"Rhi! Rhi!" Naririnig kong sigaw ni Lala habang kumakatok sa pinto ng kuwarto.
Nakatalukbong ako ng kumot at unan upang kunwari ay natutulog ako.
"Rhi! Buksan mo ang pinto!" sigaw ni Lala.
Jusmiyo, anong gagawin ko? Baka kainin ako ng buhay ni Master.
May aircon naman ang kuwarto namin ngunit pinagpapawisan ako sa sobrang takot. Bumukas ang pinto ng kuwarto. Marahil ay gumamit si Lala ng duplicate na susi.
"Rhi, gumising ka na pinapatawag ka ni sir Vladimir,"
Ayoko ko lumapit sa kanya.
"Rhi!" Sabay alis ni Lala ng kumot sa katawan ko.
"Bakit ba?" Sabay ubo ko.
Nagpanggap akong umuubo para isipin niyang may sakit ako.
Nameywang si Lala sa akin at sabay taas ng kilay. "Rhi, kanina masakit lang ang tiyan mo ngayon inuubo ka na. Alam ko na ang ganyan galawan. Tumayo ka na diyan at puntahan mo si sir Vladimir. Ikaw ang caregiver niya kaya kailangan mo siyang puntahan."
Bumangon ako at hinawakan ko ang kamay ni Lala. "Puwede ba ikaw na muna ang mag-alaga sa kanya ngayon?"
Inalis ni Lala. "Bakit ako? Hindi naman ako ang caregiver niya? Ano ba kasi ang ginagawa mo bakit natatakot ka na lumapit sa kanya?"
Huminga ako ng malalim. "Eh, kasi—"
"Pinagsamantalahan mo si sir Vladimir, kaya ayaw mong lumapit sa kanya?"
Inirapan ko siya. "Gaga! Anong palagay mo sa akin." Inis kong sabi
"Eh, bakit ka ba nagtatago sa kanya? Baka pati kami ay pagbuntungan ng galit."
Napakamot ako sa ulo sabay simangot. "Sinabihan ko kasi siyang Master Deputah, nakakaasar na kasi ang ugali niya. Tapos sinabi niya kung anong ibig sabihin ng deputah? Ang sabi ko ang ibig sabihin ng deputah ay guwapo. Malay ko bang tatanungin niya kay madam ang ibig sabihin non."
"Gaga ka talaga! Bakit mo naman kasi sinabi 'yon alam mo naman half filipino ang amo natin."
"Nakakaasar na kasi siya."
"Puntahan mo na at hindi ka naman niya sasaktan dahil bulag 'yon. Ipasok mo na lang sa kabilang tenga ang sasabihin ni sir Vladimir."
Huminga ako ng malalim. "Hays! Ang hirap talagang kumita ng pera."
"Isipin mo ang pamilya mo sa Pilipinas. Nasa ibang bansa tayo kaya wala tayong magagawa kung hindi ang tiisin ang hirap. Mas-swerte pa nga tayo dahil malaki ang sahod natin kumpara sa ibang mga OFW."
"Iyon na nga lang ang iniisip ko ngayon."
"Ayusin mo na ang sarili mo at puntahan mo ang amo natin." Tumalikod siya at tuluyang umalis.
"Oo!" Tumayo ako at nagsuklay ako ng buhok. Pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto ko. Pagdaan ko sa kusina ay naroon sila Lala.
"Aja!" sabi nila sa akin.
Tumango ako at ngumiti pero ang totoo ay sobrang kinabahan ako. Siguradong magagalit sa akin si Master Vladimir sa akin.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ng silid niya at huminga ako ng malalim. "Kaya mo 'yan self." Kumatok ako ng tatlong beses.
"M-Master. Vladimir." Nabubulol kong sabi.
"Come in." Narinig kong sabi niya.
Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ng silid niya. Huminga ako ng malalim nang tumingin ako sa kanya. Kahit wala siyang nakikita ay nakaramdam pa rin ako ng takot.
"M-Master, pinapatawag n'yo raw ako?"
"Lumapit ka sa akin."
Tumango ako at lumapit ako sa kanya. "Bakit, Master?"
Kinabahan ako nang magsalubong ang kilay niya. "Minumura mo pala ako."
Umiling ako. "Hindi po, Master."
"Tinawag mo akong Master Deputah."
"Guwapo naman talaga ang ibig sabihin sa lugar namin. Sa Pilipinas kasi maraming iba't-ibang salita, may Bisaya, Tagalog, Bicolano, Ilocano, Batangeño at iba pa, pero sa amin talaga guwapo ang ibig sabihin ng deputah," palusot ko.
Wala na akong ibang maisip na dahilan para hindi siya magalit sa akin.
"Ginagawa mo ba akong tanga?"
"Oo, Master este hindi po." Sabay yuko ko.
"Stupid!"
