making my move now! gusto mo ba akong mabulilyaso?! istorbo ka!” inis na tanong ko. “Wear the f*****g earpiece, you idiot!” usal niya, kung kaya’t pinagbigyan ko na lang. “Okay, fine, fine! kamo doon sa babae mo wag siyang sisigaw at masakit sa tainga! bulag na nga ako bibingihin pa ako eh!” singhal ko. “I’m not one of Aarav’s women, bastard!” “Come on, baby, wag naman matigas ang ulo, basta sundin mo na lang ang ipinapagawa ko, promise babawi ako mamaya,” Narinig kong pag uusap nila sa kabilang linya. “Hoy! mga putang ina niyo may oras pa talaga kayo mag lambingan?! This is not a f*****g game, Clemente!” usal ko na naiinis na dahil gumagapang ako habang kausap sila. Narinig ko pa ang pagtawa ni Aarav sa kabilang linya. “Okay… let’s try again Ramiro, I’m sorry about earlier,” mahinahon ng saad ng babae. “Just call me Spade,” “My name is Siobeh,” “Okay, Siobeh, I’m at the secret passage now, can you track it?” tanong ko. “Yes, I think I saw you now, you need to turn right,” “Copy,” saad ko at kumanan nang makapa ng tungkod ko ang likuan. “Alright, good, that’s the way out. Bilisan mo, palabas na sila ng elevator!” saad ni Siobeh kung kaya’t binilisan ko ng lumabas sa secret passage at saka kinapa ang mga pader ngunit nagulat ako dahil nasa elevator na pala ako at biglang bumukas iyon kung kaya’t ipinanghataw ko ang hawak kong baston ngunit nakailag si Marcelo. Naalarma naman ang mga tauhan ni Marcelo ngunit nakarecover din kaagad ng makita na bulag ako. Lumapit sa akin ang isa sa mga bodyguards niya at biglang hinablot ang shades ko. “Boss, bulag,” bulong nung isang bodyguard kay Marcelo. “Oops, may natamaan po ba ako? sorry!” saad ko na napakamot ng ulo at ngumiti. “This is odd, mukhang ngayon lang kita nakita dito, you’re new here?” tanong sa akin ni Marcelo. Ibinalik naman sa akin ng isang bodyguard niya ang shades ko. “Ahh– eh, sinama lang ho ako ng pinsan ko dito, ang kaso eh… nawawala po ako ngayon pwede niyo po ba ituro kung saan ang lobby?” “Sumakay ka dito sa elevator,” saad ni Marcelo sa akin na nag give way upang makasakay ako sa elevator, “Daniel, samahan mo siyang bumaba,” utos niya pa sa isa niyang bodyguard. “Sigurado ho kayo, Boss?” tanong ng bodyguard niya na Daniel ang pangalan. “Oo, sumunod ka na lang sa amin pupunta kami sa board room,” saad ni Marcelo at saka umalis na, habang kami naman ng bodyguard niyang si Daniel ay naiwan sa loob ng elevator. Narinig kong pinindot ni Daniel ang button papunta sa lobby. Pinakiramdam ko ang bawat galaw niya,may hawak siyang baril. Nakakunot lang ang noo ko habang nakayuko at sinusuri siyang mabuti, iginalaw galaw ko ang baston dahilan upang matanggal ko ang sintas ng sapatos niya. “What the f**k are you doing, Spade?! Naglalaro ka ba?! Makakalayo na si Marcelo!” gigil na saad ni Siobeh sa kabilang linya. Sa una ay nagtaka si Daniel ngunit nagpanggap lamang ako na hindi ko sinasadya dahil hindi ko naman talaga nakikita, yumuko na lamang siya at inayos ng sintas ng sapatos niya. “Cool ka lang!” usal ko ngunit narinig iyon ni Daniel dahilan upang mapatingin ito sa akin. Tangina, mabibisto pa ako dito eh! Mabilis kong hinawakan ang earpiece ko at nagkunwaring nakikinig ako ng music. “Kaya't cool ka lang, cool ka lang Bakit ba palagi ka na lang ganyan? oh yeah! Cool ka lang, cool ka lang Daanin mo sa galit, noo'y kukunot lang! whoo!” “Teka, kinakantahan mo ba ako?! nababaliw ka na ba?!” tanong ni Siobeh ngunit hindi ko na siya pinansin. Sa una ay winawasiwas ko lang ang hawak kong baston at halata kong naiinis na siya, mabilis ko siyang hinataw sa ulo at doon na siya pumalag. Kapwa kami nakahawak sa baston ko at tinulak ko siya dahilan upang mapasandal siya sa pader ng elevator, nabitawan niya ang baston ko at akmang bubunutin niya na ang baril niya ngunit naunahan ko siya at hinawi ko ng kamay ko ang baril niya dahilan upang tumilapon iyon sa sahig, sinipa ko iyon sa sulok upang hindi niya na makuha. “Who the hell are you?!” tanong niya sa nahihirapang boses. “It's safer if you don't know!” saad ko na hinataw ulit siya ng baston ko ngunit naramdaman ko ang hangin ng paparating niyang suntok at mabilis akong nakailag ngunit nasipa niya ako sa tiyan dahilan upang matumba ako. Damn it! Malakas din ang isang ito! Naramdaman ko ang mabilis niyang pagkuha sa baril niya sa sulok, hindi naman ako pumayag at tinisod ko siya gamit ang paa ko. Napakalakas ng tunog ng pagbagsak niya sa sahig, nag agawan ulit kami sa hawak niyang baril at nang maagaw ko iyon ay pinukpok ko iyon ng malakas sa ulo niya dahilan upang makatulog siya. “He’s not your target, Spade!” saad ni Siobeh sa earpiece ko. “I know!” Nanghihina kong itinapon ang baril nito at kinapa kapa ang ID nito na may access card at saka ko iyon binulsa, saktong bumukas naman ang pinto ng elevator kung kaya't kinuha ko na ang tungkod ko at mabilis na lumabas ng elevator. “Do you understand me now?” tanong ko kay Siobeh dahil marahil ay napanuod niya ang ginawa ko. “Yes, you need an access card,” “I'm on my way now, lead me at the boardroom,” saad ko na prenteng naglakad ngunit nakaramdam ako ng sharp pain sa tiyan ko dahil sa pagsipa sa akin kanina. “Ang sakit nun ah,” usal ko ngunit habang naglakad ako ay naamoy ko na naman ang halimuyak ng isang pambabaeng pabango at pamilyar iyon. Maya maya ay narinig ko ang boses niya, “Hey, Mr. Blind man!” Wait. Is that Eleizha Fortez?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD