VLADIMIR'S POV "Master, hindi ba kayo nakakaramdam ng boring dito sa loob ng kuwarto mo?" tanong sa akin ni Rhi. "Bakit mo tinanong? Naiinip ka na ba?" "Oo, nakakaboring na dito sa kuwarto mo. Hays! Mabuti na lang at day off ko na talaga bukas." Umangat ang kanang kilay ko. "Mamasyal ka kahit ikaw lang mag-isa?" "Oo, may gusto akong puntahan lugar. Hindi naman siguro ako mawawala." Nakaramdam ako ng inis. Nagpanggap pa naman akong may sakit ngayon para hindi siya sumama kay Lala. Nalaman ko kasing may pupuntahan silang dalawa kaya para hindi siya makasama ay nagdahilan akong may sakit. "Kapag nawala ka hindi ka namin hahanapin." "Grabe ka naman, Master!" "Ang tigas kasi ng ulo mo. Sinabi ko sa iyo na sasamahan na lang kita." Hindi ko napigilan sabihin sa kanya iyon. Nag-aalala t