"Maste Vladimir, uuwi na ako tapos na ang duty ko sa 'yo." Tumingin siya sa akin. "Bakit kaya hindi ka na lang dito tumira para hindi ka mapapagod bumiyahe papunta rito?" "Ayoko nga!" Umangat ang kanang kilay niya. "Bakit?" "Dahil baka buntisin mo ako." Namula ang mukha ni Master Vladimir. "Ilang beses ng may nangyari sa atin hindi ka naman nabuntis." Nanlaki ang mga mata ko lalo nang may katulong na malapit sa amin. "Master!" Sabay sampal ko sa kanya. "Ouch! Bakit mo ako sinampal!" Inis niya. Lumapit ako sa kanya at bumulong ako. "Ang ingay mo marinig ka ng katulong." "Dahil lang do'n sinampal mo ako?" "Alangan naman magpa-party ako dahil pinagkalat mo na may nangyari sa atin?" Inis kong saad. "Hindi ko naman pinagkakalat masyado kang advance mag-isip." "Pareho na rin 'yon ang