NAGISING sa lakas ng tunog ng nakakaindak na musika. Bumangon ako habang nakahawak sa ulo ko. "Ang sakit ng ulo ko." Tumingin ako sa paligid at nakita kong nasa loob ako ng kuwarto ni Master Vladimir. "Nasaan kaya si Master?" Bumangon ako para pumunta sa kuwarto ko. "Where are you going?" boses iyon ni Master. Humarap ako sa kanya ngunit para lang magulat. "Ay! Kalabaw!" Sabay takip ko ng mukha ko. Nakasuot lang si Master ng brief at basa ang buhok niya. Galing siya sa banyo at katatapos lang niyang maligo. "G-Good morning, Master!" sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa itsura niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Masakit na lang ang ulo pero okay na ako." "Okay, bumalik ka na sa kuwarto at pagkatapos dalhan mo ako ng pagkain." Tumango ako. "Yes, Master!" "Rhi, s