CHAPTER 7

2426 Words
"Ang ganda mo talaga, Rhi." Nagpa-cute pa ako sa harap ng salamin at umikot-ikot na parang rumarampa. "Oh, pak! Ganda!" Nagpakendeng-kendeng pa ako. "Rhi!" Umikot ang eyeballs ko nang marinig ko ang boses ni Master Vladimir. Parang serena ng bombero sa lakas ng sigaw niya. Hindi yata sumasakit ang lalamunan niya kakasigaw sa akin. "Hays! Panira na naman ng good mood." Tinapunan ko ng huling tingin ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng banyo. Nasa hotel pa rin kami at paalis pa lang kami. Nauna na ang lolo at lolo niya na umalis. Si Lansei naman at jowa niya ay madaling araw umalis. Nakasimangot ako ng humarap sa kanya. "Yes, Master?" Nakabihis na siya ng damit ngunit hindi pa siya nakapagsuot ng sapatos niya. "Isuot mo ang sapatos ko bilisan mo." Sumimangot ako. "Hindi pa nga ako nakakapagsuot ng damit," bulong ko. Kahalating oras pa lang ako sa banyo nang maligo at nakasuot lang ako ng bra at panty ng lumabas dahil sa pagmamadali. "Okay, master." Kinuha ko ang medyas niya pagkatapos ay sinuot ko sa kanya maging ang sapatos niya. "Okay na po, master." "Tawagin mo na ang driver natin tanungin mo kung nasaan na siya?" "Papunta pa lang daw po siya sa planetang Jupiter." Nagsalubong ang kilay niya. "Ginagalit mo ba ako?" Napakamot ako sa ulo ko. Ang hirap talagang intindihin ng amo ko. Mahigit limang oras pa lang yata ang nakalipas nang tawagan ko ang driver niya. Pagkatapos tatanungin niya kung nasaan na? Ano bang akala niya sa driver niya? Anak ni The flash? Walong oras ang biyahe bago makarating rito. "Hindi po, Master pero kung magagalit kayo sa akin ay wala akong magagawa." "Sundin mo na lang ang pinag-uutos ko sa iyo." Sinuntok at sinipa ko naman siya sa hangin. Iyon lang ang kaya kong gawin dahil bulag siya. "Okay, Master." Nilalamig na ako dahil nakabukas ang aircon niya. Habang pinapa-ring ko ang numero ng phone ng driver niya ay nagbibihis naman ako ng damit. Agad namang sumagot ang driver niya kaya binigay ko kay Master ang phone para siya ang kumausap. "Master, tatlong oras pa tayong maghihintay kaya libangin muna natin ang sarili natin dito sa hotel. Binuksan ko ang malaking screen ng telebisyon, pagkatapos ay nilagay ko sa karaoke music. "Master, sabayan n'yo ako sa pagkanta!" Sumimangot siya sa akin. "Stupid." Hindi na ako nainis sa sinabi niya. Inisip ko na lang lambing niya sa akin kapag tinatawag niya akong stupid. Halos nakaka-dalawangpung beses siyang nagsasabi ng stupid sa akin kaya sanay na ako. "Ang bango-bango! Ang bango-bango ng pechay ko. Pag-inaamoy, pag-inaamoy, amoy cologne. Ang bango-bango, ang bango-bango ng petchay ko. Bukaka ang perlas dadaan ang troso. Sasayaw ng chacha ang saya! Saya!" Gumiling-giling pa ako habang sinasabayan ko ang lyrics. Ang lyrics na kinakanta ko ay naririnig ko lang sa mga ofw na kasama ko sa bahay nila Master Vladimir. "What the heck! Hindi naman ganyan ang lyrics!" Namumula sa galit si Master. Hindi ko siya pinakinggan. Bakit ba pati ang lyrics ko gusto niya pakialam? Sumayaw ako sa harapan niya. Ang kapal-kapal, ang kapal-kapal ng mukha mo. Ang bango-bango, ang bango ng petchay ko. "Stop it!" sigaw niya. Huminto ako sa pagsayaw at pagkanta. "Ang killjoy n'yo naman. Ang lungkot siguro ng buhay n'yo." Sabay patay ko ng nakakaindak na musika. "Gagawa ka na lang ng lyrics ang pangit pa." "Maganda naman. Kung nakikita n'yo lang akong sumayaw baka bumilib kayo sa akin." "Hindi ko gugustuhin makita kang sumayaw." Inis niyang sabi. "Tse! Sungit naman," bulong ko. Umupo ako sa sofa at inaliw ko ang sarili ko sa panonood sa phone. Tatlong oras pa kaming maghihintay sa driver niya kaya siguradong mapapanisan ako ng laway. Nakikipag-chat ako sa kapatid ko habang naghihintay kami. Biglang tumawag ang kapatid ko dahil gusto ng magulang ko makipag-video call sa akin. Ngumiti ako. "Kumusta na kayo diyan?" "Okay naman kami. Sino 'yang kasama mo?" Bigla akong lumingon at nakita ko si Master na tumayo at mukhang maglalakad palapit sa akin. Ang epal talaga ni Master kahit kailan. "Ay, siya po ang driver ng amo ko." Nilayo ko ang camera kay Master at tumayo ako para lumayo sa kanya. Ayokong malaman nila Nanay na hindi matanda ang amo ko. "Ang guwapo naman ng driver ng amo, ate." "Filter lang 'yan ang pangit niya ang daming butas ng mukha. Ang dami niyang tigyawat. Scam lang 'yan nakikita n'yo dahil ang liwanag dito sa silid. Kumusta na pala kayo diyan? Miss ko na kayo." "Naku, maayos naman kami rito. Ang balak namin ng tatay mo ay sakupin na ang harapan at palagyan ng tindahan ng mga karne at gulay." "Kayo po ang bahala kung anong gusto niyong gawin. Ang mahalaga ay unahin mo munang ipatayo ang bahay, para kahit dumaan ang bagyo ay hindi na kayo mababasa tulad noon." "Salamat talaga sa iyo anak, kung hindi dahil sa iyo ay baka hanggang ngayon ay hirap pa rin kami sa paghahanap ng kakainin at baon ng mga kapatid mo." Naluluhang sabi ni Nanay. Ngumiti ako. "Makita ko lang kayong nasa maayos na kalagayan ay masaya na ako. Mag-iingat kayo palagi, mahal na mahal ko kayo." "Mahal na mahal ka rin namin. Ingat ka diyan palagi." "Sige na, baka hanapin ako ng amo ko." Sabay putol ko ng tawag at punas ng luha ko. Kung pahahabain pa namin ang pag-uusap ay baka umiyak na ako sa lungkot. "Rhi, kausap mo na naman ang pamilya mo sa Pilipinas?" wika ni Master. "Yes, master." "Kaya ginawa mo akong driver. Sinisiraan mo ba ako sa pamilya ko sa Pilipinas?" Umiling ako. "Ang akala kasi nila ay matandang bed ridden ang alaga ko. Ayoko na silang mag-isip ng kung ano-ano, kaya panindigan ko na lang. Pasensiya na master kung kailangan kong magsinungaling tungkol sa iyo." Seryoso ang mukha niyang nakaharap sa akin. "Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod ay hindi na." "Salamat, Master." "Um-order ka ng pagkain dahil nagugutom na ako." Tumango ako bilang tugon sa kanya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kakakain lang niya, kaya lang baka uminit na naman ang ulo niya sa akin. "Eat," wika niya. Pagkatapos kong ilagay sa table ang mga order niyang pagkain. "Are you sure, master?" Hindi ako makapaniwalang tanong. Ngayon lang niya ako niyayang sumabay sa pagkain. Madalas kapag kakain siya ay pinapalayo niya ako dahil baka raw madumihan. "You heard me, right?" "Okay, master." Pakiramdam ko tuloy ay may sakit si master dahil ang bait niya sa akin ngayon. Hindi naubos ang pagkain namin kaya pinabalot ko ito para may kainin ako mamaya sa biyahe. "Mag-order ka ulit ng pagkain para i-takeout. Siguradong gutom ang driver ko." "Master, kayo pa ba 'yan? Para kayong nasapian ng anghel. Sabihin n'yo lang kung natutunaw na kayo." "f**k!" "Joke lang! Hindi ka naman pabiro." Sabay tawa ko. "Follow my order!" utos niya. Bumulong-bulong ako ng tumalikod ako sa kanya. Muli akong nagpa-deliver ng food sa hotel room namin, pero lahat ay takeout. Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na rin ang driver namin. Hindi ko alam kung gusto lang talaga ni Master na pahirapan kaming mga trabahador niya dahil puwede naman siyang magtawag ng taxi para hindi na mahirapan ang driver niya. Or baka talagang may trust issue sa katulad namin. Ang tahimik ng naging biyahe namin. Hindi ako makapagkuwento sa driver dahil tulog si Master. "Bahay kubo kahit munti ang halaman doon ay sari-sari," mahina kong kanta. Nang tumingin ako sa driver ni Master ay pinipigilan niyang tumawa." "Psh! Bakit ka natatawa?" bulong ko. Filipino rin kasi siya kaya nagsasalita ako ng tagalog sa kanya. "Ang daming puwedeng kantahin bakit 'yan ang kinakanta mo?" "Iyon kasi ang una kong naisip. Ilang taon ka ng driver ni Master Vladimir?" "Anim na buwan pa lang akong driver niya, pero anim na taon na akong driver nila madam Ana." Tumango ako. "Ibig sabihin ay matagal mo ng kilala si Master Vladimir." Lumingin ako sabay tingin kay Master. Baka gising siya marinig na naman niyang pinag-uusapan siya. "Yes, mabait naman si Sir. Vladimir." "Weh? Sure ka ba diyan? Ang sama ng ugali niya. Siya na yata ang pinakamasamang tao na nakilala ko." "Siguro dahil nabulag siya kaya nagbago ang ugali niya, pero nang hindi pa siya bulag mabait naman siya." "Tsk! Baliktad ang utak ni Master, dapat naging mabait siya ngayon kasi bulag na siya doon na lang siya bumawi sa ugali. Kung sabagay, mabait nga pala siya kapag kaharap ang ex-girlfriend niyang malandi. Alam mo bang may boyfriend na ang ex-girlfriend niya. Habol pa siya ng habol." Tumawa ang driver. "Tsismosa ka rin." "Hindi naman, observanting lang ako." "Baka observant," pagtatama ng driver ni Master. "Observant at observanting pareho na iyon." Tumawa siya. "Okay." "Hays! Matagal pa ang titisin ko dahil kailangan kong mag-ipon at mapaayos ang bahay namin. Pangarap ko talagang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko." "Maging mabait ka lang sa pamilya nila, siguradong matutupad mo 'yan. Hindi sila madamot pagdating sa mga katulong nila. Kaya nga lahat ng kasambahay at driver ay mga filipino kasi mas tiwala sila sa kababayan nila." "Pamilya ko na nga lang ang iniisip ko kapag gusto ko ng sumuko. Nakaka-homesick pero kailangan magpatuloy para umusad." Sabay buntonghininga ko. Muling kong pinagmasdan si Master. Ang himbing na ng tulog niya kaya inilagay ko sa katawan niya ang makapal na kumot. Sinadya kong dalhin iyon para sa kanya. Nang makasigurado akong tulog na siya ay pinikit ko ang mga mata ko para makatulog na rin. "Rhi!" Dinilat ko ang mga mata ko. "Sorry, Master nakatulog na ako. Nakarating na ba tayo?" "Hindi ba pero kailangan natin mag-check in ulit sa hotel para makapagpahinga ang driver ko." "Uy! Mabait ka pala." Nagsalubong ang kilay niya. "I just want to make sure we get home safely." Hinawakan ko ang ilong ko. "Nosebleed." "Hu?" "You englishing me, my nose is bleeding." "Stupid! Huwag ka na lang mag-english." Napakamot ako sa ulo ko. "Ano naman kung wrong grammar ako ang mahalaga naintindihan mo," bulong ko. Binitbit ko ang pagkain na takeout ko at binigay ang isang balot na takeout sa driver ni Master. Dalawang room ang kinuha ni Master. Isa para sa driver niya ay isa para sa kanya. "Wow! Dalawa ang kama! Hindi na ako matutulog sa sofa." Tumalon ako sa kama. "Ang lambot." Nakangiti si Master ng tumingin ako sa kanya. Nasapian talaga siya ng mabait na espiritu. "Master, gusto mong kumain?" "Oo, kaya mag-order ka ng pagkain." "Sayang naman ang pagkain na dala natin." "Kainin mong lahat kung gusto mo. Gusto kong pagkain bagong luto." Napakamot ako sa ulo ko. "Okay, master." Lumabas ako para um-order ng pagkain niya. "Rhi, I have a question?" "Sir, basta 'wag math, science, history, musika at tagalog." "Hindi kita tatanungin sa mga subjects sa school, dahil mukhang wala kang natutunan." "Ang galing mo talaga Master manghula." "Anong pangarap mo kung mag-aaral ka ng college?" Saglit akong nag-isip. Ang totoo ay pangarap kong maging nurse kaya lang mukhang hindi kaya ng utak ko. "Pangarap ko sanang maging nurse o kaya doktor kaya lang baka hindi kaya ng utak ko." "Hindi mo kailangan maging matalino para matupad ang gusto mo. Kailangan mo lang seryosohin ang gusto mong kurso at magsipag sa pag-aaral." "Tama kayo, Master pero sa mga kapatid ko na lang itutuon ang lahat. Kapag nakapag-aral sila para na rin natupad ang pangarap ko." "Ubusin mo na ang lahat ng iyan pagkatapos ay matulog na tayo." "Master, salamat at naging mabait kayo sa akin kahit isang araw." Hindi siya kumibo sa halip ay tumayo at pumunta sa kama niya. Tinapos ko ang pagkain ko, saka hinintay kong matulog si Master bago ako natulog. "Good night, master," bulong ko. Ipinikit ko ang mga mata ko upang matulog. Hindi ko alam kung nasa panaginip ako dahil naramdaman kong may naglagay ng kumot sa katawan ko. Si Master Vladimir kaya iyon? "Rhi! Rhi!" Humahangos si Lala habang papalapit sa akin. Kumunot ang noo ko. "Bakit?" Isang araw pa lang ang nakakalipas nang nakauwi kami sa mansyon at binigyan ako ng day off kaya masaya ako ngayon. "Rhi, mukhang hindi ka na namin makikita rito." Bigla akong kinabahan. "Bakit palalayasin na ba ako?" Parang gusto ko ng umiyak sa iniisip ko. "Hindi ko alam pero narinig kong nag-uusap si Madam at sir Vladimir at ikaw ang pinag-uusapan." "Ano kayang pinag-uusapan nila? Kinakabahan ako." "Naku, bakit hindi mo itanong kay Madam. May nagawa ka bang kasalanan para palayasin ka?" Unang pumasok sa isip ko ay mga kalokohan na ginagawa ko kay Master. Kung minsan kasi ay inaambahan ko siya ng suntok at nakikita iyon sa cctv camera. "Kaya pala biglang bumait si Master Vladimir sa akin at pinag-day off ako. Lala, tulungan mo ako, baka palayasin ako." Naluluha kong sabi. Magsasalita pa sana si Lala, ngunit bigla akong tinawag ng cook at sinabi niyang pinapatawag ako ni Madam. Para akong robot habang naglalakad papunta sa silid ni Madam. Huminga ako ng malalim ng kumatok ako sa pinto. "M-Madam!" "Come in." Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. Pagpasok ko ay nagulat ako nang makita ko si Master Vladimir. Baka nagsusumbong na siya sa mommy niya. "M-Madam, bakit n'yo po ako pinapatawag?" "Rhi, ayusin mo na ang mga gamit mo at aalis ka na rito sa mansyon." Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Naghalo na yata ang sipon at luha ko. Lumapit ako kay Madam. "Madam, 'wag n'yo akong ipa-deport. Kailangan ko ang trabaho na ito pakiusapan." Nagkatinginan silang dalawa ni Master Vladimir. "Hindi naman kita ipapa-deport." "Pero sabi n'yo ay magligpit na ako ng mga gamit ko?" "Yes, dahil lilipat ka na sa bahay ni Vladimir. Ikaw ang caregiver niya kaya kailangan mong sumama sa kanya sa pag-uwi niya sa bahay niya." Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako ibabalik sa Pilipinas, pero hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ngayon dahil lilipat na ako sa bahay ni Master Vladimir. "Ikaw lang ang nakakatagal sa anak ko, kaya sana ay habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya," wika ni madam. "Yes, Madam." Kahit ayaw ko ay talagang kailangan kong gawin para sa pamilya ko. "Ayusin mo na ang mga gamit mo ngayon dahil mamayang gabi ay aalis na kayo. 'wag kang mag-alala kapag day off puwede kang dumalaw rito para mabisita ang mga kaibigan mo." Puro tango lang ang naging tugon ko sa kanya. "Mag-impake na po ako." Pagkatapos ay nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. Kinapa ko ang tapat ng dibdib ko dahil sa kaba ko kanina. "Hays! Kaya mo 'yan para sa pamilya mo, laban lang Rhi!" kausap ko sa sarili
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD