"Rhi!" Nagtitili si Nanay at ang mga kapatid ko nang makita ako. Niyakap ako ng mahigpit at bakas sa mukha nila ang labis na tuwa. "Nay, Tay!" Sabay yakap ko ng mahigpit sa kanila. "Ate, gumanda ka sa ibang bansa bigla kang pumuti," sabi ng kapatid ko. "Matagal na akong maganda." Pinagmasdan ko ang bahay namin. "Ang ganda ng bahay natin hindi na tayo mahihirapan kahit magkaroon ng bagyo dahil matibay na." "Lahat ng pinapadala mo ay pinagagawa namin ng bahay. Wala pa nga lang gamit dahil inuna talaga namin ipaayos ang bahay," wika ni Nanay. "Siya ba ang driver ng amo mo?" tanong ni Tatay. Bigla kong naalala si Master Vladimir. "Opo, siya po si Rigor." Nilapitan ko si Master Vladimir. "Ate ang guwapo naman ng driver ng amo," sagot ng kapatid ko. Rigor, pasok ka," sabi ni Tatay. Bi