CHAPTER 9

2090 Words
DAHAN-DAHAN kong inalis ang kamay ni Master sa bewang ko dahil baka magising siya sa pagkakatulog. Pinanindigan talaga niya ang matulog sa kuwarto ko. Nang matagumpay akong makaalis sa kama ay bumangon ako para maligo at mag-toothbrush. Kailangan mabango na ako at bagong paligo kapag kaharap si Master, dahil siguradong magagalit siya kapag naamoy niya akong mabaho. Natuto akong gumamit ng mouthwash dahil sa kanya. Kalahating oras kong ginugol ang oras ko sa banyo saka ako lumabas ng banyo. Tulog pa rin si Master kaya lumabas ako ng kuwarto ko para kumain. Hindi ko naman siya puwedeng gisingin kahit alas-siyete na ng umaga. "Good morning!" Matamis akong ngumiti sa mga kasambahay na kapwa ko Pilipino. Kumakain sila ng pandesal habang may kape. Gumawa sila ng pandesal dahil iyon ang gusto nilang almusal. "Rhi, nasaan si Sir Vladimir?" tanong ni Ana. "Tulog pa siya." "Alam mo ba ang nangyari kagabi?" Halos pabulong niyang sabi. "Pinaalis na ako ni Master kaya hindi ko alam kung anong nangyari." "Naku, alam mo bang bigla na lang nagalit si sir Vladimir. Yung mga kaibigan niya at girlfriend pinaalis niya. Tawa kami nang tawa dahil kahit anong sabihin ng girlfriend niya ay hindi pinakinggan ni sir Vladimir. Natakot kami dahil sobrang galit ni sir Vladimir." "Bakit siya nagalit?" "Pina-review ni sir Vladimir ang cctv niya kay butler Dave. Gusto kasi niyang malaman kung bakit tawa nang tawa ang mga kaibigan niya. Nalaman niya ang ginawa sa iyo ng girlfriend niya at mga kaibigan niya kaya nagalit." "Talaga? Ginawa niya iyon para sa akin." Parang gusto kong tumalon sa tuwa sa sinabi nila sa akin. "Ang sabi kasi ni Master Vladimir. Siya lang daw ang may karapatan na pahirapan ka dahil siya ang amo. Ayaw niya raw na pinapangunahan siya, kaya ayun nagalit siya." Napawi ang ngiti. "Akala ko pa naman concern sa akin." "Hayaan mo na ang mahalaga ay ginanti ka ni sir Vladimir. Isa pa, may point naman ang amo natin. Siya lang ang puwedeng mag-utos sa ating lahat dahil siya ang nagpapasahod sa atin, kaya ang sabi ni butler Dave, 'wag daw susundin ang utos nila sa tuwing pupunta sila rito sa bahay lalo na kung hindi alam ni sir Vladimir." "Maraming salamat sa sinabi n'yo sana maging mabait na nga sa akin si Master Vladimir para naman hindi nakaka-stress ang trabaho ko." "Naku, 'yan ang hindi sigurado. Ang dami niyang naging caregiver at personal nurse na sumuko sa kanya. Kung kailangan mo ng pera magtiis ka na lang." Huminga ako ng malalim. "Iyon na nga lang ang gagawin ko." "Kumain ka na ng almusal dahil baka kapag nagising ang alaga mo hindi mo na magawang kumain." Tumango ako bilang tugon sa kanila. Kumain na rin ako ng kanin ay siyempre hindi ko pinalampas ang pandesal. Kapag filipino food ang kinakain ko ay parang nasa Pilipinas na rin ako. "Rhi, pinapatawag ka ni sir Vladimir," wika ni butler Dave. "Gising na pala siya." Naglakad ako papunta sa kuwarto ko pero wala na siya roon kaya pinuntahan ko siya sa kuwarto niya. "Master! M-Master!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang nakasuot lang ng brief at nagpupunas ng katawan niya gamit ang towel. Daig ko pa ang sinilaban sa init ng mukha ko. Mabuti na lang at bulag ang alaga ko. Hindi niya makikita ang pulang-pula ng mukha ko. "Rhi, nandyan ka na ba?" Sabay harap niya sa akin. Bigla kong tinakpan ang mukha ko. "Y-Yes, Master." "Nagugutom na ako, gusto ko ng kumain." "S-Sige, Master kakainin na kita este pakakainin na kita." Natampal ko ang bibig ko sa lumabas sa bibig ko. Bakit kasi humarap siya. Nakabukol yung birdie niyang 5XL. "May sinasabi ka ba?" "Wala, Master, lalabas lang ako." Halos madapa ako sa pagmamadali kong lumabas ng kuwarto niya. Ngayon ko lang nakitang nakasuot ng brief si Master. "Ang kinis ng puwet ni Master, sana all na lang talaga makinis." Kumuha ako ng pagkain niya ay dinala ko sa kuwarto niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakabihis na siya. "Rhi, anong niluto ng cook natin?" "Nagluto po siya ng bacon, hotdog at sunnyside up egg. Nag-bake po sila ng pandesal kaya nagdala na rin ako kasi masarap siyang isawsaw sa kape." "Nang nakakakita pa ako lagi kong nakikita ang mga katulong ko na nag-aalmusal niyan. Yung pancit bihon pinapalaman din nila." "Opo, masarap po talaga 'yon. Noong nasa Pilipinas kami bumibili kami ng sampung pisong pancit bihon tapos pinagkakasya namin iyon lahat." "Hindi ko sinabi na ikuwento mo ang buhay mo. At lalong hindi ako interesado." Sumimangot ako. "Nag-umpisa na naman siya ng pagiging masungit." "Sorry, Master." Sinubuan ko siya ng pagkain, ngunit inagaw niya sa akin ang kutsara. "Huwag mo na akong subuan wala naman buto o tinik ang kinakain ko." Tumango ako at tinuro ko na lang sa kanya kung saan nakalagay ang ulam at kanin maging ang juice. Nagulat ako dahil kumuha siya ng pandesal at sinawsaw niya sa kape. "Hmm… it tastes good." "I told you," sagot ko. "Rhi, sa susunod na linggo ay dito na titira si Lansei." "Bakit naman po?" "Gusto niyang bumawi sa akin kaya gusto niyang alagaan ako." Huminga ako ng malalim. "Mahal na Mahal n'yo talaga ang girlfriend niyong bruha." "Sinabi mo bang Bruha?" Umiling ako. "Wala akong sinabing Bruha," alibi ko. "Habang nandito si Lansei, magiging katulong ka muna sa mansyon. Huwag kang mag-alala dahil kung ano ang sahod mo sa pagiging caregiver ay gano'n pa rin ang sahod mo kahit naiba ang trabaho mo." Lumapad ang ngiti ko. Iyon ang gusto ko dahil hindi na ako mahihirapan. Kapag kasi natapos ko ang trabaho ko ay puwede na akong magpahinga. Hindi katulad kapag alaga ko si Master. Wala nga akong ibang ginagawa pero hindi ka makakilos dahil dapat lagi kang nakabantay sa kanya lalo na kapag gising siya. "Master, may gusto sana akong itanong sa inyo pero sana 'wag kayong magagalit sa akin?" Umangat ang kanang kilay niya. "What?" "Bakit ka na nabulag?" Tumahimik siya at biglang nagbago ang itsura ng mukha niya. "Okay lang po kahit hindi niyo sagutin." Huminga siya ng malalim. "I lost my sight because of a car accident. It's my fault because I drove while drunk." "Tanga! tanga pala kayo e," "What?" Sabay angat niya ng kilay. "Joke lang! Ang mahalaga ay buhay kayo malay n'yo may mag-donate sa inyo ng mata basta 'wag mawalan ng pag-asa." "You're very positive." "Iyon lang ang kaya kong gawin. Ang maging positibo sa lahat ng bagay. Dapat kayo rin Master, lagi kayong positibo at 'wag kayong laging galit." "How can I not be angry you're so stupid." Sumimangot ako. "Okay lang maging tanga maganda naman." Bigla siyang tumahimik at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Akala ko sa naging pag-uusap namin ay magiging mabait na siya sa akin. Hindi pala limang minuto pa lang akong lumabas ng kuwarto niya ay pinatawag na agad niya ako. "Tumatae lang ako," alibi ko. "Linisan mo ang kuwarto ko ngayon." Tumingin ako sa kabuuan ng loob ng kuwarto niya. Wala nama dumi ang kuwarto niya. "Malinis naman po ang kuwarto n'yo." "Basta linisin mo at 'wag kang labas nang labas." "Tumae nga po ako," alibi ko. "Huwag ka ng magpalusot nakikipag-chismisan ka lang." Bakit niya alam? "Opo, maglilinis na ako ng kuwarto." Muli akong lumabas para kumuha ng gagamitin ko sa paglilinis. Hindi ko alam ang trip niya pero gagawin ko na lang ang gusto niya. "Ayusin mo ang paglilinis ng kuwarto ko." "Okay, Master." Talagang balak akong pahirapan ni Master dahil pinatay niya ang aircon at sa kanya lang nakatutok ang dalawang electricfan. Habang nagma-mop ako ay pinagpapawisan ako. "Grabe ang init!" Hinubad ko ang suot kong damit pang itaas at ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng kuwarto niya na bra lang ang suot. Ginagawa ko ito kapag sinasaniban ng topak si Master, at pinapatay ang aircon kapag naglilinis ako. Habang naglilinis ako ng aircon ay bigla aking nadulas. "Ay!" sigaw ko. Inaasahan kong una ang puwet akong babagsak sa sahig o kaya ulo pero pagdilat ko at salo ako ni Master. Tiningnan ko ang kinauupuan niya. Isang metro ang layo ko sa kanya. "Master, nakakakita ba kayo?" muli kong tanong. "What a stupid question?" Binaba niya ako sabay talikod sa akin. "Tapusin mo ang ginagawa mo." Kumunot ang noo ko. Ang bilis naman niya akong nasalo may powers ba siya? "Master!" Huminto siya at humarap sa akin. "What?" "Master, salamat." "Tsk! Sa susunod ay 'wag