HALOS maghalo na ang sipon at luha ko habang naglalakad papalapit sa mga ofw na kasama ko sa bahay ni madam. Maging sila ay umiiyak na rin.
"Huwag kayong mag-alala susulat ako sa inyo kapag nasa mansyon na ako ni Master Vladimir."
"Huwag ka ng sumulat may group chat naman tayo. Mag-video call na lang tayo," wika ni Lala.
"Oo nga pala uso na pala ang cellphone. Mamimiss ko kayo!" Sabay iyak ko ng malakas.
"Huwag kang malungkot magkita-kita rin naman tayo kapag day off mo. Lilibre mo kami kapag day off dahil mas malaki ang sahod mo sa amin."
Tumango ako. "Sige, basta kwek kwek lang kaya kong ilibre sa inyo."
"Umalis ka na baka mainip si sir Vladimir sa iyo," wika ni Lala.
Pinunasan ko ang luha ko. "Alis na ako." Sabay talikod ko sa kanila. Ang lungkot ng pakiramdam ko ngayon pero wala akong magagawa dahil kailangan gawin ang trabaho ko para sa pamilya ko.
Nasa loob na ng kotse si Master nang sumakay ako ng kotse.
"Bakit ba ang tagal mo?" Halata sa mukha niya ang labis na inis sa akin.
"Nagpaalam pa kasi ako sa mga kaibigan ko."
"Tsk! Parang hindi na kayo magkikita."
"Gano'n na nga po, hindi na kami magkikita mula ngayon." Muli na namang tumulo ang luha ko.
"Tumigil ka sa kakaiyak mo!" sigaw niya.
Wala akong choice kung hindi huminto sa kakaiyak. Pagkalipas ng kinse minutos ay huminto na ang sasakyan namin.
"Master, bakit tayo huminto rito?" Nakita ko kasing papasok kami sa malaking bahay.
"We are here at my house."
"Ho?" Sabay tingin ko sa paligid.
"What do you think my house is in the province?" Sumimangot pa siya.
Tumango ako. "Akala ko po ay malayo ang lugar ng bahay n'yo."
"Tsk! Stupid."
Umingos ako. Nagsimula na naman kasi siyang awayin ako. Akala ko pa naman ay mabait na siya sa akin.
Nang bumaba kami ng kotse ay nagulat ako dahil lahat ng mga katulong niya ay nakahalera sa gilid ng dadaanan niya. Lahat sila ay nakayuko kay Master Vladimir.
"Welcome, back! Sir Vladimir."
Umangat ang kilay ko. "Bakit sir lang ang tawag nila, samantalang ako Master?" bulong ko.
May lumapit na isang lalaki na nasa edad singkuwenta at may dala siyang wheelchair.
"Welcome, Sir Vladimir, we prepared your favorite foods."
“Thank you, Butler Dave."
Inilalayan ko siyang makaupo sa wheelchair niya pagkatapos ay hinila ito ng butler ni Master Vladimir, papunta sa kitchen.
"Ano 'to fiesta?" bulong ko.
Sa mahabang lamesa ay punong-puno ng pagkain. Kahit siguro lahat ng mga tao sa loob ng mansyon ay hindi kayang ubusin ang mga nakahaing pagkain.
"Are you the caregiver of Sir Vladimir?" tanong ng butler.
Tumango ako. "Yes po."
Ngumiti ang butler nito. "Pilipino ka rin pala."
"Mabuti naman at hindi ako mahihirapan na mag-english. Hindi ako magaling magsalita ng english."
"Don't worry, lahat ng mga kasambahay rito ay mga ofw. Mas gusto nilang magtrabaho ang katulad nating mga pilipino."
"Butler Dave, call my friends, and Lansei."
"Master, bakit kailangan 'yong magtawag ng kaibigan kaya naman naming ubusin ang lahat ng hinanda n'yo?"
Hindi ko lang kayang makita si Lansei at ang girlfriend niya na sobrang sweet habang si Master ay ginagawang tanga.
Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi ako naghanda ng marami para ipakain sa katulad mong tanga at hampaslupa."
"Aray! Sana english na lang ang sinabi n'yo para hindi ko masyadong maintindihan at hindi masakit. Concern lang ako sa inyo." Pinigilan kong 'wag maiyak.
"Caregiver lang kita kaya wala kang karapatan pakialaman ang gusto kong gawin."
Sumenyas sa akin ang butler niya na 'wag ng magsalita kaya nanahimik ako. Nang nagsimulang kumain si Master ay nakabantay ako sa kanya para alalayan siya. Hindi ko magawang tikman ang masasarap na nakahain dahil iniisip ko ang sinabi niya kanina.
"Rhi, why you're not eating?"
"Hindi po kasi para sa hampaslupa ang mga handa n'yo."
"Kumain ka baka sabihin ni mommy ginugutom kita."
"Salamat, pero baka sumakit ang tiyan ko dahil sa mga pagkain ng mga mayayaman."
"Fine! Bahala ka."
Naging tahimik na ako hanggang matapos siyang kumain. Masyado kasi akong naapektuhan sa sinabi niya kaya ayoko ng magsalita o magbigay ng opinyon. Nang matapos siyang kumain ay dinala ko siya sa kuwarto niya para makapagpahinga, habang hinihintay niya ang mga kaibigan niya.
"Miss Rhi, kumain na muna kayo ako na ang bahalang magbantay kay Sir Vladimir," sabi ng butler niya.
"Butler Dave, may delata ba kayo diyan?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Bakit naghahanap ka ng delata?"
Pilit akong ngumiti. "Iyon lang kasi ang kayang kainin ng katulad kong hampaslupa."
"Hmm… alam mo kapag nasa ibang bansa tayo kailangan matibay ang loob mo."
"Nakakalungkot lang dahil kababayan pa natin ang nagmamaliit sa atin."
"Intindihin mo na lang si sir Vladimir. Nagkakaganyan lang siya dahil sa kalagayan niya."
Huminga ako ng malalim. "Wala naman akong magagawa kung hindi ang intindihin siya. Tayong mga ofw dito sa ibang bansa wala tayong magagawa kung hindi ang magtiis."
"Siyempre meron naman tayong matatakbuhan dito kapag minamaltrato tayong mga pilipino, pero hanggat hindi ka sinasaktan laban lang."
Ngumiti ako. "Thank you po."
"Kumain ka na maraming filipino food ang nakahain sa lamesa."
"Salamat po."
Nang makarating ako sa kusina ay nakahain nga ang mga filipino food, may italian at spanish food din naman kaya siyempre mas nakakatakam pa rin ang filipino food. "Nagbago na ang isip ko kakain ako ng marami."
Sampung shanghai ang nilagay ko sa plato ko, may spaghetti, karekare, adobo at naglagay ako ng kanin sa plato ko. Punong-puno ang malaking plato ko. Balak kong tikman ang macaroni salad pagkatapos kong kumain.
"Busog na ako," napahawak pa ako sa tiyan ko nang matapos akong kumain. Halos isang oras din akong kumain. Tinuon ko na lang ang inis ko kay master sa pagkain kaya halos naubos ko ang pagkain ko.
Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Master upang silipin kung gising na siya. Ako lang ang puwedeng pumasok sa loob ng kuwarto niya.
"Hindi pala ako naliligo."
Kumuha ako ng damit at bumalik sa kuwarto ni Master Vladimir, para doon na lang ako maligo. Para kung sakaling ipatawag niya ako ay madali ko siyang mapuntahan.
Naghubad ako ng damit bago ako pumasok sa banyo. Pagkatapos ay naligo na ako sa banyo niya. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. Ang ganda kasi ng boses ko sa loob ng banyo.
"Rhi!"
Hininaan ko ang shower dahil parang narinig kong tinatawag ako ni Master. Huminto ako at bahagyang binukas ang pinto ng banyo.
"Rhi! Nasaan ka!" sigaw niya.
"Master, tumatae po ako! Sandali lang at hindi ko mailabas tubol kasi!" sigaw ko.
"Kadiri ka talagang babae ka. Maghugas ka ng kamay at gumamit ka ng alcohol bago ka lumapit sa akin."
"Yes, Master."
"Tsk! Arte talaga! Ang akala mo hindi tumatae."
Pinagpatuloy ko ang paliligo ko. Balak ko pa sanang maghilod ng katawan, kaya lang hindi ko magawa dahil gising na siya. Lumabas ako ng kuwarto na nakatapis ng tuwalya.
"Ay, burikat!" sigaw ko sa gulat.
Nagulat ako dahil nakita ko si Master na nakatingin sa akin. Ngunit bigla ko rin naisip na bulag siya.
Lumapit ako sa kanya. "Master, bulag ba talaga kayo?"
"What a stupid question." Irita niyang sagot.
"Ilan 'to?" Tinaas ko ang kamay ko.
"Are you crazy? How do I know if I can't see anything?"
Umangat ang kanang kilay ko saka tumingin ako sa loob ng kuwarto kung may cctv camera. Nang makita kong walang camera ay binuka ko ang nakabalot na towel sa katawan ko at ipinakita ko kay Master ang sexy body ko.
"Master, anong nakita n'yo?"
Kinabahan ako ng natigilan si Master. Hindi kasi siya agad nakapagsalita. May balot naman ang petchay ko, wala nga lang akong bra.
"M-Master, anong nakita niyo?"
"Black,"
Black? Ibig sabihin nakita niya ang kilikili kong may masamang panahon?" bulong ko. Kinilabutan ako sa naisip ko.
"Of course, black ang makikita ko dahil bulag ako. Gaano ka ba ka tanga para tanungin kung anong nakikita ko? Ano bang pinaggagawa mo?"
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Ang akala ko talaga ay nakita niya ang kalokohan ginawa ko. Masaya ako dahil walang cctv camera ang kuwarto niya. Magagawa kong gumanti sa kanya kapag sobra na ang ginagawa niya.
"Master, bakit n'yo po ako tinatawag?" tanong ko sa kanya habang nagbibihis ako ng damit sa harapan niya.
"Kunin mo ang phone ko at i-dial mo ang number ni Lansei, saka mo sa akin ibigay. Tatanungin ko siya kung papunta na sila rito."
Umikot ang eyebalss ko nang marinig ko si Lansei. Naiinis ako sa babae na iyon, bukod sa masama ang ugali, masyadong malandi.
"Yes, Master."
Nang sagutin ni Lansei ang tawag ay binigay ko na kay Master ang phone para sila ang mag-usap.
Nagsusuklay naman ako ng buhok at naglagay ako ng lipstick sa labi habang si Master ay masayang-masaya habang kausap si Lansei.
"Rhi, magpapalit ako ng damit malapit na sila," wika niya pagkatapos niyang makipag-usap.
"Okay, Master."
Lumapit ako sa kanya at kumuha ako ng damit sa aparador niya. Ako ang nagtanggal ng damit niya. Bigla akong huminto nang mapadako ang mga tingin ko sa dibdib niya.
Shit! Bakit ang nagkaka-crush ako sa dibdib niya?
"Rhi, anong ginagawa mo?"
"S-Sorry, ang akala ko ay may dumi ang damit n'yo," alibi ko.
Inalis ko ang damit niya, saka binihisan ko siya ng bagong damit. Ako na rin ang nag-gel niya sa buhok niya at polbos. Pakiramdam ko tuloy ay may bata akong binibihisan.
"Okay na po,"
"Thank you."
Natigilan ako. "Totoo ba ang narinig ko? Marunong na kayong mag-thank you?"
"Ang sabi ko "f**k you."
Ngumiti ako. "Malinaw pa ang pandinig ko, 'wag na kayong mahiya ako lang 'to."
"You're making so much noise, let's go outside and wait for them in the living room."
"Yes, Master." Ngumiti ako sa kanya kahit hindi niya nakikita.
Inalalayan ko siya sa pagbaba ng hagdan at umupo kami sa malambot na sofa habang naghihintay sa mga bisita niya.
Unang dumating si Lansei at kasama niya ang boyfriend. Nakataas ang kilay ni Lansei, sa akin pero nakangiti naman siya nang lumapit kay Master.
"Vlad, I miss you so much." Mabilis niyang hinalikan sa labi si Master sa labi. Ngunit nang umangat ito ay pinunasan niya ang labi niya saka humalik sa boyfriend niya.
Hindi iyon nakikita ni Master. Kaya tuwang-tuwa siya nang halikan siya ni Lansei
"What does that kiss mean?" tanong ni Master.
Tumingin muna si Lansei sa boyfriend niya bago umupo siya sa tabi ni Master. Hinaplos niya ang mukha ni Master.
"Vlad, I still love you. I was heartbroken when we had to part ways."
"I really miss you, Lansei," sagot ni Master.
Umikot ang eyeballs ko sa naging sagot ni Master.
"Hays! Ang tanga! tanga!" Hindi ko napigilan sabihin.
Matalim akong tinapunan ng tingin ng dalawa.
"What did you say?" tanong ni Master.
Hindi lang pala tanga, bingi rin pala si Master Vladimir.
"W-Wala po, may naalala lang akong drama na pinanood."
"You're crazy," wika ni Master.
"Vlad, can we get back together as lovers?" tanong ni Lansei.
"Of course, we'll start a family."
"Is it true, Vlad, that you will inherit all of your father's wealth?"
"Yes," my grandfather confirmed.
"That's great. Don't worry. I support you in taking care of your wealth." Sabay halik ni Lansei, kay Master Vladimir.
"I love you so much, Lansei."
"I love you too, Vlad."
