"ANAK, maraming salamat sa pinadala mong pera sobrang laki ng pera mo kaya nabayaran na rin namin ang mga utang sa tindahan at school contribution ng mga kapatid mo. Nakabili na rin kami ng grocery at isang sako na bigas," wika ni Nanay
"Maraming salamat, Ate."
Nakangiti sila habang nakipag-video call sa akin. Ngumiti na rin ako sa kanila. Lahat ng lungkot at pagod ko ay biglang nawala nang makita ko silang masaya.
"Oh, 'wag na kayong maglabada."
Tumango si Nanay. "Mag-iingat ka diyan anak."
"Kayo rin mag-iingat kayo diyan sa susunod kong magpadala ay malaki-laki rin puwede n'yo ng simulan bumili ng materyales para makapagpatayo ng bahay."
"Sige, anak sasabihin ko sa Tatay mo na maghanap ng trabahador."
"Huwag po kayong mag-alala unti-unti kong tutuparin ang pangarap ko para sa inyo. Ingat po kayo diyan babalik na ako sa trabaho ko."
"Sige, anak."
"Bye, Ate!"
Pinutol ko ang video call pagkatapos ay bumangon na ako sa para maligo. Maaga akong gumising ngayon para magpasalamat na rin sa pera na binigay sa akin ni Master. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makakabayad ng utang. Higit pa roon nakapagtabi rin ako ng sampung libo para may ilabas ako kapag nanghingi sila.
"Oh, bakit maaga ka yata na nagising ngayon?" takang tanong ng cook.
"Tumawag kasi ang Nanay ko tuwang-tuwa sa pinadala kong pera."
"Sabihin mo sa Pamilya mo huwag ubos-ubos biyaya."
Kumuha ako ng kape at nagtimpla ako saka umupo sa harap ng lamesa. Alas-singko pa lang kasi ng umaga.
"Alam naman nila Nanay 'yon. Sa susunod ko ngang padala ay magpapagawa na kami ng bahay."
"Kung maayos pa naman ang bahay n'yo 'wag n'yo munang pagawa."
"Naku! Manang! Isang malakas na bagyo na lang ang dumaan sa bahay namin madadala ang bahay namin. Hindi naman nakasemento ang bahay namin. Kahoy lang at sira-sira na talaga. Tinatakpan lang siya ng mga tarpaulin."
"Gano'n ba? Mukhang kailangan mo na talagang ipaayos.
"Kaya nga po ipapaayos ko ang bahay namin."
"Kaya mo 'yan dahil sa susunod na buwan ay sahod ng caregiver ang suweldo mo."
Tumango ako. "Excited na nga po ako."
Inilapag ng cook ang tray na may lamang pagkain."
"Dalhin mo ang mga 'yan kay Sir."
"Gising na po si Master?"
Tumango siya. "Maaga siyang pumunta ng gym para mag-exercise."
Nagsalubong ako ng kilay. "Kailan pa nakapag-exercise ang bulag?
"Rhi, bulag lang siya at hindi lumpo. Kaya pa rin niyang tumakbo, ibanat ang katawan at kaya niyang magbuhat ng barbel."
"Paano niya mabubuhat 'yon?"
"Hindi ko alam puntahan mo na lang siya nasa fourth floor ang gym room niya."
"Okay, sige pupuntahan ko na lang siya." Binitbit ko ang pagkain na hinanda ng cook namin pagpunta ko sa gym. Nang nasa tapat na ako ng pinto at hindi na ako kumatok dahil nakabukas naman ito.
"Good Morning, Master!" sigaw ko pero hindi niya ako narinig dahil sa lakas ng music. Dahan-dahan kong ibinaba ang pagkain sa tray at naglakad ako palapit sa kanya. Nakita ko siyang nag-treadmill habang walang suot na pang-itaas. Nakasuot lang siya ng boxer shorts. Bakat na bakat ang double extra large niyang alaga.
OMG!
Tinakpan ko ang kamay ko upang huwag akong sumigaw dahil baka magalit siya sa akin. Huminto ang mundo ko nang bigla siyang tumingin sa akin. Kung hindi lang kulay puti ang mga mata niya ay baka maniwala akong nakakakita siya.
"Is there anyone here!" sigaw niya.
Patay na!
Huminto siya at bumaba sa treadmill niya saka kinapa ang tungkod niya. Ginagamit niya ito kapag mag-isa lang siya. Pinigil ko ang hininga ko nang lumapit siya sa akin at nakatingin.
"I feel like I’m not alone here."
Nang pumihit siya sa kanan ay umatras ako saka huminga samantalang si Master ay muling pinagpatuloy ang pagtakbo. Pinagmasdan ko siya habang tumaktakbo sa treadmill.
"Good Morning! Master!" sigaw ko para marinig niya ako.
"What's good in the morning?" Sabay simangot niya.
"Huwag kayong sisimangot sa umaga dapat laging kayong masaya."
Huminto siya sa pagtakbo at lumapit sa akin. "Kanina ka pa ba rito?"
Umiling ako. "Hindi po, kadarating ko lang. Master, salamat pala sa binigay mo sa akin na prize nakabayad na ng utang ang magulang ko."
Kinapa niya ang dinadaanan niya hanggang sa umupo siya kung saan maraming barbel na iba't-iba ang bigat.
"Hindi ko 'yon binigay sa iyo sapilitan mong hiningi sa akin." Nagbuhat siya ng barbell habang ako ay nakaalalay sa kanya.
"Prize kasi iyon Master kaya kailangan ko kunin sa inyo."
"Stop talking."
"Sungit naman," bulong ko.
Inalalayan ko siya sa pagbubuhat niya dahil baka bumagsak sa kanya. Gayumpaman ay kinaya niya ito. Napabilib talaga ako sa amo ko dahil kahit may kapansanan siya ay kaya pa rin niyang gawin ang ginagawa ng normal. Nang nakita ko siyang nagpupunas ng pawis ay naglakad ako para kunin ang pagkain na dala ko.
"Rhi!" sigaw niya.
Binaba ko ang dala kong tray. "Yes, Master?"
"Rhi, lumapit ka sa akin at tulungan mo akong punasan ang pawis ko."
Humarap ako sa kanya. "Hindi po ako si Rhi. Isa po akong diwata." Sinadya pa kong ipitin ang boses ko.
"Stop playing with me. Lumapit ka at tulungan mo akong punasan ang pawis ko.
"Hindi po ako si Rhi, isa akong diwata."
"Walang diwata na amoy utot."
Abah! Gago!
Humarap ako sa kanya. "Ang sakit n'yo naman magsalita. Hindi naman ako amoy utot."
"Amoy utot ka at 'yon ang totoo."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi naman amoy utot ang perfume ko."
"Psh! Ang baho ng perfume mo amoy utot. Hindi bagay sa iyo ang perfume na 'yan masyadong matapang."
"150 pesos lang 'yon."
"Whatever! Punasan mo ang pawis ko sa likod ko."
Grr! Buwiset!
Inambahan ko siya ng suntok at sipa. Nag-f**k you hand sign pa ako sa kanya. Pinagsusuntok ko siya sa hangin na parang akong boksingero. Hindi naman niya makikita ang ginagawa ko dahil bulag siya.
"Anong ginagawa mo bakit ang tagal mo?"
"A-Ah! Ito na Master!" Lumapit ako sa kanya at kinuha ang towel niya at pinunasan ko ang katawan niya. Habang ginagawa ko iyon ay naamoy ko ang mabango niyang hininga at kahit pawis niya ay mabango pa rin. Hindi ko napigilan tingnan ang alaga niya nang dumako ang towel sa tiyan niya. Kahit tulog kasi ay double extra large size pa rin.
Pilya akong nakatitig sa alaga niya habang pinupunasan ko ang tiyan.
Ano kaya kung sakalin ko 'yan?
Yumuko ako upang kunwari ay kakagatin ko ang malaking upo este talong niya. "Rawr!" Hindi naman malalaman ni Master ang kalokohan ko na ginagawa ko dahil bulag siya.
"Hey! Anong ginagawa mo bakit ka huminto?"
Bigla kong inangat ang mukha ko at mabilis kong pinunasan ang dibdib niya. "M-May pinulot lang ako sa sahig," alibi ko.
"Punasan mo ang likod ko!" pasigaw niya.
Tumango naman ako at pinunasan ko ang likod niya.
"Tapos na kitang punasan."
"Okay, ihanda mo ang pagkain at kakain na ako."
Tumango ako sa kanya at inalalayan ko siyang makaupo sa upuan pagkatapos ay sinubuan ko siya ng pagkain. Ganito ang lagi kong ginagawa araw-araw sinusubuan ko siya ng pagkain pagkatapos ay dadalhin ko siya sa banyo para maligo. Mabuti na nga lang at marunong siyang maligo mag-isa basta ituturo lang sa kanya kung saan nakalagay ang kailangan niya.
"Rhi!"
"Yes! Master!" Nagmadali akong lumapit sa kanya. "Bakit, Master?" tanong ko sa kanya. Nasa may pinto ako ng banyo niya at naghihintay ng utos.
"Come here!"
"D-Diyan po ba sa loob?" Paniniguro ko.
"Yes, lumapit ka sa akin."
"Master, kayo na lang po ang lumapit sa akin."
"Sino ang amo?" sigaw niya.
"Kayo po, Master."
"Sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong ipa-deport!"
Bigla akong nataranta sa sinabi niya. "Yes, Master!" Pumasok ako sa loob ng banyo. Napawi ang takot ko nang bumungad sa akin ang loob ng banyo. Sobrang ganda niya at mas malaki pa siya sa bahay namin sa Pilipinas. Napansin ko ko rin ang hugis planggana na kulay ginto. Marmol din ang dingding at nakaayos ang lahat ng gamit.
"Rhi!" sigaw niya.
"C-Coming! Master!" Kulang na lang ay tumakbo ako palapit sa kanya.
Paglapit ko sa kanya ay parang sinusunog ang mukha ko dahil nakasuot lang siya ng brief. Hindi ko alam kung talagang sinasadya niyang magsuot ng brief para akitin ako.
May gusto yata sa akin si Master. Gusto akong akitin.
Umatras ako sa kanya at napayakap ako sa katawan ko. "M-Master, virgin pa ako!" Nabubulol kong sagot.
Nagsalubong ang kilay niya. "What the hell are you saying?" Inis niyang sabi.
"H-Hindi ko po kaya ang kargada n'yo Sir, extra small po 'yung sa akin. Baka po mawarak po siya. Kawawa naman po ang pamilya ko kung mamatay ako."
Nameywang siya. "Ano ba ang sinasabi mo? Tinawag kita para hiludin mo ang likod ko dahil hindi ko abot."
"Iyon lang ba Master ang kailangan n'yo sa akin?" Nakahinga ako ng malalim sa sinabi niya.
"Psh! Anong feeling mo? Pagsasamantalahan kita? Kahit bulag ako hindi ako pumapatol sa katulong lalo na kung walang dede."
Napahawak ako sa dibdib ko. "Grabe ka na! Ang sakit mo magsalita hindi naman ako flat!" sigaw ko.
Nakakainis palibhasa guwapo at sexy ang katawan kung laitin ako sagad.
"Ang dami mong sinasabi gawin mo na ang inuutos ko sa iyo dahil gusto ko ng matapos maligo."
Nakanguso ako nang kunin ko ang body scrub lotion niya at nilagay ko sa likod niya. Nanggigil ako habang kinukuskos ko ang likod niya.
"Aray! Dahan! Dahan nga!"
"Yes, Master!" mahina kong sabi, pero deep inside gusto ko na siyang bugbugin at sipain sa asar.
"Dito pa sa gilid." Tinuro niya ang parte ng hihilurin ko.
Hmpt! Mayabang!
Inambahan ko pa siya ng suntok sa asar ko. Iyon lang ang kaya kong gawin dahil hindi naman niya makikita ang ginagawa ko.
Nang matapos kong hiludin ang likod niya ay lumabas ako, pero para na rin akong naligo dahi basa na ang damit ko. Sinadya niyang basain ang damit ko. Gusto talaga niyang mainis ako sa kanya.
"Rhi, bakit basa ang suot mong damit?" tanong ni Lala sa akin.
Sumimangot ako. "Ang Vladimir n'yong mahal binasa ako!"
"Bakit ka binasa?"
"Hinilod ko ang likod niya pagkatapos ay binasa niya ako. Nakakainis! Hindi ko talaga siya matatagalan!"
"Sinabi ko naman sa iyo na hindi mo kakayanin si Sir. Vladimir. Ang dami ng sumuko sa kanya."
"Nakakainis! Ang sarap niyang sipain."
"Hinaan mo nga ang boses mo baka may makarinig sa iyo. Tiisin mo na lang siya para sa pamilya mo."
Bigla akong nahimasmasan nang maalala ko ang pamilya. "Ngayon pa lang sila nakakaraos. Hindi ko pa nauumpisahan ang pangarap kong bahay para sa kanila."
"Kaya nga tiisin mo na lang mahirap naman kung babalik kung babalik ka sa pagiging kasambahay. Double ang sahod mo sa pagiging caregiver."
Tumingin ako kay Lala. "Tama ka, hindi ako puwedeng sumuko dahil may pamilya ako sa Pilipinas na umaasa sa akin."
Tumango si Lala. "Laban lang!"
"Lala, pakibantayan mo sandali ang demonyo nating amo magbibihis lang ako ng damit."
"Sige, tatawagin na lang kita kapag hinanap ka niya."
"Salamat."
Bumalik ako sa kuwarto ko at nagbihis ng damit. Nagmadali ako dahil baka bumuga na naman siya ng apoy kapag tumagal ako.
Paglabas ko ng kuwarto ay palapit naman sa akin si Lala.
"Bilisan mo nagagalit na si Sir. Vladimir."
Kulang na lang ay takbuhin ko ang papunta sa kanya sa pagmamadali.
"Rhi!" sigaw niya.
"Yes, Master!" sabay yuko sa harap niya.
"Nakabihis na siya ng damit at nakaupo siya sa wheelchair.
"Bakit ang tagal mo!"
"Nagpalit ako ng damit kasi nabasa ang damit ko nang hiludin ko ang katawan n'yo."
"Nagrereklamo ka ba?"
Imbes na umiling ako ay nag-f**k sign ako.
"Deputah!" bulong ko.
Kumunot ang noo niya. "Anong deputah?"
"Bobo pala 'tong amo ko na ito eh, marunong magtagalog hindi alam ang deputah!" bulong ko.
"May sinasabi ka ba?"
"Ang ibig sabihin ng Deputa ay guwapo. Deputah ka is guwapo ka."
"Matagal ko ng alam na Deputah ako simula pa lang ng isinilang ko deputah na ako."
Pigil na pigil ang tawa ko sa sinasabi niya. Huminga ako ng malalim para mapigilan ko ang malakas na tawa. Gusto kong pagtawanan ang pagiging tanga ni Master.
"Master, puwede ko ba kayong tawagin Deputah?"
Nagkibit-balikat siya. "Sure! You call me anytime you want."
Bobo! Masyado kasing sosyal. Naisahan ka tuloy ng matalino.
"Master Deputah, anong gusto n'yong gawin ko?
"Buksan mo ang telebisyon."
"Paano n'yo panooorin, e, bulag kayo?"
"Sinabi ko bang manonood ako? Ikaw ang manood at pakikinggan ko lang. Ikaw naman ang magkukuwento sa akin kung anong nangyayari."
"Master Deputah, bakit hindi na lang kayo makinig ng drama sa radyo mas maiisip n'yo pa ang nangyayari?"
Bakit ka ba nakikialam sa gusto ko? Ikaw ang gusto kong gumawa para may pakinabang ka naman."
"Tse! Buwiset na kupal 'to." Sinabunutan ko ang sarili bago ko binuksan ang telebisyon.
Kalahating oras pa ang lumipas ay dumating ang amo kong babae upang kumustahin si Master Vladimir.
"How are you, Son?"
"I'm not okay, bigyan n'yo ako ng bagong caregiver 'yung matalino."
Kung makikita lang ni Master ang matalim kong tingin sa kanya ay siguradong nagalit na siya.
"Wala na akong mahahanap na bagong caregiver."
"Mom, I have something to ask?"
"Yes, ano iyon?"
"What is the meaning of de—
"Aray!" Hinawakan ko ang tiyan ko upang matuon sa akin ang tingin nila.
"What happened? Tanong ng amo kong babae.
"Masakit ang tiyan ko," alibi ko.
Nagpanggap lang akong masakit ang tiyan dahil alam kong magtatanong si Master sa Mommy niya.
"Sige, umalis ka muna ako ang magbabantay sa anak ko."
Tumango ako. "Thank you, Madam." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Vladimir dahil nagmadali na akong umalis. Hindi ko sinara ang pinto para marinig ko ang sasabihin ni Master. Vladimir.
"Anong tinatanong mo anak kanina?" Narinig kong tanong ni Madam.
"Ano meaning ng Deputah ka?"
Patay! Sinasabi ko na nga ba at iyon ang itatanong niya.
"Pagmumura 'yan sa Pilipinas, puwedeng gago ka or hayop ka."
Dinikit ko ang mukha ko sa dingding. "Nakakainis naman bakit niya tinanong sa Mommy niya?"
Dumiresto na ako sa kuwarto ko. Hindi naman sumasakit ang tiyan ko pero dahil nalaman ni Master Vladimir ang ibig sabihin ng salita na iyon ay parang gusto ko ng tumira sa banyo.
Lagot ka naman! Self sa amo mo.