"Saan parte na ba ako ng America?" Patingin-tingin ako sa paligid. Maghapon akong namasyal sa malaking Mall na pinagdalhan sa akin ng driver na sinakyan ko, ngunit nang pauwi na ako sa bahay ni Master ay sa ibang lugar ako binaba. Para akong nasa subdivision habang naglalakad at walang katao-tao na dumadaan. Kaya naman naglakad pa ako ng kaunti baka sakaling makita ko ang bahay ni Master. "Nasaan na ako?" Nagsimula na akong kabahan. May nakita akong mga tao na naglalakad kaya sinundan ko sila. "Hi!" bati ko sa babae na kasabay ko. "Hello, are you also going to the wedding party? We've been late since Lala and Robert's wedding party started." "Lala got married." "Yes, let's go!" "Wait!" "Let's hurry." Hinila ng babae ang kamay ko. Itatanong ko lang sana sa kanya kung alam niya an