CHAPTER 5

2285 Words
"Rhi, tawag ka ni madam," wika ni Lala sa akin. Huminto ako sa paghuhugas ng plato tumingin sa kanya. "Bakit daw?" takang tanong ko. Sobrang saya ko pa naman ngayong araw dahil wala ang amo kong si Vladimir. Sinundo siya ng Lolo niya para magbakasyon. Nagkibit- balikat siya. "Hindi ko alam puntahan mo na lang para malaman mo." Sumimangot ako. "Sana lang hindi ako sinumbong ni Master Deputah." "Kapag may nakarinig sa iyo baka isumbong ka kay sir Vladimir." "Kung isusumbong mo ako siguradong lagot ako." "Siyempre hindi kita isusumbong baka ipa-deport ka tapos isa sa amin ang pumalit sa iyo. Ayaw namin mangyari 'yon dahil baka hindi namin kayanin si sir Vladimir." "Pupuntahan ko na si Madam." Tinali ko ang buhok ko bago ako pumunta sa kuwarto ni madam. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago ko ito binuksan." "Hello, madam." Yumuko ako. "Rhi, come here." Pumasok ako sa loob ng kuwarto niya. "Madam, pinapatawag n'yo raw po ako?" "Tumawag si Vladimir, puntahan mo raw siya sa bakasyon ngayon." Nqpakamot ako sa batok. "Yawa! Ang saya ko na sana wala ang Master Deputah," bulong ko. "May sinasabi ka?" Matamis akong ngumiti. "Wala po, Madam, tatanong ko lang po sana kung paano ako siya pupuntahan?" alibi ko. Kung alam lang ni madam, na inis na inis ako sa sinabi niya pero wala naman akong magagawa kung hindi ang gawin ang trabaho ko. "May magsusundo sa iyo rito mamaya kaya mag-asikaso ka na ng gamit na dadalhin mo." "Ho? Bakit kailangan kong mag-asikaso ng damit ko? Madam, 'wag n'yo po akong palayasin. Ang daming kong utang sa Pilipinas. Kakautang lang ni nanay sa bombay at may paluwagan pa sila. Okay lang po na alagaan ko ang anak n'yong kapre na may ugaling demonyo, basta 'wag n'yo lang akong paalisin." Sabay iyak ko. "Rhi, hindi kita palalayasin. Kailangan mo lang magdala ng damit dahil two days ang bakasyon nila Vladimir, kaya dalawang araw ka rin doon." "Gano'n po ba? Joke lang po 'yung sinabi ko kanina." Sabay yuko ko. Bigla akong nahiya sa sinabi ko tungkol kay Vladimir. "Okay, mag-asikaso ka na." "Thanks, madam." Halos takbuhin ko ang pinto palabas ng kuwarto. Hays! Nakakainis! Akala ko magiging masaya ako ngayon. Bago ako makapasok sa kuwarto ko ay hinarang ako nila Lala. "Anong sabi ni Madam sa iyo?" Sumimangot ako. "Si Master Deputah! Pinasusundo ako rito." Tumawa sila. "Talagang ayaw kang maging masaya." "Nakakainis! Gusto ko pa naman matulog ng mahaba ngayon dahil parang sampung taon na ang stress ko dahil sa kanya." "Mag-asikaso ka na baka biglang dumating ang susundo sa iyo," wika ni Lala Tumango ako at pagkatapos at tumuloy ako sa kuwarto namin. Gamit ang backpack ko ay nilagay ko roon ang mga gamit na kailangan ko sa loob ng two days. Kalahating oras lang ang lumipas ay dumating na ang driver na maghahatid sa akin papunta kay Master Vladimir. Halos walong oras din ang naging biyahe namin bago ako nakarating sa hotel kung saan nag-stay si Master Vladimir. "Rhi, ikaw na ba 'yan?" narinig kong sabi ni Master Vladimir nang pumasok ako sa kuwarto niya. Hindi ako kumibo sa halip ay dahan-dahan akong pumasok sa loob. Gusto ko siyang takutin kunwari ay may multo sa paligid niya. "Rhi! Ikaw ba 'yan?" Inilagan ko ang tungkod niya para hindi niya malaman na dumating ako. Tingnan natin kung takot ka sa multo. Pinatay bukas ko ang ilaw para takutin siya ngunit bigla ko rin itong itinigil dahil naalala ko bulag siya. Madalim lang lahat ang nakikita niya. Patay bukas ko ang telebisyon at ang aircon para maramdaman niya. "Sino ang tao diyan?" Pinigilan kong 'wag matawa sa kalokohan ko. Tumayo si Master Vladimir at naglakad gamit ang tungkod niya. "Rhi! Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo! Alam kong nandito ka na dahil naamoy ko ang amoy mong sobrang baho" sigaw niya. Napawi ang ngiti ko. Nakalimutan ko na nababahuan pala siya sa pabango ko. Nawala sa isip ko kaya ginamit ko kanina. "Hello, Master!" nilakasan ko pa ang boses ko. Salubong ang kilay niya nang tumingin ako sa kanya. "What the hell are you doing?" "Wala po akong ginagawa kararating ko lang po," alibi ko. "Don't make me look like an idiot!" Yumuko ako. "Yes, sir." "What?" "M-Master deputah." "f**k you!" Galit niyang sigaw. "Thank you, Master." Nag-flyinh kiss pa ako sa kanya. "b***h!" "Master, bakit po ba mainit ang ulo n'yo may regla ba kayo?" Nagsalubong na naman ang kilay niya. Napansin ko rin na ang diin ng pagkakahawak niya sa tungkod niya na parang gusto niyang ihampas sa akin sa sobrang galit. Mabuti na lang talaga at bulag siya dahil kung nakakakita siya baka ang dami ko ng pasa sa katawan. "What is regla?" "Regla, means walang iyot." Gusto kong matawa sa sinabi ko. Hindi ko sinasadyang sabihin iyon sa kanya. Narinig ko lang iyon pinag-uusapan kanina nila Lala. "What is iyot?" "Akala ko ba Master, marunong kayong magtagalog bakit hindi n'yo alam ang iyot? Iyot is commonly known as regla. That means no love life. In tagalog walang girlfriend." Tumango-tango siya ng maintindihan niya ang paliwanag ko. "Nakipag-break na sa akin si Lansei kaya wala na akong iyot, pero hindi iyon ang dahilan kaya galit ako sa iyo. Masyado kang tanga kaya nagagalit ako sa iyo." Pigil na pigil ang tawa ko dahil baka marinig niya. Ang lakas pa naman ng pakiramdam niya. "Sino kaya ang tanga sa amin dalawa?" bulong ko. "May sinasabi ka ba?" Tumango ako. "Yes, Master, tinatanong ko kung kumain na kayo?" alibi ko. "Yes, kumain na ako." Kinapa ko ang tiyan ko. "Kaninang umaga pa ang huli kong kain. Gusto ko sanang kumain may pagkain ka ba diyan?" Huminga siya ng malalim pakatapos ay tumawag siya sa phone niya at um-order siya ng pagkain. Sana na lang kaya kong kainin ang lahat ng in-order niya. Kakaiba kasi ang mga pangalan ng mga sinabi niya, kaya hindi ko alam kung masarap ba iyon." "Um-order na ako ng pagkain mo. Hintayin mo na lang." Tumalikod siya sa akin kaya sinundan ko siya para alalayan. "Saan kayo pupunta Master?" "Matutulog." "Okay, Master." Inayos ko ang kama niya at pagkatapos ay inalalayan ko siya sa paghiga. Nang makahiga na siya ay inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Sobrang laki pala ng silid ni Master, parang bahay na rin dahil malawak. Sampung minuto pa ang lumipas ay dumating ang mga pagkain na in-order ni Master Vladimir. Natuwa naman ako dahil kaya ko naman kainin ang lahat ng pagkain na in-order niya. "May isang buong chicken at pizza pa, kaya lang bakit walang kanin?" Nilagay ko sa lamesa at hinati ko iyon saka nilantakan ko ang pagkain. Walong oras ang biyahe ko at talagang gutom ako kaya hindi ko namalayan na halos maubos ko ang pagkain. "Tulog na si Master Vladimir." Nagpatuloy ako sa pagkain ng pizza. Ito lang ang maganda sa amo ko dahil kung ano ang kinakain niya ay kinakain ko rin, kaya nakakain ako ng masasarap na pagkain. Tumunog ang phone ko at nakita ko ang kapatid kong gustong makipag-video call. Bago ko iyon sinagot ay tumingin ako kay Master kung tulog na. Baka kasi magising siya kapag nag-usap kami ng pamilya ko sa Pilipinas. Tumayo ako at lumapit kay Master Vladimir. "Ang bait mo talaga kapag natutulog." Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Pagkatapos ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "Hindi mo naman malalaman ang ginawa ko dahil tulog ka. "Sabay ngiti ko. Bumalik ako sa harap ng table, saka sinagot ko ang video call ng kapatid ko. "Hello, Ate Rhi!" Lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang kapatid ko at ang magulang ko. "Hello! Kumusta na kayo d'yan!" Sinadya kong kumain ng pizza habang nakikipag-usap sa kanila. "Wow! Ang sarap naman ng kinakain mo Ate," wika ng kapatid ko. "Um-order ang amo ko ng pagkain para sa akin. Bumili rin kayo ng pizza diyan para makakain din kayo." "Anak, kumusta ka naman diyan? Hindi ka ba sinasaktan ng amo mo?" tanong ni Nanay. Ilang beses akong umiling sa kanya. "Naku! Hindi Nanay, tulog ang amo ko. Kahit magising iyon hindi niya tayo maririnig dahil bingi na iyon." "Ilang taon na ba ang inaalagaan mo diyan?" "Sixty nine na ang amo ko. Hindi na makabangon sa kama kaya ako na ang nag-aalaga sa kanya. Sa diaper na nga siya tumatae at umiihi." "Hindi ka ba nahihirapan sa pag-aalaga sa kanya?" tanong ni nanay. "Huwag n'yo akong intindihin dahil okay naman ako rito. Kumusta na pala ang pinapagawa natin bahay?" "Anak, na naitayo na ang baba pero marami pa rin magagastos dahil marami pa rin kailangan," wika ni mommy. "Hayaan n'yo at kapag sumahod ulit ako ay magpapadala ako ng pera para unti-unting matapos ang bahay na pangarap natin. Ang mahalaga ay hindi na kayo nagugutom." Lumunok ako upang pigilan ang luha ko. "Anak, maraming salamat sa tulong mo. Magpapakabait ka sa amo mo," wika ni nanay. Ngumiti ako. "Nay, ako ang pinakamabait at magandang caregiver dito sa Amerika kaya 'wag kayong mag-alala sa akin." "Mag-ingat ka diyan baka makursunadahan ka ng amo mo diyan. Ang dami namin nabalitaan na mga ofw na ginahasa ng amo," wika ni mommy. "Naku! Hindi na makatayo ang amo ko at lalong hindi na rin tatayo ang alaga niya. Gurang na gurang na siya. Umiihi na nga siya sa shorts. Alam kong maganda at sexy ako pero huwag kayong mag-alala dahil bed ridden na ang alaga ko." "Ate, puwede ba namin makita ang alaga mo kung anong itsura?" Umiling ako. "Huwag na baka mawalan kayo ng gana sa buhay kapag nakita n'yo siya. Sobrang pangit ng amo ko." "Sige na, anak, mag-ingat ka diyan palagi. Mahal na mahal ka namin." "Ingat kayo palagi. Miss na miss ko na kayo." "Bye! Ate!" Sabay putol nila ng tawag. Ngumiti ako. "Nakakamiss si—Ay! Kabayo!" Paglingon ko ay nakita ko si Master Vladimir na nakatingin sa akin. Mabilis akong nagtago sa ilalim ng upuan. Ang bilis ng kaba ng dibdib ko. "Sana hindi niya narinig ang pinagsasabi ko sa pamilya ko." "Rhi!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Master Vladimir. "M-Master!" nabubulol kong sagot. "Rhi!" tawag niya ulit. Nanginginig ang katawan ko habang papalapit ako sa kanya. "Yes, master?" "Nauuhaw ako bigyan mo ako ng tubig." Mabilis akong tumango. "Yes, master!" Kulang na lang ay takbuhin ko ang pitsel para lang makalayo kay master. "Ito na po, Master ang tubig." Habang ininom niya ay nakatingin ako sa kanya. May gusto akong tanungin sa kanya. "Ah— master." "What?" "K-Kanina pa kayo gising?" tanong ko. Tumango siya. "Twenty minutes na akong gising." Tiningnan ko ang orasan pambisig ko at nakita kong six minutes ang naging pag-uusap namin ng pamilyako. Natampal ko ang mukha ko. "Patay narinig niya ang sinabi ko sa pamilya ko," bulong ko. "Sinabi mo sa pamilya mo senior na ang alaga mo. Umiihi na sa diaper at tumatae?" Pilit akong ngumiti. "Joke lang po 'yon gano'n po talaga kami magbiruan ng pamilya ko," alibi ko. "Sa tingin mo maganda ka?" Ano ba naman bakit ba ang talas ng pandinig niya? Kakainis! "Ah— maganda talaga ako. Ang dami ngang nagkakagusto sa akin noong grade one ako." "I'm not interested. Kung gusto mong maging bida sa kuwento mo 'wag mo akong idamay." Yumuko ako. "Sorry, master." "Kakain ako dalhin mo ako sa harap ng lamesa." "Okay, Master." Inalalayan ko siya papunta sa lamesa ngunit bigla akong natalisod kaya nawalan ako ng balanse. "Ay!" sigaw ko. Ang akala ko ay babagsak ako sa semento pero pagdilat ng mga mata ko ay nasa ibabaw ako ng dibdib ni Master. Hinila niya ako para hindi ako bumagsak pero nawalan siya ng balanse sa sobrang lakas ng pagkakahila. "M-Master." Ang bilis ng t***k ng puso ko nang magkatitigan kami ni Master. Bagamat alam ko naman na hindi niya ako nakikita kahit magkatitigan kami. Namula ang mukha ko lalo nang maramdaman ko ang hininga niya sa balat ko. "Umalis ka sa ibabaw ko ang amoy pepperoni ka." Napabilis ang bangon ko saka inalalayan siyang tumayo. "I'm sorry, master." Hindi siya kumibo sa halik ay humingi siya ng pizza at kinain niya ito. Nakatingin ako sa kanya habang kumakain siya. Paano kung nagdikit ang labi namin? Baka i-deport ako ng wala sa oras. "Bakit ang tahimik mo? Baka nagnanakaw ka na." "Hindi po, salamat po sa tulong n'yo." Huminto siya sa pagkain. "Anong salamat? Sumakit ang likod ko at ulo kaya sasabihin ko kay mommy na bawasan ng one hundred us dollar ang sahod mo." Ang kaninang kaba ko ay napalitan ng inis. "Sana hinayaan n'yo na lang akong bumagsak sa sahig kung babawasan n'yo naman ang sahod ko." Kumunot ang noo niya. "Nagrereklamo ka ba?" "Hindi po Master, kumain lang po kayo diyan." Inirapan ko siya. Hindi pa ako nakontento. Nakipagsuntukan na naman ako sa hangin. Isipin ko na lang na siya ang sinusuntok ko. Araw-araw kasi akong iniinis ni master. "Sinabi ba sa iyo na dito ka sa kuwarto ko matutulog mamayang gabi?" "Ano ho? Ayokong tumabi sa inyo matulog." "Sino naman nagsabi sa iyo na tabi tayo matulog?" Sa sofa ka matutulog at ako sa kama." Napakamot ako sa ulo. "Ay, akala ko magkatabi tayo matulog. Malikot pa naman ako matulog." "In your dreams, mas gugustuhin kong tumabi sa aso ko kaysa sa iyo." Sumimangot ako. "Yabang naman naman nitong Master deputah na 'to," bulong ko. "I will not allow you to call me Master deputah." "Ang linaw naman ng pandinig niya." Ngumiti ako sa kanya. "Yes, master!" Yumuko ako na parang nakikipag-usap ako sa isang hari. Kung alam lang niya kanina ko pa siya tinoturture sa isip ko. Wala na akong naging magandang araw kapag kasama ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD