Chapter 11

961 Words
RAMIRO Nang makapag usap kami ni Dove sa safehouse ay nagulat na naman ako sa nalaman ko. Siya pala ang babaeng tinatakan ni Master Chi ng tattoo at ang matagal ko ng hinahanap. Mas lalo akong nag alala sa kapatid ko dahil ngayon ay hindi lang ang mga dokumento ang kailangan ng black underground organization, kailangan din nila si Dove. Napag alaman ko rin na sinugod sila sa bahay ng mga tauhan ng organization katulad ng nangyari sa akin kanina. They were hunting us at animo’y mga kawatan kami na malaki ang patong sa ulo. Hindi kami nagtaksil sa organization, sila ang nagkasala sa amin ngunit bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Nilagay nila sa alanganin ang kapatid ko at wala siyang magawa kundi ang sumunod sa pagkakataong ito ngunit malaki ang tiwala ko kay Dove, alam kong kayang kaya niyang harapin ang lahat ng mga kalaban kasama ang kanyang mga kaibigan. Dove and me, marami na ang napagdaanan naming matititinding pagsubok. Kasama ko siya sa lahat ng bagay. Simula ng mabulag ako, ang lahat ng mga ala ala noong nakakakita pa ako ay naging pawang ala ala na lang. Hindi ko na matandaan ang huling tagpong nakita kong ngumiti ang kapatid kong iyon. Ni ang hitsura niya ngayon kumpara sa noon ay hindi ko na rin alam. Isa siya sa mga taong nais ko ulit makita, ngunit… hindi ko alam kung paano. I’m drowning in misery and guilt. Hanggang kailan ba ako ganito? hanggang kailan ba ako walang silbi? hanggang kailan ko papabayaan ang kapatid ko habang tinutugis siya ng mga kalaban? Ni hindi ko man lang matupad ang pangako ko sa kanya na po-protektahan ko siya dahil sa kalagayan ko. I’m helpless and… hopeless. Maya maya ay nag ring na naman ang cellphone ko kung kaya’t sinagot ko na iyon. “Yes?” “Ramiro, you bastard!” nagulat at nabingi ako sa lakas ng boses ni Eleizha na animo’y galit na galit kung kaya’t inilayo ko sa tainga ko ang cellphone at niloud speaker na lang. “What the fvck?! bakit ka ba sumisigaw?!” singhal ko rin kay Eleizha. “I am so drunk, hatid mo ako sa bahay,” “What?! I’m not your f*****g bodyguard, doon ka magpahatid sa mga tao niyo!” “Hindi ko alam kung saan sila, iniwan nila ako mag isa, unprotected!” “Putang ina,” “Ano?! minumura mo ba ako?!” Napabuntong hininga muna ako bago siya kinausap ulit. “Saang Bar?” mahinahon kong saad. “Dito sa… dito sa… uhmmm,” “Kung hindi mo sasabihin sa akin hindi kita mapupuntahan, Eleizha!” singhal ko sa kanya dahil naiinis na ako, sa dinami dami ba naman ng pwede niyang tawagan, ako pa?! pagkatapos niyang magalit sa akin kanina! damn it! May sapak ata sa utak ang babaeng ‘to, unbelievable! magpapasundo na nga lang sa bulag pa! “Sa… Fusion Paradise Bar,” saad niya sa kabilang linya na lasing na talaga ang tono ng pananalita. “Got it, stay where you are,” saad ko at saka pinatay ang tawag. “Nico,” “Yes, Boss?” “You heard what she said?” tanong ko dahil naka loudspeaker naman ang cellphone ko kanina habang kausap ko si Eleizha. “Yes Boss, Fusion Paradise Bar, got it,” saad ni Nico na malapit lang pala sa akin. “Okay, let’s go,” saad ko at saka lumabas na ng resthouse ng daddy ni Dove. Wala naman akong balak magtagal dito pero kung gagawin ko itong lungga ang sabi niya naman ay pwede. Nag drive na si Nico at mabuti naman ay tahimik ang naging byahe namin. Hinaplos ko ang braso ko na kanina ay nadaplisan, medyo masakit pa pero hindi ko na lang iindahin. FUSION PARADISE BAR Pagpasok namin sa loob ay napakaraming tao, akay akay naman ako ni Nico. “Nico, alam mo ang hitsura niya diba? hanapin mo siya,” “Yes, Boss,” saad ni Nico habang akay akay ako. “Ayun Sir! nakita ko na, nasa balcony, nagsasasayaw!” saad ni Nico. Diyos ko naman, Eleizha! pakiramdam ko maaga akong tutubuan ng puting buhok sa babaeng ‘to! Inakay ako ni Nico paakyat sa balcony at pagpunta namin doon ay marahil ay napansin niya na kami. “Ramiro! Ramiro ko, you’re here!” saad niya, narinig ko pang bumaba siya mula sa lamesang tinutung tungan niya. Naramdaman ko ang pag yakap niya sa akin at naamoy ko rin ang strawberry scent niyang pabango. “Get off of me!” singhal ko sa kanya na pilit inaalis ang kamay niya ngunit lingkis pa rin siya ng lingkis. I can feel her softness. “Boss, wag mo namang itaboy, pagkakataon mo na yan oh,” bulong sa akin ni Nico. “Tumigil ka Nico! Hindi ako ganon,” singhal ko kay Nico dahil isa pa ‘tong gago na ito. “Come on, Eleizha, let’s get you home,” saad ko kay Eleizha. “Home? now! no! Come on! Let's party!” hiyaw niya at saka hinila ako, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, narinig ko naman ang pagtawa ni Nico. “Kaya mo na yan, Boss, papanuorin ko na lang kayo, enjoy!” saad ni Nico. “Hoy, Nico! humanda ka sakin mamaya! makikita mo talaga!” inis na singhal ko kay Nico. “Wala akong makikita Boss, wala ka namang nakikita eh!” saad niya na humagalpak pa ng tawa. Tsk! mamaya ka talaga sakin! “Ramiro, come on, ang lamya mo naman eh, dito tayo sa couch!” saad niya habang hinahatak ako, hindi ko alam kung bakit nagpatianod sa kanya. There is something in Eleizha that makes me wanna… damn forget it, she’s crazy as hell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD