VLADIMIR'S POV "SIR Vlad, nakita ko po si ma'am Lansei, nilagyan ng suka ang karekare na hinanda ni Rhi," wika ng butler ko. Pinatawag ko siya nang bumalik si Lansei sa kanyang kuwarto. Sinabi ko lang sa kanya na may pag-uusapan lang kami ng butler ko. "Nangsindi ako ng yosi habang nakaharap sa salamin. "Hindi na talaga magbabago ang babae na 'yan," inis kong sagot. Walang alam si Lansei na sinadya ko siyang patirahin sa bahay ko para malaman ko, kung karapat-dapat siyang maging asawa ko. Pinagmamadali na ako ng lolo at lola ko na mag-asawa kahit ayaw ko. Gayunpaman, kailangan kong siguraduhin na nasa tamang babae ako magpapakasal. Ilang taon kaming magkasintahan ni Lansei. Sa loob ng ilang taon na magkasama kami ay nakita ko ang ugali niya. Mahilig siya sa mga sosyal na party at aya