kang tatanga-tanga!" "Tse! Sungit," bulong ko. Napagod ako sa paglilinis ng kuwarto ng wala ng dumi. Nakahiga ako habang nagpapahinga. Nasa sofa ako samantalang si Master ay nakahiga sa kama at nakikinig ng movie. Ang weird niyang tao dahil bulag na nga siya mahilig pa siya sa movie. Hindi naman niya nakikita pinapakinggan lang naman niya. Kung minamalas pa nga minsan ay ako pa ang tagakuwento sa kanya. Nahihirapan ako dahil english ang pinapanood niya. Nahihirapan akong intindihin kapag ang bilis ang bilis magsalita. "Master, wala ba kayong gustong gawin?" tanong ko. "Maghapon kaming nasa loob ng kuwarto niya. Nauumay na ako sa loob ng kuwarto niya. Ang laki ng Amerika pero ang kuwarto lang niya ang lagi kong nakikita. Nakasimangot siya sa akin habang nakatingin. "Why?" "Ang boring kasi rito sa kuwarto mo." "Okay, let's go out." Tumayo siya at kinuha ang saklay niya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko. "Mamasyal tayo may alam akong lugar na malapit dito," anito. Inalalayan ko siya hanggang makasakay kami ng kotse. Nagpahatid kami sa driver niya at ilang sandali lang ay nasa bahay na kami ni Madam. "Bakit tayo nandito?" takang tanong ko. Ang inaasahan ko ay pupunta kami sa isang parke o kaya sa mall. "Ang sabi mo nauumay ka na sa kuwarto ko kaya nandito tayo para sa bahay ni mommy." Napakamot ako sa ulo. "May saltik talaga," bulong ko. "Vladimir!" tawag ni Madam kay Master. Nakangiti ito na parang ang tagal nilang hindi nagkikita, samantalang kahapon lang naman kami umalis. "Master, ihahatid ko ba kayo sa kuwarto mo?" Umiling siya. "Tatawagin na lang kita." "Okay, Master." Ang bilis ng lakad ko papunta sa maids quarters para makita sila Lala. "Rhi!" tawag nila sa akin. Sinalubong ko sila ng yakap. "I miss you so much!" sabi ko sa kanila. "Oh, bakit nandito kayo ni sir Vladimir?" "Ewan ko ba sa trip ni Master." "Tinapik ako sa balikat ni Lala. "Okay lang 'yan, makakasama ka namin ngayon." "Rhi, kumusta ang mga katulong sa kabilaang bahay?" tanong ng cook. "Mababait naman po sila at mga Pilipino rin sila." "Mga galing din sila rito sa mansyon ni Madam noon." "Kaya pala mababait katulad n'yo." "Sus! Nambola ka pa," wika ni Lala. "Kumain ka at nagluto ako ng palabok," wika ng cook. "Hindi ko tatanggihan 'yan." Habang kumakain ako ay kuwentuhan kaming lahat. Mababait si Madam sa amin. Okay lang magkuwentuhan basta tapos na ang trabaho. Pagkalipas ng isang oras ay pinatawag na ako ni Master Vladimir para pumunta sa kuwarto niya. Kumatok ako ng tatlong beses. Ang sabi kasi niya ay kumatok ako bago pumasok. "Come in!" "Master, babalik na ba tayo sa kabilang bahay?" "Lock the door and close the light." "Po?" "Narinig mo naman ang sinabi ko." Bigla akong kinabahan. Alam kong maganda ang katawan ni Master pero wala akong balak magpa-virgin sa kanya. "M-Master, 'wag po, virgin pa ako." Kumunot ang noo niya. "What the hell are you talking about!" pasigaw niya. Mas lalo akong kinabahan dahil sumigaw siya. "Master… 'wag po." "Lock the door and open the light, stupid!" Pikit mata kong ni-lock ang pinto saka nakahawak ako sa katawan ko nang patayin ko ng ilaw. Pagpatay ko ng ilaw ay bigla naman lumiwag ang kuwarto niya. May mga stars, moon, planets at kung ano-ano pa sa kisame. Para kang nasa universe dahil nakadagdag ang tunog na para may nagbabanggaan meteor. "Master, ito ba ang gusto mong ipakita?" "Of course! What do you think pagnanasahan ko ang katawan mo? Kahit bulag ako hindi kita gusto." Napakamot ako sa ulo. Mali pala ang nasa isip ko. Akala ko talaga ay may gagawin siyang masama sa akin. "Ang ganda!" sabi ko. Nakatingala ako habang nakatingin. "Pina-set ko 'yan ngayon para naman hindi ka ma-boring sa kuwarto ko. Dadalhin ko ang mga 'yan sa bahay ko para kapag boring ka ay bubuksan mo lang 'yan." Matamis akong ngumiti habang nakatingin sa kanya. "Thank you, Master." Hindi ako nakatiis lumapit ako sa kanya para yakapin. May kabaitan pala siyang taglay. Hindi nakakilos si Master kaya tuloy para kaming sumasayaw habang nasa universe. Ang saya lang dahil may kabaitan naman pala siya kahit konti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD