VLADIMIR'S POV "MUKHANG masaya ka ngayon." Nakangiting tanong sa akin ng pinsan kong si Elainne. Dumalaw kami sa bahay nila dahil birthday ng kanyang Yaya na mahigit twenty-years ng naninilbihan sa pamilya nila. Kinuha niya ang Yaya niya nang magkaroon siya ng pamilya dahil tinuring niya ito na pangalawang ina. Tumingin ako kay Rhi, habang nakikipaglaro sa mga kamag-anak ng Yaya ni Elainne. May palaro sila at mga kamag-anak ang kasali. "Matagal na akong masaya." "Hindi ka ganyan noong wala si Rhi." Sumimangot ako. "Laging tumaas ang dugo ko kay Rhi. Akala ko, kapag nagkaroon siya ng degree magbabago ang ugali niya. Isip bata pa rin siya hanggang ngayon." Tumingin si Elainne at ngumiti. "Hindi ba't doon mo siya minahal?" Tumahimik ako. Hindi ako puwedeng magsinungaling sa pinsan ko