Chapter 3

1129 Words
RAMIRO’S POV: Nang matapos ako sa pag iimpake ay kaagad kong nilisan ang bahay na iyon. Ang tanging alaala sa akin ng dati kong buhay, ang bahay na iniwan sa akin ng aking mga magulang. Iyon na lang ang pag aaring meron ako ngunit kailangan kong talikuran muna ulit iyon upang mabuhay dahil sigurado akong hindi nila ako titigilan hanggat hindi naibibigay ni Dove sa akin ang mga documents. Bakit ba naman kasi nawalan pa ng ala ala si Dove kung kailan mainit sa organization ang mga dokumentong nasa kanya. Nagkakanda letse letse tuloy kami ngayon tsk! talaga ang babaeng iyon. kabilin-bilinan ko pa naman sa kanya na ingatan ang sarili niya pero kung sabagay, kanya kanya tayo ng pinagdadaanan sa buhay na kahit ang kaibigan kong si Dove ay may masalimuot na kwento din. Sana lang ay gumaling na siya dahil simula pa lang ng isang malaking giyera na paparating. Tinatahak ko ang daan papunta sa bayan gamit ang tungkod ko. Ang nag iisang sandata na kailangan ko upang magpatuloy sa buhay. Sa pagiging bulag ko ay natutunan kong makihalubilo sa mga tao na hindi ko naman dating ginagawa. The people in my town know me as the good blind man ngunit walang nakakaalam kung gaanong trahedya ang nangyari sa buhay ko. Natututo akong makipag kapwa tao at humingi ng tulong kapag kailangan ko at natutulungan ko rin naman sila sa mga simpleng bagay na kaya kong gawin. “Ramiro!” bati sa kanya ng isang kakilala. “Hey, Walter,” saad ko sa kanya na ngumiti. “Ingat ka dyan sa daan, gabi na,” saad ni Walter. Siya ang may ari ng isang convenience store na madalas kong binibilhan ng mga gamit ko. “Yeah, you too, ingat!” saad ko sa kanya at saka nagpatuloy na sa paglalakad sa streetwalk nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinapa-kapa ko iyon sa aking bulsa at saka kinuha, sinagot ko ang tawag at inilagay sa tainga ko. “Hello? Sino ‘to?” “Ramiro, si Clemente ‘to,” “Oh, Aarav, Anong atin?” “Nasaan ka ngayon? May trabaho ako para sayo,” “Sakto yan, libre ako ngayon,” “Sige, ipapasundo kita,” “Hindi na, ako na pupunta sayo,” “Di nga? kaya mo ba?” “Bulag lang ako, hindi ako baldado, Ulupong!” Narinig ko ang pagtawa ni Aarav sa kabilang linya. Sira ulo ‘tong ulupong na ‘to. Akala niya ata hindi na ako makakagalaw porket bulag ako. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang hawak ang tungkod ko. Mas malakas ang pandama ko ngayon dahil nasa labas ako. Gabi na at mahamog na ngunit may mga naririnig pa akong mga bus at taxi na pumapasada. Pumara ako ng taxi at saka sumakay. Malapit lang naman ang bahay ng Clemente na iyon kung kaya’t hindi naman siya mahirap puntahan. May ari siya ng isa sa pinaka malawak na shopping center sa bansa. “Uhm, manong, sa Shopping Center po,” saad ko ngunit hindi nagsalita ang driver bagkus ay umandar na ito, inobserbahan ko ang paligid. Nakaamoy ako ng pabangong pambabae, mukhang may katabi akong babae sa taxi. “Ms. Fortez, are you alright?” tanong ng driver. “Yes, I’m alright, don’t worry,” saad ng babae. Damn it. May katabi nga akong babae at mukhang mayaman pa ito at sopistikada. “Uhm, Manong, sorry ah, pero… hindi kasi taxi ‘tong nasakyan mo,” saad ng babaeng katabi ko. Mababakas sa kanya ang pagka lango sa alak dahil sa tono ng pananalita niya at amoy ng hininga niya. Naghalo ang alak at ang pambabaeng pabango niya. “I’m sorry, bababa na lang ako,” saad ko. “No, no, no, wait, it’s okay, I can give you a ride, you we’re in a limo right now and… you have a very pretty woman here beside you,” saad ng babae na may halo ng pang aakit, sa tingin ko ay lasing na nga talaga ang babaeng ito. Napaatras ako sa aking kinauupuan ng bigla niya akong tinabihan at isinandal ang kamay niya sa balikat ko. “This is very interesting Sir, I’m curious, why does an attractive blind man like you go to a shopping center late at night? sarado na iyon,” saad nito na tila ineexamine ang mukha ko dahil hinahaplos niya na ang pisngi ko pati na rin ang balbas ko. “Uhm, I live there,” saad ko. “Oh, okay, uuwi ka na pala, kuya Driver, sa shopping center daw ah,” saad niya sa driver niya. “Sige po, Ma’am,” “You mentioned you’re pretty,” saad ko sa kanya at ngumiti. “Yes, my name is Eleizha Fortez, I’m the one and only daughter of Don Octavio Fortez,” pakilala niya. “Yeah, I know your father, he’s good at business,” saad ko. “Oh, you must be very clever, what’s your name?” tanong niya. “Ramiro, Ramiro Castillejo,” “Alam mo sayang, gwapo ka sana, kaso bulag ka,” saad niya, napa smirk naman ako. Siguro iyon na lamang ang lamang ko sa iba, ang pagiging magandang lalaki ko. “Ms. Fortez, I think you should take care of yourself at sa susunod, wag kang magpapakalasing, lalo na’t madaming gago at sira ulo sa kung saan, baka mapano ka pa, remember, ikaw lang ang nag iisang tagapagmana ng tatay mo,” payo ko sa kanya. “Thank you, noted on that, Mr. Castillejo,” saad niya na nilubayan na ako. Maya maya ay huminto na ang sasakyan, ibig sabihin ay nasa Shopping Center na kami. “Thanks for the ride, Ms. Fortez,” “Just Eleizha,” “Eleizha, you have a very pretty name,” “You’re welcome, Romano, I mean Ramiro, I’m sorry, I’m not good with names,” saad niya na napahalakhak ng mahina. Nakipag kamay siya sa akin, napakalambot ng kamay niya at napaka init non. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan. Ngayon lang ako ulit nakahawak ng kamay ng babae. Tangina, ganon na ba ako katigang? dahil simula ng nabulag ako ay wala ng babaeng gustong magpa-kama sa akin? but this woman is different. I’m sensing a kind heart. “Goodnight,” saad ko na ngumiti at binitiwan na ang kamay niya dahil baka hindi lang shake hands ang magawa ko. “Goodnight,” saad niya at narinig ko na ang muling pag andar ng sasakyan. Damn it, hindi siya nagsisinungaling. Nakasakay nga siya sa limousine. Sinimulan ko ng pumasok sa tahimik na shopping center. May mga apartment at Condo Unit kasi sa tapat non na pagmamay ari din ni Aarav. Now that I’m here, Aarav, ano na naman kayang ipapa trabaho mo sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD