"Happy birthday, Nay!" Nakangiti ako habang nakatingin sa kanilang lahat. Tumawag ako sa kanila para makapag-video call sa kanila. Sinadya kong gumising ng madaling araw para makita ang naging handa ni Nanay sa birthday niya. "Anak, maraming salamat sa pinadala mo. Ngayon lang ako nakapaghanda ng ganito karami." Tumulo pa ang luha niya sa labis na tuwa. Pilit akong ngumiti dahil ayokong umiyak. "Minsan lang naman 'yan mangyayari. Hayaan n'yo sa susunod na birthday n'yo ay may lechon na kayo." "Naku, kahit wala ng lechon ang mahalaga ay malakas." "Si Tatay na lang pala ang maglelechon sa birthday niya pag-iipunan ko 'yan tatlong buwan pa naman." "Anak, baka pinababayaan mo ang sarili mo diyan? 'wag kami ang lagi mong iniisip." "Tama ang Tatay mo, baka nagtitipid ka naman diyan sa Ame