PROLOGUE
"BAKIT ka nakatingin sa akin?" tanong ni Vladimir.
Tumawa ako. "Master, paano mo naman nalaman na nakatingin ako sa iyo hindi mo naman ako nakikita?"
"Hindi kita nakikita pero malakas ang pakiramdam ko at nararamdaman kong nakatingin ka sa akin. May problema ka ba?"
Huminga ako ng malalim. "Wala naman."
"Kanina ko pa naririnig ang buntong-hininga mo."
"Master, anong oras po darating ang girlfriend mo?" malungkot kong tanong sa kanya.
"Tatawag na lang daw siya kung papunta na siya."
"Gano'n po ba? Mahal n'yo po ba ang girlfriend n'yo?"
Tumango siya. "Yes, sobrang mahal ko siya."
Kahit hindi niya ako nakikita ay yumuko ako. May kirot kasi sa puso ko ang sinabi niya. Kung puwede lang sabihin sa kanya ang totoo.
"Rhi, nandiyan ka pa ba?"
Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. "Oo, nandito ako may kinuha lang ako sandali,"alibi ko.
"Akala ko iniwan mo na ako."
"Nandito pa ako hindi kita iiwan." Pabulong ko sa kanya.
"Thank you."
Pilit akong ngumiti."Ubusin n'yo na po itong pagkain n'yo." Muli ko siyang sinubuan ng pagkain.
Kailangan ko siyang pakainin dahil kapag dumating ang girlfriend niya magiging kawawa na naman siya.
"Dadalhin ko lang pinagkainan mo sa kusina." Tumayo ako para ilagay ang plato ngunit hinawakan niya ang braso.
Huminto ako. Kahit nakaharap siya sa akin alam kong hindi niya ako nakikita.
"M-Master, may kailangan po kayo?"
Mamaya ka na umalis samahan mo muna ako rito."
Tumango ako sa kanya pagkatapos ay inilapag ko ang pinagkainan niya sa table. Umupo ako sa tabi niya habang siya ay nakaupo at nakikinig ng musika.
Pinagmamasdan ko siya. Kung hindi siguro naging bulag si Sir. Vladimir siguradong maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Kahit kasi bulag siya ay nagagawa pa rin niyang mag-gym araw-araw, pero siyempre kasama niya ako para alalayan siya. Napadako ang tingin ko sa mahaba niyang pilikmata at mapupulang labi at ang katawan niyang sobrang perpekto. Hindi ako nakatiis dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya hanggang sa dalawang pulgada na lang ang pagitan namin.
Marahil naramdaman niya ang hininga kong dumikit sa balat niya kaya lumingon siya. "Rhi?"
"M-Master…" pabulong ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang dahan-dahan kong inilalapit ang labi ko sa kanya. Halos mabingi naman ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko habang ginagawa ko iyon.
Nagulat ako nang dumikit ang labi ko sa kanya. Niyakap niya ako at siniil ng halik. Hindi ako makakilos dahil hindi ko alam kung paano kikilos. Ang dapat sana ay smack lang ang gagawin ko. Balak kong sabihin niya pinunasan ko lang ang labi niya, pero ngayon ay sakop na niya ang labi ko habang ang dila niya ay gumagalugad sa loob ng bibig ko.
Bahala na bukas.
Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya pagkatapos at tumugon ako sa halik niya. Walang kasing ligaya ang nararamdaman ko ngayon. Kung panaginip ito ay ayoko ng magising.
Nakarinig kami ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwarto niya kaya tinulak ko siya. "Sorry!" Sabay tayo ko at kinuha ko ang pinagkainan niya.
Bumungad sa harapan ko si Linsei ang girlfriend ni Vladimir. Kasama niya ang boyfriend niya at hindi iyon alam ni Vladimir na niloloko siya ng girlfriend niya.
"Bakit ang tagal mong buksan?" Nakataas pa ang kilay niya sa akin.
Yumuko ako. "Pasensiya na po pinapakain ko pa kasi siya."
Napatingin siya sa hawak kong tray na pinagkainan ni Vladimir.
"Lumabas ka na!" Sabay sabunot ng buhok ko palabas ng kuwarto ni Vladimir. Masakit ang sabunot niya pero hindi ako makasigaw dahil mas lalo niya akong sasaktan kapag nalaman ng amo ko na sinasaktan niya ako.
Tinulak niya ako kaya bumagsak din sa sahig ang dala kong tray. Nabasag ang mga babasagin na plato at baso. Nasugat pa ako sa mga bubog.
Dinuro ako ni Linsei habang ang boyfriend niya ay patawa-tawa lang.
"Subukan mong magsumbong? Palalayasin kita!" Sabay sarado niya ng pinto.
Sundo-sunod ang pagpatak ng luha ko habang isa-isa kong pinupulot ang mga basag na gamit.
"Jusko! Anong ginagawa mo!" sigaw ng isang Filipino na katulong. Inalalayan niya ako sa pagtayo. "Huwag mo ng damputin wawalisin na lang yan. Tingnan mo dumudugo ang kamay mo." Hinawakan pa niya ang kamay ko.
"Nadapa kasi ako kaya nabasag," alibi ko.
Huminga siya ng malalim. "Huwag ka ng magsinungaling. Nakita kong dumating ang bruha na girlfriend ni Sir. Vladimir, siya ang may kagagawan niyan."
Tumango ako sabay yuko.
"Hays! Bakit ka nagtitiis sa ginagawa sa iyo ang daming paraan para matigil na 'yan. Magsumbong tayo sa embahada ng Pilipinas. Puwede rin kay Madam o kaya kuhanan mo ng video ang ginagawa sa iyo at ipakalat natin sa social media. Siguradong maraming tutulong sa iyo."
"Ayoko, kawawa si Sir. Vladimir."
"Bakit hindi natin sabihin ang pinaggagawa ng girlfriend niya?"
"Hindi siya maniniwala sa atin. Hindi tayo pakikinggan dahil katulong lang tayo rito."
"Hays! Ewan ko lang sa iyo, pero kapag sa akin nangyari 'yan hindi ko palalampasin 'yan isusumbong ko talaga sila."
Ngumiti ako. "Hayaan n'yo kapag hindi ko na kayang titiisin ang ginagawa nila ay magsusumbong na ako. Bumaba ako ng hagdan para linisin ang sugat ko. Lilinisin ko sana ang mga nakakalat na bubug sa sahig ngunit malinis na ito, marahil ay nilinis na ng kasamahan ko.
"Rhi, pinapatawag ka ni Sir. Vladimir," sabi ng kasama kong katulong nang lumabas ako ng kuwarto katatapos ko lang maligo.
"Bakit daw?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam."
"Sige, pupuntahan ko na lang siya."
Umakyat ako ng hagdan papuntang second floor. Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ay tinakpan ko ang bibig ko upang huwag sumigaw.
Nakita ko ang girlfriend ni Vladimir na nakikipaghalikan sa boyfriend nito sa harap niya. Tumulo ang luha ko sa labis na awa sa amo kong bulag. Hindi niya alam na niloloko siya ng girlfriend niya.
Lumapit ako sa amo. "M-Master, b-bakit?" Hindi ko napigilan ang garalgal kong boses.
Kumunot ang noo niya. "Umiiyak ka ba?"
Umiling ako. "Sinipon ako sa kinain kong spicy noodles. Master, gusto n'yo bang lumabas muna?"
Gusto kong ilayo siya sa girlfriend niyang manloloko.
"I'm with Linsei."
"Tulog po si Ma'am, Linsei, halina na po kayo." Inalalayan ko siyang tumayo para makalabas kami ng kuwarto."
Matalim akong tinitigan ni Ma'am Linsei habang hinahalikan siya sa leeg ng boyfriend niya. Mukhang wala silang pakialam kahit marinig pa sila na umuungol ni Vladimir. Wala silang pakialam kahit magtalik sila sa harap ng amo ko dahil alam nilang hindi nakikita ang kababuyan na ginagawa nila.
Dinala ko siya sa terrace ng malaking bahay niya.
"Ang sarap ng hangin," sabi niya.
Ngumiti ako saka tinitigan ang pencil finetree. Bigla akong lumingon dahil parang may nakatingin sa akin. Nang lumingon ako ay hindi naman siya nakatingin sa akin.
"Bakit mo ako pinalabas ng kuwarto ko?" tanong niya.
Hinawakan ko ang palad niya at marahan ko itong pinisil. "Gusto lang kitang protektahan."
"Protektahan saan?"
S-Sa ipis o baka matumba kapag tatayo ka. 'di ba tulog si Ma'am Linsei?" alibi ko.
"Ay, iyon lang ba? Akala ko kung ano na?"
Huminga ako ng malalim. "Master, sana makakita ka ulit para makita mo kung ano ang totoo sa paligid mo."
"Kapag nakakita ako, gusto ko mukha mo ang una kong makikita."
Tumawa ako. "Baka kapag ako ang una 'yong makita baka pagsisihan n'yo kung bakit pa kayo nakakita."
"Mabait ka naman kahit medyo tanga lang."
Sumimangot ako. "Ang sama mo naman sa akin."
"Rhi…"
"Hmm..bakit Master?"
"Bakit mo ako hinalikan?"
Parang umurong ang dila ko sa naging tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"E-Eh…"
"It's okay, kung hindi mo kayang sagutin. Hindi ko rin kailangan magpaliwag sa iyo kung bakit ako tumugon."
Namula ng mukha ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kong anong unang salita ang sasabihin ko. Naririnig ko rin ang mabilis na t***k ng puso ko.
"Rhi…"
"Yes, Master?"
"Huwag mo akong iiwan."
Kinapa niya braso ko para hawakan ang palad ko at nang mahawakan niya ito pinisil niya ito.
"Hindi mo maipapangako sa inyo dahil kapag natapos na ang kontrata ko ay babalik na ako ng Pilipinas."
"Paano kung sabihin ko sa iyo na mahal kita babalik ka pa rin ba ng Pilipinas?"
Tumingin ako sa kanya. "Ano?" pag-uulit ko.
Humarap siya sa akin saka kinapa ang mukha ko. Nang makapa niya ang labi ko ay humarap siya sa akin. "Mahal kita Rhi.
"Master..
"NURSE. Rhi!" Sabay tapik sa akin sa balikat ng kaibigan ko si Elisa na isang nurse din.
"H-Ha?" Napabalikwas ako ng bangon.
"Tapos ang breaktime kailangan na natin bumalik sa trabaho."
Sunod-sunod ang naging tango ko. "Oo!" Sabay tayo ko. "Tara!"
"Malungkot ba ang panaginip mo?"
"Ha? Hindi naman bakit?" alibi ko.
Naglalakad na kami pabalik sa ward kung saan kami naka-duty.
"May luha kasi sa pisngi mo."
Mabilis kong pinunasan ang luha ko sa pisngi. Hindi ko alam na iiyak ako habang nanaginip.
"Oo, nga pala! Pinapatawag ka pala ni Dra. Hernandez. Puntahan mo siya kapag natapos mong i-check ang mga pasyente n'yo."
Tumango ako. "Thank you."
Dumaan si Elisa sa bathroom ako naman ay dumiretso sa locker room ko. Pagbukas ko ng locker room tumambad sa akin ang litrato ng amo ko na si Vladimir. Tumingin ako sa larawan niya. "Alam mo ba napanaginipan ulit kita. Hays! Lagi ko na lang napanagipan ang huling araw ko sa bahay mo."
Sinarado ako ang locker ko saka sumandal sa dingding. Anim na taon na ang nakalipas mulang sapilitan akong pabalikin sa Pilipinas ng girlfriend niya. Narinig niya ang sinabi ng Sir. Vladimir kaya gumawa siya ng paraan para mawala ako sa paningin niya. Sinadya niyang ilagay ang mga alahas niya sa loob ng bag ko at palabasin na ninakaw ko ang alahas niya pinakulong niya ako ngunit nakalabas din ako agad, pero hindi na ako nakabalik sa amo ko dahil paglabas ko ay dumiretso na ako pabalik ng Pilipinas.
Sobrang nalungkot ako sa nangyari. Nag-aalala ako para kay Vladimir kaya palagi kong ka-chat ang kaibigan kong Filipino na kasambahay doon para malaman ko kung anong kalagayan ni Vladimir. Nang malaman ng girlfriend ni Vladimir na ka-chat ko ang kasambahay nila ay pinagbawalan niya ito at tinakot na pababalikin din sa Pilipinas kung hindi titigil sa pakikipag-chat sa akin. Sa takot ng kaibigan kong ofw ay pinutol niya ang anumang kumunikasyon namin. Naka-block ako sa lahat ng account niya.
Simula noon wala na akong balita sa amo ko. Pinagtuonan ko ng pansin ang ibang bagay. Nag-aral ako sa college at pagkalipas ng apat na taon ay naka-graduate ako sa kursong ko na nursing. Nag-take ako ng nursing board exam para magkaroon ako ng lisensya. Nakapasa naman ako agad. At ngayon nagtatrabaho ako sa malaking private hospital kung saan halos mayayaman at may pera ang mga pasyente namin.
"Sana nakakakita ka na ngayon para hindi ka na niloloko," bulong ko.
Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa locker ay bumalik na ako sa trabaho ko. Isa-isa kong binisita ang mga pasyente na nakatoka sa akin para i-monitor sila pati pagpapalit ng dextrose at paglalagay ng gamot.
Araw-araw iba't-ibang tao ang nakakasalamuha ko at kapag may mga pasyente kami na gumagaling ay masaya ako dahil ibig sabihin ay nagawa ko ng maayos ang trabaho ko at may buhay kaming nailigtas.
"Excuse me, Dra. Hernandez," sabi ko, nang makapasok ako sa loob ng room niya. Katatapos lang niyang kausapin ang huling pasyente niya.
"Ikaw pala, Nurse. Rhi." Sabay ngiti niya.
Umupo ako sa harap niya. "Pinapatawag n'yo raw po ako?"
Tumango siya. "Yeah, nakatanggap kasi ako ng request galing sa magulang ng batang si Arthur Swechival. Yung bata na nagkaroon ng dengue."
Bigla akong kinabahan. Inisip ko kung anong maling ginawa ko sa bata. Si Dra. Hernandez ang Doktor niya at ako ang nurse na nakaduty sa kanya sa umaga."
"Nakalabas na siya ng hospital."
Tumango siya. "Yeah, at magaling at malakas na siya ngayon. Ang sabi ng magulang niya ay bumabalik na rin ang pangangatawan niya."
Nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko ay may mali akong ginawa.
"Akala mo may kasalanan ako sa kanya. Kinabahan talaga ako."
Tumawa si Dra. "Dahil nagustuhan nila ang trabaho mo kaya ni-request ka nila na um-attend ng 7th birthday ni Arthur."
"Magbi-birthday na pala siya."
"Yes, at tayong dalawa ang invited sa birthday ni Arthur sa friday na iyon, kaya sa friday pagkatapos ng duty mo ay susunduin kito rito para sabay na tayong pumunta sa party."
Ilang beses akong umiling. "Nakakahiya naman po, ibigay n'yo na lang po ang address sasakay na lang ako ng taxi."
"Huwag na sumabay ka na lang sa akin."
Umiling ako. "Naku! Doktora, baka hindi ako sumama kung susunduin n'yo pa ako. Lalo na kung ibang hospital po kayo manggagaling. Ibigay n'yo na lang po sa akin ang address."
"Sige, ikaw ang bahala basta sumama ka. Wala akong makakausap kung hindi ka sasama," biro niya.
Ngumiti ako. "Opo, sasama ako, baka po maging reliever ako kapag hindi ko sumunod."
Tumawa si Doktora. "Mabuti naman at alam mo."
SUMAPIT ang araw ng biyernes may duty ako hanggang alas-dos ng tanghali kaya nang matapos ang duty ko ay umuwi ako para magpalit ng damit. Ang sabi ni Doktora ay magsuot ako ng dress. Mabuti na lang ay may nabili akong kulay apple green na dress. Hanggang tuhod ang haba nito at bakat ang hubog ng aking katawan. Off shoulder ito kaya mas bumagay sa akin nang isinuot ko ang kuwintas na binili ko pa noong ofw ako. Tinernuhan ko ng kulay appre green na stilettos.
"Okay na siguro ito?" kausap ko sa sarili habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin.
Naglagay lang ako ng liptick, foundation, at blush sa mukha at pabango sa suot kong damit.
"Saan ang punta mo?" tanong sa akin ng ka-boardmate ko.
Sa Manila kasi ako nakahanap ng trabaho kaya iniwan ko ang pamilya ko sa probinsya para matulungan sila.
"Pupunta ako sa party ng dati naming pasyente 7th birthday niya ngayon."
"Okay, ingat ka!"
"Salamat."
Hinatid pa niya ako hanggang sa makasakay ako ng taxi. Nakita ko sa waze application na kalahating oras ang magiging biyahe bago makarating sa lugar. Kaya para hindi ako mainip ay nakipag-usap ako sa taxi driver hanggang sa hindi ko namalayan ay nasa harap na kami ng malaking gate.
"Nandito na po tayo." sabi ng taxi driver.
"Thank you po," sabay abot ko ng bayad.
Pinindot ko ang doorbell para marinig ng tao sa loob. Agad naman lumabas ang isang katulong.
"Good evening, ako po si Nurse. Rhi. Invited po ako sa 7th birthday ni Arthur."
May tiningnan siya sa cellphone niya saka tumingin sa akin. "Okay, pasok na po kayo." Binuksan niya ang gate para makapasok ako.
Hinatid niya ako hanggang sa makarating kami ng venue. Ang venue ng party ay nasa likod ng malaking bahay nila. Kinabahan ako nang makita ko ang mga bisita. Sa itsura ng mga bisita ay mukhang hindi naman bata ang may birthday.
"Nurse Rhi!"
Lumingon ako at nakita ko si Arthur. Tumakbo siya palapit sa akin.
"Happy birthday!" sabi ko.
"Po? Tapos na po ang birthday ko."
"Hu? Pero sabi ni Doktora birthday mo?"
"Hindi ko po birthday." Sabay hila niya sa akin.
"Teka! Saan tayo pupunta?"
"Ipapakilala ko po kayo sa magulang ko."
Hindi siya sumagot sa akin hanggang sa huminto kami isang isang table.
"Mommy! Daddy!" Ito pa ang kinukuwento ko pa sa inyo na mabait at magandang nurse ko. Si Nurse. Rhi."
Napilitan akong ngumiti sa kanila. "Hello! Akala ko po Mommy ni Arthur ang nagbabantay sa kanya sa hospital noon."" tipid kong sagot.
Ngumiti siya. "Sister ko ang nagbabantay, hindi kasi ako nakabalik agad ng Pilipinas nang magkasakit ang anak ko."
Tumango ako. "Ganun po ba?"
"Mabuti naman at nakarating ka."
"Oo, nga—
"Ofcourse, matitiis ko ba ang baby ko."
Lumingon ako sa nagsalita.
Gayon na lang ang gulat ko nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko.
Master, Vladimir!
Halos magkulay suka ang balat ko sa pagkagulat nang makita ko si Vladimir na nakakakita na.
"Are you okay, Miss?" tanong niya sa akin
"Ha?" Bigla akong umiwas ng tingin
"You look pale."
"I-I'm sorry." Nanginginig ang kamay kong kumuha ng wine at i-straight ko itong inumin.
"Nurse siya ni Arthur," sabi ng Mommy ni Arthur.
Tumabi siya tabing upuan ko. Amoy na amoy ko ang langing ginagamit niyang pabango.
"Thank you for taking care of my baby."
Baby? Siya ba ang Daddy ni Arthur?
Pilt akong ngumit. "W-Walang anuman M-Mas— Sir." Yumuko ako.
Hindi ko alam kung paano kikilos habang katabi ko siya.
Bakit ka ba natataranta? Hindi ka naman niya kilala. Hindi ka niya makilala dahil bulag siya noon.
"You know? your voice and your name are familiar to me."
"B-Baka kaboses ko lang po 'yon."
Alam kong nakatigtig siya sa akin kaya hindi ako makalingon sa kanya.
"Vlad, isayaw mo naman si Nurse. Rhi," sabi ng isang babae na kaibigan nila.
In-straight niyang ininom ang alak niya at saka tumayo sa harap ko at inilahad ang kamay niya. "Can I dance with you?"
Slow motion akong tumingala sa kanya.
Bagay sa kanya ang mga mata niya ngayon. Master, masaya ako sa iyo dahil nakakita ka na.