Walang kaalam-alam si Master na pinagtatawanan siya ng dalawa. Gusto kong magsumbong pero hindi naman niya ako paniniwalaan.
"Hoy! Ikaw!" Hinila ni Lansei ang buhok ko papunta sa gilid. Malayo kay Master Vladimir. Abala si Master sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya dahil dumating na ang mga ito.
"Aray! Bakit mo ba ako sinasabunutan?"
"Bruha ka! Masyado kang papapel kay Vladimir." Dinuro niya ako. "Ito ang tatandaan mo, kapag nalaman ni Vladimir na niloloko ko siya. Mananagot ka sa akin! Sisiguraduhin kong makukulong ka rito sa Amerika!" Nanlalaki ang butas ng ilong niya sa galit sa akin.
"Kung isusumbong kita dapat matagal na."
"Pinapaalala ko lang sa iyo na bruha ka!" Sabay sampal niya sa akin.
"Aray! Tama na!" sagot ko.
"Hindi ba ako tapos sa iyo atribida ka!" Hinila niya ang buhok ko sabay tulak sa harapan nila Master. Pinagtawanan nila akong lahat habang si Master ay nakatingin sa akin at walang reaksyon. Paano nga naman siya magkakareaksyon? Hindi naman niya alam kung anong pinagtatawanan ng mga kaibigan niya.
"Rhi! Where are you?" tawag ni Master.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Yes, Master?" Pinipigilan kong 'wag maiyak lalo nang ibuhos sa akin ni Lansei ang alak kaya mas lalo pa silang nagtawanan.
"Tawagin mo si butler Dave para siya ang magbantay sa akin ngayon gabi." Seryoso ang mukha niya.
"M-Master?"
Parang gusto kong yakapin siya sa sobrang tuwa.
"Take a sleep alam kong pagod ka na."
Tumango ako. "Salamat, Master."
Huminto sa pagtawa ang mga kaibigan ni Master Vladimir. Si Lansei naman ay matalim na nakatingin sa akin.
"Rhi, anong nangyari sa iyo?" tanong ni Butler Dave.
Pilit akong ngumiti. "Nadapa ako at sumubsob sa alak. Pinapatawag po kayo ni Master Vladimir."
"Okay, magpahinga ka."
Tumango ako at pumunta sa kuwarto ko. Ang kuwarto ko ay katabi lang ng kuwarto ni Master. Kung tutuusin ay hindi ito kuwarto ng katulong pero dahil gusto niyang lagi ako sa tabi niya kaya malapit lang ang kuwarto ko sa kanya.
Pumasok ako sa banyo para maligo. Habang naliligo ako ay tumutulo ang luha ko. Ang hirap ng sitwasyon ko dahil hindi ako puwedeng lumaban. Kung magsusumbong naman ako sa embahada ng Pilipinas, baka ipa-deport agad ako. Hindi pa ako puwedeng umalis ng bansa na ito dahil hindi pa tapos ang bahay namin at wala akong ipon.
Kaya mo 'yan, laban lang Rhi.
Nang lumabas ako ng banyo ay nag-blower ako ng buhok ko, pagkatapos ay humiga na ako sa kama. Limang minuto pa lang akong nakahiga ay narinig kong tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Master kaya sinagot ko ito.
"Yes, Master?"
"Rhi, can you please open the door."
"Ho? Okay, Master!"
Nagmadali akong bumangon at binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko. Nakatayo si Master sa pinto habang nakasaklay.
"M-Master, anong kailangan n'yo?"
"Nawala ako sa mood kaya pinauwi ko na silang lahat. Puwede ba akong matulog sa kuwarto mo?"
"Okay, Master." Inalalayan ko pa siya para makapasok. "Sa kama na po kayo matulog sa sahig na lang ako."
"Tabi tayong matulog, nararamdaman kong malungkot ka kaya gusto kitang i-comfort ngayon."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Totoo ba ang sinabi niya. Parang ibang tao ang kausap ko.
"Master, nasasapian ba kayo ng mabait espiritu?"
Huminga siya ng malalim. "Rhi, I'm tired so, I don't have time to argue with you. Tumabi ka na sa akin matulog."
"Yes, Master!" labas sa ilong kong sagot.
Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa alapaap papunta kay Master. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko tuloy alam kung makakatulog ako sa ganitong ayos lalo na't naamoy ko ang pabango na gamit ni Master.
Ayoko ng ganitong pakiramdam, mas gusto kong magkaaway na lang kami lagi.
"Rhi…"
"Hmmm… may ipag-uutos ka ba Master?"
"Remember, Rhi, I am your boss, and you will only obey me.. If you take care of me, I'll take care of you."
"Master…"