RAMIRO
“Come on, Clemente! show me what you’ve got!” paghahamon ko sa kanya dahil nasa training ground kami ngayong umaga. Ito na ang pinaka exercise namin araw araw.
Naramdaman ko sa hangin ang pag sipa niya sa kaliwa kung kaya’t sinalag ko iyon ng kamay ko at saka ko siya tinulak.
“Gago!” singhal niya na tatawa-tawa, maya maya ay akmang papatirin niya naman ako kung kaya’t tumalon ako ng mataas upang hindi niya ako mapatid.
“Hindi mo pa ako natatamaan oh,” pang aasar ko sa kanya at saka ko siya sinuntok sa mukha ngunit mahina lang.
“Hindi pa iyon todo,” pang aasar ko pa sa kanya at saka sarkastikong ngumiti.
“f**k you, Castillejo!” singhal niya.
Narinig at naramdaman ko naman ang hangin na susuntok siya sa kanan kung kaya’t yumuko ako upang hindi niya ako matamaan at sinuntok ko naman siya sa tiyan ngunit binawian niya ako at akmang sisipa ngunit nakailag ako ulit at nakuha ko ang binti niya at saka ko siya itinumba.
“Ow!” daing niya.
“Ayusin mo naman! baka nakikita ka ng mga tauhan mo na walang binatbat sa akin, mawawalan sila ng respeto sayo,” pang aasar ko pa habang tumatawa.
“Hayup ka! paano mo nalalaman kung saan ako susuntok?! Ang sakit! bulag ka ba talaga?! baka ginagago mo lang ako,” daing niya, sa palagay ko ay namimilipit na siya sa sa sakit habang nakahiga sa sahig dahil sa paghila ko sa paa niya.
“Ikaw pa, matagal na tayong magkababata, Aarav, kabisado ko na ang bawat galaw mo, para na kitang kapatid,” saad ko sa kanya na inilahad ang kamay ko, inabot niya naman iyon at saka ko siya inalalayan sa pagtayo.
“Siya nga pala, tungkol sa kapatid mo, kamusta siya?” tanong niya.
“Wala akong balita, pero alam ko naman na hindi siya pababayaan ng mga kaibigan niya,”
“Okay, basta sabihin mo lang kung sasabak tayo sa giyera para lang sa kapatid mo,”
“Hanggat maaari ayoko ng may madamay na iba pa, Aarav, this is between me and Dove, kaya… relax ka lang,” saad ko sa kanya upang mapanatag ang loob niya.
“Okay, sabi mo eh,”
“Kamusta kayo ni Siobeh?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko na naririnig na nagpupunta dito ang babaeng iyon.
“Dalawang buwan na simula nung… nagpasya ako na pakawalan siya, well, she deserves a break after all the stress that I have given to her, alam kong naging gago ako sa kanya, she hates me, I f*****g hate her too, pero hindi ko alam kung bakit mahal pa rin namin ang isa’t-isa. Ganon siguro pag nagmahal ka, matututo kang magbigay, magparaya, isaalang alang ang kaligayahan niya kahit pa ang kapalit non ay pagdurusa mo,”
“Magiging ayos din ang lahat at saka… bata pa si Siobeh,”
“Kung maka-bata ka naman, akala mo siya hindi mahilig sa bata, hoy, baka akala mo, bata pa rin si Eleizha, nakita ko kayo nung nakaraan sa shopping center, ang cheap niyo, doon pa kayo nagde-date!”
“Loko! Wag mo ngang mabanggit banggit ang Eleizha na iyon dito! Ang sinasabi ko lang yung mga ganyang edad, marami pang gustong gawin sa buhay yan, kaya… siguro tama lang yung ginawa mo,”
“Babalik rin naman si Siobeh sa akin, at ang masasabi ko lang ay ‘come to daddy’” saad niya na tila natatawa sa kalokohang naisip, sarkastiko na lamang akong ngumiti.
“Kaya hindi ka sineseryoso ng babae, hayup ka eh, ganyan ka eh,” saad ko na iiling iling.
“Bakit ba? at least kami ni Siobeh, may label, eh kayo ni Eleizha? brad hindi ka naman ganyan dati eh, kilalang kilala kita, babaero kang hayup ka, eh bakit ngayon wala na? isa na nga lang yan hindi mo pa ma-kana kana, hays,”
“Dati iyon, iniwan ko na yung dati kong buhay at saka siguro kaya ako pinarusahan ng ganito kasi nga ang dami kong nilokong babae noon, karma ko ‘to,”
“Tss, dyan ka na nga, nag se-self pity ka na naman,” saad niya at saka lumakad palayo sa akin ngunit nagsalita siya ulit.
“You can have your day off today, mag ready na lang kayo kasi bukas may trabaho ulit tayo, medyo mahirap pero… kasama mo ako this time,”
“Buti naman at naisipan mong sumama sa lahat ng trabaho na pinapagawa mo sa akin,” saad ko sa kanya.
“Diba sabi ko apat? nakakadalawa ka na, Ramiro, mahirap pero nagawa mo yung dalawang pinapa-trabaho ko sayo, two more to go,” saad niya sa akin.
“Tss, napaka konti naman eh, apat lang,” saad ko.
“Aba, nakokontian ka pa sa apat ah! nga pala, na transfer ko na sa bank account mo ang bayad sa serbisyo mo kaya treat yourself tonight, get drunk, get laid, mambabae ka!”
“Tss, walang sasama sa bulag, Clemente, puro ka kalokohan,” saad ko na iiling iling.
“Si Eleizha, ayain mo mag date, wag sa shopping center ko, napaka cheap niyo!”
“Ayoko! sakit sa ulo ang babaeng iyon!”
“Sumasakit kamo ang ulo mo sa baba kapag kasama mo! gago!” saad niya na tatawa-tawang naglakad na paalis.
“Boss, gusto mong kape?” narinig kong sambit ni Nico na papalapit sa akin.
“Oh, dahan dahan, mainit,” saad niya at saka inalalayan ang kamay ko upang maabot ang tasa.
Iginiya niya ako sa bench at doon ay inalalayan niya akong umupo.
“Boss, mahirap ba maging bulag?”
“Oo, pero kapag nasanay ka na, medyo sisiw na lang,”
“Sigro kung hindi kayo bulag, edi… nasa organization pa rin kayo hanggang ngayon at gumagawa ng mga delikadong trabaho,”
“Wala namang pinagkaiba ang trabaho ko doon sa trabaho ko dito, Nico,”
“Alam niyo ba, Boss, idol na idol ko ho kayo noon pa, magaling kayo sa pakikipaglaban at lahat ng mga kaibigan niyo ay gustong gusto kayong kasama, wala rin namang nagbago ngayon, kanina ko pa kasi kayo pinapanuod ni Sir Aarav,”
“Nico, alam mo, madami ka pang dapat matutunan, bata ka pa kaya mag ipon ka lang ng mag ipon ng kaalaman kasi magagamit mo yan, gaya mo noon, natuto lang din ako ng natuto,”
“Pero ang galing niyo po, isa kayo sa mga malalakas na assassin sa organization,”
Napayuko ako sa tinuran niya, “Dati iyon, hindi na ngayon, wala na ako sa organization kaya kinalimutan ko na ang naging buhay ko doon,”
“Boss, nga pala, narinig ko day off mo ngayon ah, saan mo gustong pumunta?” tanong niya.
“Wala akong maisip eh,”
“Kahit pasyal pasyal lang ba, makalanghap ng sariwang hangin,”
“Teka, isip ako, uhm, sa memorial na lang, bibisitahin ko puntod ng mga magulang ko,” saad ko sa kanya.
“Copy, Boss, handa ko na kotse,” saad ni Nico na tumayo na at naglakad palayo.
Hinigip ko naman ang tasa ng kape na iniwan niya sa akin.
Tangina, ang pait, black coffee pala ‘to. Kasing pait ata ng buhay ko ‘to, tsk tsk!