VLADIMIR'S POV "VLAD!" tawag sa akin ni Elaine. Lumapit ako sa kanya. "Bakit nandito ka? Wala ba kayong honeymoon?" biro ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon gabi dahil ang akala ko ay nasa honeymoon sila ngayon. "Bukas pa ang alis namin papuntang Hawaii para sa honeymoon." Tumango ako. "Congrats sa inyo." Ngumiti sa akin si Elaine. "Ikaw, kailan kayo magpapakasal ni Rhi." Umangat ang kanang kilay ko. "Nagkamali ka yata ng babae na sinabi? Kilala mo naman kung sino ang girlfriend ko." "Si Lansei ang girlfriend mo pero mukhang si Rhi ang gusto mong pakasalan tama ba ako?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Wala akong panahon para makipagbiruan sa iyo." "Kaya ba sinabi mo kay Rhi na dapat siya ang makasalo ng bulaklak na ihahagis ko, dahil sa iyo ibinigay ng as