RAMIRO
Nang matapos kami sa operation ay nagsagawa si Aarav ng victory party sa shopping center. Bumaha ng alak ng gabing iyon. Ang paisa isang pag inom ko ay umabot hanggang dalawa, tatlo, apat na baso hanggang sa hindi ko na mabilang.
“Hoy, lasing na lasing ka ng hayop ka! Wag ka ng maglakad dyan, stay put!” saad ni Aarav na lasing na rin ang tono ng pananalita, hinawi ko ang kamay niya.
“Loko! Bitiwan mo ako!”
“Siya nga pala, pagbalik ni Nico, saka natin gawin yung huling trabaho mo sakin,” saad ni Aarav.
“Ayoko na, Aarav,” saad ko.
“Anong ayaw mo na? Walang atrasan bro, isang trabaho na lang,”
“Ayoko na nga sabi, Aarav, magfo focus nalang ako kay Dove, sa pagsisiguro na buhay siya, hindi ko naman laging nakakasama ang kapatid kong iyon eh,”
“Tss, Dove na naman, pwede bang piliin mo naman ang sarili mo this time Ramiro? Go out, have s*x, have some fun, kamusta na kayo ni Eleizha?”
“She’s… out of my league now,” saad ko dahil simula ng gabing pinuntahan ko siya doon sa Bar ay hindi na siya nagparamdam. Hindi pa siya tumatawag pero ang huling pinagawa ko kay Nico bago siya umalis at magpaalam ay obserbahan si Eleizha sa mga ginagawa nito at naireport niya naman sa akin na maayos ang lagay nito.
“Ano?! Wag mong sabihing pinakawalan mo si Eleizha?! Badtrip, ang ganda ganda pa naman non,”
“Aarav, bulag ako, ano pang maibibigay ko sa kanya? Wala,” paliwanag ko kay Aarav.
“But Eleizha is a good person… at nararamdaman kong tanggap ka niya kahit gaano pa kadilim yang nangyayari sayo ngayon,”
“Hindi mo alam sinasabi mo Aarav, buti pa magpahinga ka na,” saad ko sa kanya sabay tulak ng marahan para hindi niya na ako guluhin.
Hilong hilo na ako at dahil wala akong makita ay mas lalong naging mahirap para sa akin na pumunta sa kwarto ko ngunit naglakad pa rin ako sa corridor, bakit ba kasi nagpagawa si Aarav ng pagkalaki laking bahay eh siya lang naman ang nakatira dito at ang mga tauhan niya.
Maya maya ay napaluhod na ako sa sahig, sa sobrang pagod ko ay gumapang na lang ako hanggang sa nauntog ako, tangina pinto pala iyon, ang sakit! Kinapa ko ang pinto dahil naglagay ako ng palatandaan sa kwarto ko, inukitan ko ang pinto nun ng letter R upang makilala ko kung iyon ba ang kwarto ko at sa wakas ay nakarating din ako, kinuha ko ang susi at binuksan ko na iyon, agad agad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at hindi ko na nasara ang pinto sa sobrang pagkalasing.
***
KINABUKASAN pagkatapos ng operation ay pakiramdam ko ay ayoko na. Nagising ako na wala na akong pakialam sa lahat pagkatapos ng matagumpay na pag atake ni Aarav sa mga kalaban niya.
Nag impake ako ng gamit dahil ayoko na talaga, hindi maalis sa isip ko ang lahat ng ginawa niya, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko o baka.. nabagot lang ako dahil pinagbabawalan niya akong tumanggap ng ibang trabaho habang nasa poder niya ako.
Tatapusin ko na ito ngayon at kung ano man ang trabahong maiiwan ko, bahala na siyang magtuloy. I’m out. I don’t care anymore. I don’t want to be involved.
Kinausap ko siya at ngayon ay nasa boardroom kami, alam kong hindi siya papayag pero ayoko na.
“Ang kasunduan ay kasunduan Ramiro, hindi ka pwedeng mag back out ngayon, isang operation na lang tapos na tayo,” saad ni Aarav, ramdam ko ang frustration niya sa tono ng pananalita niya.
“Kailangan ko ba talagang trabahuhin yan?”
“Oo, ikaw ang alas ko, Ramiro, I need people like you, can’t lose you now, bro,” saad niya, naramdaman ko ang pag akbay niya sa akin at ang paghalik niya sa aking pisngi.
“f**k you!” singhal ko na tinulak siya palayo sa akin, tatawa tawa pa ang loko! Tss!
“How about this, why don't you spend a nice vacation somewhere and come back here after a week, do we have a deal? Para makapagpahinga ka lang muna pansamantala,”
“Anong pahinga sinasabi mo? Baka nakakalimutan mo wanted ako, pinaghahahanap ako ng organization, hindi ko lang alam, baka nga alam na rin nila ang koneksyon namin ni Dove na magkapatid kaming dalawa eh,”
“Kaya nga nagtataka ako sayo eh, hindi ko alam kung bakit gusto mong umalis ngayon, hindi kaya kailangan mo lang libangin ang sarili mo, Ramiro,”
“Fine maybe I just need a little time for myself, hayaan mo muna ako,”
“Yeah sure, balik ka na lang kapag maayos ka na, baka pagod at stress lang yan, libangin mo ang sarili mo,”
“Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako,” saad ko sa kanya.
“Wala na, dismissed,” saad niya kung kaya’t lumabas na ako ng board room.
Pagbalik ko ng kwarto ko ay inayos ko na ang mga gamit ko, isang bodybag lang ang dala ko dahil babalik din naman ako kaagad sa palagay ko, baril at pera lang ang laman non kaya magaan lang, isinabit ko na iyon sa katawan ko at saka kinuha ang tungkod ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, bahala na.
Nang makalabas ako ng Shopping Center ay nag lakad lakad lamang ako ngunit nagulat ako at naalarma ng may biglang tumakip na tela sa ulo ko, doon na ako nagpumiglas at inatake ang mga nagtatangkang dumukot sa akin, hindi ko sila kilala, ang alam ko lang ay kailangan kong makatakas.
Mabilis kong tinanggal ang telang supot na itinabon nila sa aking mukha, sa palagay ko ay apat sila ngayon, pinagpapalo ko sa mukha ang isa gamit ang tungko ko habang ang isa naman ay sinipa ko ng malakas at ang isa naman ay tinulak ko, nagulat ako ng bigla itong sumigaw at animoy nahulog sa tubig, ibig sabihin ay nasa tulay kami ngayon, ang nasa likod ko naman ay nasipa ako dahilan upang matumba ako sa sahig at mabitawan ko ang tungkod ko. Sobrang sakit ng pagkaka sipa sa akin at tila hindi ako makatayo at namimilipit ako sa sakit.
“Wag ka ng magmatigas at sumama ka na lang samin!” saad pa nito na pinagsisipa pa ako lalo.
“Tama na! Kailangan natin siya ng buhay utos ni Boss!” singhal ng isa.
Sino bang boss ng mga ulupong na ‘to?! Nakakainis na! Hindi sila mga tauhan ng organization base sa pananalita at pag galaw nila.
“Sige, itali niyo na yan at dalhin nyo na sa kotse! Bilis!” utos ng isa.
Itinabon nila ulit sa mukha ko ang tela at saka ako binuhat at isinakay sa kotse, doon ay iginapos nila ang aking mga kamay at paa, wala na akong lakas ng loob upang lumaban pa.