VLADIMIR'S POV: NAKATANAW ako kay Rhi, nang lumabas siya ng patient room ko. "Hays! Naawa ako kay Rhi, kailangan ba talaga natin gawin ito?" tanong ng pinsan kong si Elainne. Sinadya namin magalit kay Rhi para isipin niyang galit ako sa kanya. Ang totoo nang magising ako sa aksidente kinausap ko na ang mommy ko na pakiusap si Rhi na siya ang maging personal nurse ko. Iyon lang ang paraan para makasama ko si Rhi ng matagal at mailayo siya kay Joseph. "Sorry, Elainne, kung napilitan ka na magalit kay Rhi." "Hindi naman niya boyfriend si Joseph bakit hindi mo na lang aminin sa kanya ang totoo?" "Kaya ko ginagawa ito para lumayo siya sa lalaki na 'yon. Kung kailangan kong hindi maglakad ng matagal gagawin ko 'wag lang siyang mawala sa akin." "Pero nasasaktan siya sa ginagawa natin."