"Jade, hindi pa ba tayo kakain?" tanong ko sa kanya nang makita ko siya sa locker room. Nakakunot ang noo niyang lumapit sa akin. "Ikaw ba 'yan, Rhi?" Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "Baka nasasapian ka ng masamang espiritu." Tumawa ako. "Baliw! Tara na kumain na tayo dahil nagugutom na ako." Hinila ko siya papunta sa cafeteria. "Isang himala talaga na magkasabay tayong pupunta sa cafeteria at sinabi mong gutom ka." "Tsk! Ang dami mong sinasabi." Nang nasa cafeteria na kami ay naghanap na ako ng bakanteng table. May baon akong pagkain kaya si Jade lang ang bumili. Nang makabili siya ng pagkain ay muli siyang tumingin sa akin. "Bakit ganyan ka makatingin?" "Alam mo hindi talaga ako makapaniwala na maaga ka ngayon kumain at talagang ngayon ka lang nagkaroon ng ganang kum