Chapter 2

1131 Words
Ramiro’s POV: Nang magising ako ay naramdaman kong nakagapos na ang mga kamay ko at may mga katabi ako sa sasakyan na siyang gumigitgit sa akin na marahil ay mga tauhan din ng organization. “Baka gusto ninyong tanggalin ito?! hindi naman ako tatakas eh!” singhal ko dahil napakahigpit na talaga ng pagkakatali at nasasaktan na ang mga kamay ko. “Ganyan ka lang, saka ka namin kakalagan kapag nakausap na natin si Lieutenant Mantala,” saad ni Tyrone na sa tingin ko ay nasa driver’s seat at nagmamaneho. “Ang tungkod ko dinala niyo ba?!” tanong ko dahil hindi ako makakalakad ng wala iyon. “Oh, ayan ang tungkod mo, pati na ang eyeglass mo, baka sabihin mo wala kaming konsiderasyon at masyado kaming malupit sayo eh,” saad ni Iñigo na isinuot sa akin ang Rayban ko at ipinahawak sa akin ang tungkod ko. “Dove, papunta na kami… kahit anong mangyari, wag mong ibibigay sa amin ang mga documents at files, malakas ang kutob ko na pag napunta sa kanila iyon ay may masamang mangyayari,” saad ko sa isip habang nararamdaman ko ang pag andar ng kotse. Kilalang kilala ko si Laila at alam kong hindi niya iyon ibibigay sa akin kahit pa lumuha pa ako ng dugo sa harap niya. Nang makarating kami sa bahay ni Dove ay kinalagan na nila ako at dahil wala na akong magawa dahil papatayin nila ako kapag pumalag pa ako ay kinausap ko na si Dove ngunit nagulat ako sa nabalitaan ko, napag alaman kong nagka amnesia pala siya kung kaya’t hindi niya matandaan ang mga files at documents na hinihingi ko. That’s good, in that way, maantala pa ang lahat ng mga planong binubuo ng organization. Sinabi ko na lamang na babalikan ko siya pati ang sira ulo niyang asawa na si Ross na tinaboy kami. Humanda talaga siya kapag bumalik ang alaala ni Dove, hays kawawa. “Oh, paano ba yan? wala daw kay Lieutenant Mantala ang mga documents, pwede bang pakawalan niyo na ako?!” singhal ko sa kanila dahil tinutulak tulak na ako ulit ng kung sinong hindi ko naman kilala na bumalik na sa kotse. “Not so fast, Ramiro, ang sabi mo kay Lieutenant Mantala ay babalikan mo siya kung kaya’t kailangan natin siyang balikan sa mga susunod na araw,” saad ni Inigo. “Oo nga, wag niyo sabihing wala kayong balak pakawalan ako habang hindi pa bumabalik ang ala ala ni Dove, maawa na kayo sa bulag,” saad ko sa kanila. “Still, you need to be under surveillance,” saad naman ni Tyrone. “f**k you, all,” saad ko na walang nagawa kundi bumalik sa kotse. Pagpasok ko ay pinag aralan kong mabuti ang bawat galaw nila. Ilang sandali ay umandar na ang kotse, ang isa kong katabi ay medyo malaki ang pangangatawan habang ang isa ay sakto lang, sa tantiya ko ay lima lamang kami sa kotse. Kailangan kong makatakas dito, wala akong balak tulungan sila. Sapat na ang pag terminate sa akin sa organization, hindi ko na hahayaang manganib pa lalo ang buhay ko sa kanila. Maya maya ay biglang kumalabog ng malakas ang kotse at nawala sa manibela si Tyrone. “Uy, ano iyon?” tanong ni Inigo na sinuri na ang paligid habang ako ay prente lang na nakaupo at walang ka imik imik. “Wala, magmaneho ka lang,” saad ni Inigo at sinunod naman iyon ni Tyrone, sa tingin ko ay papasok na kami sa isang tunnel na dinaanan namin kanina kung kaya’t kailangan ng bilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Tanga talaga kahit kailan ang mga taong ito tsk tsk! napapangisi na lang ako dahil hindi nila alam ang ginawa ko. “Hoy bulag! anong nginingisi ngisi mo dyan?!” tanong ng katabi ko na hindi ko naman kilala kung sinong poncho pilato ba yan, siguro ay mga bagong pasok ang mga ‘to ng organization kung kaya’t hindi ko makilala ang boses. “Wala kang pakialam!” singhal ko pa na nang aasar ngunit maya maya ay bigla kong narinig ang isa sa mga katabi ko. “Boss, boss, boss! flat ang gulong! babangga tayo!” singhal nito at iyon na ang hudyat upang tumakas ako, binigwasan ko ang katabi ko na kanina pa ay gusto ko ng bangasan ang pagmumukha habang ang katabi ko naman ay pinagpapalo ko ng tungkod ko. Naramdaman ko naman na sinakal ako ni Inigo ng necktie sa leeg at balak na akong patayin sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya habang si Tyrone naman ay pilit na iniiwasang wag kaming mabangga. “f**k you, Castillejo!” singhal ni Inigo na nanggigigil sa pagsakal sa akin ngunit swerteng nakawala ako sa kanya at siya naman ang sinakal ko. “f**k you too, Inigo! hindi yo ako mapapatay dahil mauuna kayo sa akin, mga ungas!”” singhal ko, halos masamid samid na siya sa pagsakal ko at nagpupumiglas na siya, ang dalawang katabi ko naman ay knock out na dahil sa lakas ng pagkakabigwas at pagpalo ko ng tungkod kanina kung kaya’t binitiwan ko na si Inigo at saka kinuha ang tungkod ko at nagmadaling binuksan ang pinto ng kotse, inihulog ko sa kotse ang isa kong katabi at saka ko sinunod ang sarili ko upang makalabas na ako ng kotse ngunit nagulat ako ng bigla kong marinig na sumalpok ang kotse sa tunnel at gumawa ng pagsabog. Muntik na ako doon, buti nakalabas ako kaagad dahil kung hindi ay aksidente din ang abot ko. Kinapa kapa ko ang tungkod ko at nilisan na ang lugar.Wala na akong pakialam pa sa kanila. Kailangan kong makatakas. Nang gabing iyon ay bumalik ako sa bahay ko, bagama’t mahirap ay nasanay na ako, kung dati ay nagmamaneho ako ng sarili kong kotse noong nakakakita pa ako, ngayon ay nagco commute na lang ako pauwi dahil kailangan ko na ng tulong sa mga direksyon upang makauwi ako. Mabilis akong nag empake ang pinagkukuha ang mga gamit ko, habang nag iimpake naman ako ay biglang nag ring ang cellphone ko kung kaya’t kinapa kapa ko iyon at mabilis na sinagot ng maabot ko iyon. “Hello?” “Hello, sino ‘to?” “Tss, nabulag ka lang hindi mo na ako kilala? Jenny ‘to,” “Oh, Jenny, anong atin? at saka… anong nangyari kay Dove? bakit wala siyang maalala?” “Alam mo, nagtataka talaga ako, hindi ko alam kung bulag ka lang ba o baka bingi ka na rin ata,” “Tigilan mo ako,” “Don’t worry, Ramiro, Ibabalik ko si Dove sa dati, kalma ka lang,” “Sige, sabi mo eh, may tiwala naman ako sayo, Lieutenant Rivas,” Iyon lang at namatay na ang tawag kung kaya’t binilisan ko ng mag impake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD