VLADIMIR’S POV "Rhi!" tawag ko. Tumayo ako para puntahan siya. Nakarinig ako kasi kanina ng kalabog ngunit hindi ko iyon pinansin. Nang malapit na ako sa tapat ng aircon ay naramdaman kong may nakahiga sa sahig. Bigla akong kinabahan dahil nakahiga si Rhi. Kinapa ko ang kanyang pulso. "She's breathing." Marahan kong ginalaw ang kanyang balikat. "Rhi! Wake up!" Ilang ulit ko siyang kinalabit hanggang sa magising siya. "Master, nasaan na ang mga planeta, stars at meteor?" Umangat ang kanang kilay ko. "What the hell are you talking about? Nanaginip ka ba? Natutulog ka ba habang nasa trabaho?" "Hays! Akala ko naman totoo na ang lahat ng nangyari. Nahimatay pala ako ng bumagsak ako. Hindi n'yo ba ako sinalo?" "Bakit naman kita sasaluhin?" Lumayo ako sa kanya. "Tapusin mo ang trabaho mo