Inirapan ko siya at inambahan ko siya ng suntok. Hindi naman niya makikita ang ginagawa ko.
"Bwisit talaga!" bulong ko.
"What did you say?!" sigaw niya.
"Nothing, Master."
"I'm hungry, so bring me food."
"Yes, Master." Tumalikod ako upang umalis.
"Rhi!"
Ano bang kailangan ng hudas na 'to?
Muli akong humarap sa kanya. Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. "Yes, Master?"
"Give me food, but you will cook my food."
"Okay, Master, I want cooking your egg and hotdog." Mariin akong pumikit.
Bakit ang laswa ng english ko? Bahala nga siya.
Nagsalubong ang kilay niya. "What the heck!"
"What I mean, Master, I luto the hotdog and egg for you." Pag-uulit ko.
"Ipagluto mo ako ng masarap na pagkain sa loob lang ng sampung minutos."
"Anong lulutuin ko sa inyo kung sampung minutos lang?"
"It's not my problem."
Grrr! Bwiset!
Pinagsusuntok at sipa ko siya sa hangin sa sobrang inis ko. Mabuti na lang talaga at bulag siya dahil nagagawa kong ilabas ang inis ko. Magpapaliwanag na lang ako kay Madam, kung makita sa cctv camera ang ginagawa ko.
"What are you waiting for? Get out!" Tinuro pa niya ang pinto.
"Yes, Master." Halos tumakbo ako palabas.
Habol ang hininga ko nang makalabas ako ng kuwarto ni Master Vladimir. Wala pa akong kalahating oras sa loob ng kuwarto niya pero 'yung stress ko sa kanya ay halos isang taon na.
"Nakakainis talaga!"
Humahaba ang nguso ko nang bumalik ako sa kusina. "Oh, bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ng cook na ofw rin."
"Si Master, pinagluluto ako ng masarap na pagkain sa loob ng sampung minutos? Prito lang ang kayang lutuin sa loob ng sampung minutos."
"Naku, ang hirap nga niyan masyado pa naman siyang maarte pagdating sa pagkain," sagot ng cook namin.
Umupo ako habang nag-iisip ng lulutuin ko. Ayaw naman kasi niya ng pritong isda. Bigla akong napalingon sa pinapanood ni Lala sa phone niya.
"Alam ko na ang lulutin ko!"
"Anong lulutuin mo?"duet pa sila.
"May naisip na akong lulutuin." Kinuha ko ang maliit na carrot at hiniwa ko ito ng sobrang liit pagkatapos ay naggisa ako ng bawang at nilagay ko ang carrots, parsley at dalawang kutsarang arina at nestle creame. Nilagyan ko konting ng tubig at hinayaan ko itong lumapot. Habang hinihintay kong lumapot ay nagprito ako ng chicken nuggets. Hindi kumakain ang mga amo ko ng chicken nuggets, pero kasama ito sa grocery namin dahil kami ang kumakain. Hindi naman madamot ang amo namin pagdating sa pagkain.
"Wow! Nakaisip talaga ng solusyon." Nakangiting sabi nila sa akin.
"Patitikim ko sa kanila ang pagkain nating mahihirap." Inayos ko ang paglalagay sa plato upang mas magandang tingnan.
"Good luck sa iyo, Rhi, sana hindi itapon sa mukha mo ang pagkain niluto mo," wika ni Lala.
"Naku, kapag tinapon niya ito hindi ko na siya ipagluluto."
Bitbit ko ang tray na may lamang pagkain nang bumalik ako sa kuwarto ni Master Vladimir.
"Hello, Master, your food is ready." Ngumiti ako sa kanya.
"Mabuti naman at nakapagluto ka na ng mabilis. Sigurado ka bang walang lason 'yan?"
"Master, bakit ko naman 'yan lalagyan ng lason? Ayokong makulong dito sa Amerika. Kung gusto n'yo ako muna ang kakain ng luto ko bago kayo?"
Sumimangot siya. "Subuan mo ako."
"Yes, Master." Nilagyan ko ng sauce ang chicken nuggets, pagkatapos at sinubo ko sa kanya.
"Anong lasa?"
"Sigurado ka na ikaw ang nagluto nito?"
"Opo, ako nagluto niyan wala ba kayong tiwala sa akin?"
"Anong tawag sa niluto mo?"
"Alarhipekpekan." Pinigil kong 'wag tumawa sa sinabi ko. Ayokong mahalata niyang pingloloko ko siya.
"Masarap ang Alarhipekpekan mo."
"Thank you, Master, susubuan kita ulit." Pinagpatuloy ko ang pagsusubo ng pagkain sa kanya hanggang sa hindi namin namalayan na naubos na niya ang mga pagkain na niluto ko.
"Master, ubos na po, ang galing n'yo naubos n'yo lahat."
"Thank you," kinapa niya ang tungkod niya kaya sinundan ko siya hanggang sa banyo. Kapag nasa kuwarto siya, mas gusto gumamit ng tungkod. Nakabantay lang ako sa kanya habang nag-toothbrush siya. Nang matapos siyang mag-toothbrush ay umupo siya sa sofa.
"Master, ilalabas ko lang ang mga pinagkainan n'yo babalik din ako."
"Bilisan mo at may ipapagawa ako sa iyo."
"Yes, Master!" Binitbit ko ang mga pinagkainan niya.
"Naubos ni sir Vladimir?" takang tanong nila.
Ngumiti ako. "Oo, mukhang nasarapan siya sa luto kong Alarhipekpekan."
Nagkatinginan sila sabay tawa ng malakas. "Anong tawag mo sa niluto mo"? Nakahawak sila sa tiyan habang tawa nang tawa
"Alarhipekpekan, nasarapan daw siya." Sabay tawa ko ng malakas. Kanina ko pa gustong tumawa pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Gago ka talaga! Kapag nalaman na naman 'yan ni sir Vladimir, siguradong magagalit na naman siya sa iyo," wika ni Lala.
"Hindi naman niya alam 'yon kasi ngayon lang siya nakatikim. Huhugasan ko lang ang pinagkainan niya at kakain na rin ako."
"Kumain ka na, ako na ang maghuhugas," wika ni Lala.
"Salamat."
Nagmadali ako sa pagkain dahil baka bigla naman akong ipatawag ni Master Vladimir. Daig pa naman niya ang may regla kung sumpungin ng topak.
"Rhi, bilisan mong diyan at pinapatawag ka ni sir Vladimir," sabi ng isang katulong.
Eksakto naman patapos na akong mag-toothbrush kaya pinuntahan ko siya agad.
Nang buksan ko ang kuwarto ni master Vladimir ay parang dinaanan ng bagyo sa sobrang kalat.
"Nagkaroon ba rito ng giyera?" tanong ko.
Ang hayop kong master ay kampanteng nakahiga sa kama. Nakasuot siya ng shorts, sando at shades habang nakikinig ng musika.
"Demonyo ka! Ang sarap mong sakalin."" sigaw ko.
Hindi naman niya marinig dahil malakas ng music niya. Nang lumapit ako sa kanya ay inambahan ko naman siya ng suntok.
"Rhi!" tawag niya. Marahil ay naramdaman niya ako.
Ngumiti ako. "Yes, master?" Yumuko ako.
"Nakikita mo ba ang kalat?"
"Opo, nakikita ko ikaw ba nakikita mo?"
Bulag ka paano mo makikita.
"Are you insulting me?"
"Hindi po, master."
Kung nakikita lang niya ang mga ikinikilos ko baka napalayas na ako dito sa bahay. Inaambahan ko kasi siya ng sakal at suntok.
"Linisin mo 'yan ang mga kalat. Gusto ko rin punasan mo ang mga alikabok."
"Wala naman pong alikabok."
"Maraming alikabok sa kuwarto ko."
"Paano n'yo nalaman hindi naman kayo nakakikita?"
Inalis niya ang shade niya parang makikita niya ako kapag tinanggal niya ito.
"Kanina ka pa nang-iinis. Gawin mo ang inuutos ko!" singhal niya.
"Yes, Master."
Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya. Habang naglilinis ako ay bumulong-bulong ako. Lumabas ako para kumuha ng panglinis pagkatapos ay naglinis ako. Nang pagpawisan ako ay hinubad ko ang suot kong damit. Nakasuot lang ako ng bra habang naglilinis. Pinagpapawisan ako sa paglilinis. Kampante naman ako dahil kahit maghubad ako ay hindi naman niya ako makikita. Pagkalipas ng isang oras ay natapos akong maglinis ng kuwarto niya. Lahat ng kinain ko ay nawala sa sobrang pagod. Ang hirap kasing maglinis dahil ang laki ng kuwarto niya. Nang lingunin ko si Master ay nakatingin sa akin.
"Teka, mukhang nagagandahan sa perfect body ko."
Lumapit ako sa kanya hanggang sa halos dalawang dangkal na lang ang layo ng mukha namin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga, pero ang amoy ko ay amoy sukang paumbong.
"Rhi, umalis ka sa harapan ko amoy suka ka ang baho." Bahagya siyang lumayo sa akin.
"Master, binobosohan mo ba ako?"
"What? Bakit ko naman gagawin 'yon? Teka, 'wag mong sabihin na nakahubad ka habang naglilinis?"
Bigla kong naalala na bulag siya. Lumayo ako sa kanya. "H-Hindi noh! Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Tapusin mo na ang ginagawa mo dahil aalis ako at kasama ka."
"Saan ka pupunta?"
"Hindi mo kailangan tanungin kung saan ako pupunta. Linisan mo na ang sarili mo dahil sobrang baho mo."
"Tsk! Arte naman," bulong ko.
Binitbit ko ang mga ginamit ko sa panglinis ng lumabas ako ng kuwarto niya. Nagligo ako at nagbihis ng damit bago pumunta sa kuwarto ni Master Vladimir. Nang lumbas ako ng kuwarto ko ay tinawag na ako ng isang katulong para umalis na. Nasa kotse na si Master Vladimir at naghihintay sa akin.
"Bakit ba ang tagal mo?" Inis niyang tanong sa akin nang sumakay ako ng kotse.
"Sorry, Master."
"Kanina pa ako naghihintay sa iyo." Sabay simangot niya.
"Kapag lagi kayong nakasimangot mabilis kayong tatanda," sagot ko.
"Whatever." Sinuot niya ang shade niya at tumahimik na.
Hindi na rin ako nagsalita kahit gusto kong magtanong kung saan kami pupunta. Pagkalipas ng isang oras ay huminto kami sa tapat ng malaking bahay. Pinagbuksan kami ng driver habang ako ay nakaalalay kay Master Vladimir. May hawak lang siyang stick para kapain ang dadaanan niya. Gayumpaman ay nakaalalay ako sa kanya.
"Hey! "Hey! Vlad! How are you?" Sabay tapik ng isang lalaki kay Master Vladimir.
Ngumiti naman siya. "I'm good," sagot niya.
Tumingin sa akin ang lalaki. "Who are you with?"
"Rhi is my caregiver."
"Hello, Rhi. I'm Justine, Vladimir's friend."
Tipid akong ngumiti "Hello, sir. My name is Rhi from the Philippines."
"That's good," sagot niya.
"Justine, is Lansei here yet?"
"Yes, she's already inside. Come on, and let's go inside."
Inalalayan ko siya na pumasok sa loob. Pagpasok namin sa loob ay nakita ko ang tatlong babae at dalawang lalaki sa loob. Nag-iinom na sila ng alak at nagkakasiyahan.
"Guys! Vladimir is here," wika ni Justine.
Nagtawanan sila nang makita nila si master.
"Hi, blind I mean Vlad." Sabay tawa ng isang lalaki na maitim.
Gusto kong mainis sa ginawa ng lalaki ngunit nang tumingin ako kay master ay parang hindi naman siya apektado.
"Hello, everybody!" wika ni Master.
"Lansei, approach your boyfriend," wika ni Justine.
"Fyi, I don't have a blind boyfriend. He's my ex-boyfriend." Umirap pa ang babae na mistisa.
Siya pala ang ex-girlfriend ni master.
"Lansei, can we talk?" tanong ni Master Vladimir.
"Sorry, I don't have time to talk to you." Lumapit siya sa isang lalaki at nakipaghalikan.
"Anway, Let's enjoy the night!" sabi ni Justine.
Nakamasid lang ako sa kanilang lahat. Napapansin kong dinadamihan nila ng tagay kay Master at kapag uminom siya ay tinutulak nila. Awang-awa ako sa amo dahil pinagkakaisahan siya ng mga kaibigan niya.
"Hey, why are you putting so much wine on my boss?" Hindi na ako nakatiis.
"Stop it, Rhi!" awat ni master Vladimir.
"But Master…"
Nameywang na lumapit sa akin ang ex-girlfriend ni master Vladimir at binuhos niya sa akin ang laman ng wine glass niya "b***h! You're just Vladimir's maid!" Pagtataray niya.
"Abah! Deputah ka!" Susugurin ko sana siya ngunit hinawakan ni Master ang braso ko para pigilan ako.
"Rhi, Let's go home."
"Umuwi na lang kayo!" sigaw ng ex-girlfriend niya.
"Gaga na 'to, marunong pa lang magtagalog pinahirapan pa akong mag-english," bulong ko.
Inalalayan ko si Master hanggang makasakay kami sa kotse.
"Mabuti na lang at hiniwalayan n'yo ang babae na 'yon, Master, ang pangit ng ugali.
"Rhi, caregiver lang kita. Wala kang karapatan na pakialam kung anong gusto ko. Bakit nakikipag-away ka kay Lansei?"
"I'm just trying to protect you."
"You're just my caregiver, it's not your job to care what I want. You ruined my night."
Bakit parang kasalanan ko pa?
Ilang-beses akong huminga ng malalim para 'wag akong umiyak "Sorry, Master."
"Wala ka talagang kuwenta."
Tumahimik ako, pagkatapos ay mabilis kong pinunasan ang luha ko sa pisngi. Hindi naman niya makikitang umiiyak ako. Nakakasama lang ng loob dahil pinagtanggol na nga siya. Ako pa rin ang naging masama.
Ang hirap talagang maging mahirap.