Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na kami ni Master para mag-asikaso dahil maagang pupunta ng makeup artist para ayusan ang mga abay. Bitbit ko ang itim na tuxedo ni Master habang inalalayan ko siyang bumaba ng hagdan. Nasa first floor kasi ang mag-aayos sa kanya. "Rhi, bakit hindi ka magpa-ayos din?" tanong ng tita ni Master Vladimir. Kasalukuyan siyang inaayusan Umiling ako. "Hindi na po kailangan si Master na lang po." "Sige na, magpalagay ka na rin ng makeup para mas lalo kang gumanda." Tumingin ako kay Master Vladimir. "Master, okay lang ba sa iyo?" Sumimangot siya. "Ikaw ang bahala para magmukha ka naman tao." "Sungit!" Sabay irap ko. "Sige po, magpapaayos na rin po ako para bumagay naman sa suot kong damit. Nakasuot ako ng magandang damit at sandals kaya dapat lang na mag