Nang magising ako ay nakapiring pa rin ako, at may takip ang aking ulo, luminga-linga ako upang subukang tanggalin ang telang nakatakip sa ulo ko ngunit may biglang humablot non.
“Pakawalan niyo ako!” singhal ko sa kanila sapagkat iginapos nila ako sa upuan.
Maya maya ay nakarinig ako ng yabag ng mga paa, pati tunog ng sapatos ng isang babae, naamoy ko ang pamilyar na pabango na naaamoy ko lang tuwing nasa tabi ko si… Eleizha? pero… bakit niya naman ako kikidnapin?! Mukhang may sapak talaga ang babaeng ito sa akin!
“Nag iisip ba kayo huh?! sinong may sabing piringan niyo siya?! bulag yan! mga inutil kayo!”
Nagulat ako sa narinig ko, iba ang tono ng kaniyang pananalita, malayong malayo sa nakilala kong Eleizha na soft spoken at mahinhin. Hindi ko akalaing nagpapanggap lamang siyang mabait, sinasabi ko na nga ba, she can’t be trusted!
Kaagad namang tinanggal ng mga tauhan niya ang piring sa akin.
“Ramiro Castillejo, 35 years old, former national taekwondo champion, also known as “Spade” one of the best assassins of the Black Underground Organizatio–”
“Hey! where did you get my information?!” nanggigigil na sigaw ko kay Eleizha. Galit na ako ngayon sa inis.
“Relax, daddy, in fact… I also know that you have a little sister, Lieutenant Laila Mantala,”
“Don’t you dare hurt my sister! stay away from her!”
“I won’t hurt her, if…
“What?! Damn you, untie me!”
“If you will be my bodyguard,”
“Ano?! napakarami mong bodyguard Eleizha, bakit kailangan mo pa ako?!”
“Do you really wanna know? fine, I’ll tell you why,” saad niya.
Doon ko na sinamantala ang pagkakataon upang subukang tanggalin ang pagkakagapos sa mga kamay ko, sa relo ko kasi ay may maliit na patalim na nakalagay at ikinikiskis ko na iyon sa lubid.
“My father is sick, Ramiro, hindi ba’t sinabi ko na iyon sayo? and… he can’t operate and continue our family business so he appointed me now, ipinasa niya na sa akin ang pamamahala ng mga negosyo namin pero ayaw ng pamilya ko na ako ang mamahala sa mga iyon, pati na rin ang organization kasama ang ibang crime families, they wanted me dead Ramiro,”
Nang matanggal ko na ang lubid ay nagmadali akong tumayo, kasabay non ang paglaglag ng putol na lubid sa sahig, wala ang tungkod ko kung kaya’t kailangan kong maging alerto.
Doon na nagsimulang umatake ang mga tauhan ni Eleizha ngunit hindi ko sila hinayaang saktan ako, kinuha ko ang upuan at saka ipinangwasiwas sa kanila upang hindi nila ako malapitan.
“Wag niyo siyang hahayaang makatakas!” sigaw ni Eleizha.
Masasabi kong bihasa din sa pakikipaglaban ang mga bodyguards niya dahil sa mga galawan ng mga ito ngunit alam kong mas magaling ako.
Sinimulan kong ipalo sa kanila ang upuan, ang isa ay sumuntok ka bandang kanan kung kaya’t hinila ko ang kamay niya at pinilipit iyon at saka ko siya tinulak sa mga kasama niya.
Ang isa naman ay sisipa, kung kaya’t yumuko ako at mabilis kong hinila ang isa niyang paa upang matumba siya, ngunit sadyang marami silang nakapalibot sa akin at wala akong magawa kundi salagin lamang ang bawat atake nila.
Sa likuran ko ay naramdaman ko ang pader kung kaya’t doon ako kumuha ng pagkakataon at saka mabilis na nilakaran ang pader upang magsilbing suporta, lumipad ako sa ere at saka sinipa ang mga kalaban at sa palagay ko ay napatumba ko silang lahat ngunit nakarinig ako ng kalabit ng gatilyo ng baril.
“Don’t move an inch,” saad ni Eleizha, ngunit hindi ako natinag, nagawa kong itapon ang kanyang baril at sugurin siya, nagawa ko siyang ikulong sa aking mga bisig ngunit nakuha niya ang kamay ko at saka ipinilipit iyon.
“Arghhh!” angil ko dahil sobrang sakit non, babaliin niya ata ang buto ko. Idinikit niya ako sa pader habang hawak pa rin ang braso ko.
“Hindi ko na problema iyon, Eleizha, bakit mo ba ako ginugulo ng ganito?! you messed up, so clean it and do your work! I don’t want to be involved in your whereabouts! kayong mga mafia kayo, mga sakit kayo ng ulo!” pagrereklamo ko pa habang hirap na hirap dahil sobrang sakit ng paghawak niya sa kamay at braso ko.
“Don’t underestimate me Ramiro, I can protect myself, God knows how good I am, I just need someone who's capable, someone like me who knows how to play with danger and I have a strong faith in you as the best assassin of the black underground organization. Be my bodyguard and I’ll pay you,”
“Anong akala mo mabibili mo ako ng ganon ganon lang, huh?! This is enough Eleizha, simula ng nakilala kita nagkanda letse letse na buhay ko eh!” nang sabihin ko iyon ay binitiwan niya na ako.
“Come on Ramiro, ano pa bang dapat kong gawin para mapapayag kita?” mahinahong tanong niya.
“Wala! wala kang gagawin, Eleizha, ayoko, hindi mo ako magiging bodyguard, hindi mo ako pwedeng pilitin, hindi mo ako pagmamay ari!” gigil at galit na sambit ko sa kanya.
“Just in case, magbago ang isip mo, you know where to find me. I really need your help right now and I know I’m f*****g desperate. Everyone wants me dead, so please…”
“Mawalang galang na pero aalis na ako kaya amin na ang shades at tungkod ko, Ms. Fortez,” saad ko sa kanya, kaagad niya namang ibinigay iyon sa akin.
“Please, Ramiro, they wanted me dead,”
“Wala akong pakialam, pare parehas lang tayong mamamatay, kanya kanyang oras lang yan,”
“Hindi mo ba talaga ako minahal… kahit konti?” tanong niya, rinig na rinig ko ang paghikbi niya at hindi ako kumportable, ayoko ng babaeng umiiyak.
“Minahal? tss, Eleizha, sa bibig mo na mismo nanggaling na mamamatay tao ako diba? kaya anong alam ko sa pagmamahal na yan na sinasabi mo?” (minahal kita at mahal pa rin kita hanggang ngayon, pangit ka lang mag isip at ayoko ng pinipilit ako!)
“I’m sorry for disturbing you again, ikaw naman ang nagsabi nito sa akin na istorbohin lang kita hanggat gusto ko eh!”
“Nagbibiro lang ako, tinotoo mo naman! Hindi ko akalaing magagawa mo sa akin ito, na aabot ka sa ganito nang dahil lang sa problema mo, ngayon bahala kayo sa buhay niyo magsama kayong mga mafia kayo na may sapak! hinding hindi ako makikisali sa inyo! masyado ng magulo ang buhay ko para intindihin ko pa kayo!” saad ko at saka umalis na sa lugar na iyon.
Babalik na nga lang ako kay Aarav, bwisit!