"Master Vladimir, puwede ba akong humingi ng picture mo?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng tanghalian. Wala ang girlfriend niya ngayon marahil ay kasama nito ang boyfriend niya kaya ako ang kasama ni Master ngayon. Huminto siya sa pagkain. "Anong gagawin mo sa picture ko?" Ngumiti ako. "Nilagyan kong tubig ang bulaklak na binigay mo sa akin kagabi para hindi malanta. Gusto ko sanang idikit ang picture mo katabi ng bulaklak, para sa tuwing makikita ko ang bulaklak ikaw ang maalala ko." "Tsk! Baka may gusto ka na sa akin." "Wow! Master, konting hiya naman sa akin. Hindi ako magkakagusto sa inyo over my sexy body." Parang gusto ko niyang akong lamunin ng buhay sa mga tingin niya. Kung nakakakita siguro si Master baka hindi ko siya kayang tingnan. "Ikaw pa ang may ganang magsal