"Hoy!" narinig kong sigaw sa akin ni Lansei. Hindi ako lumingon kahit halos matanggal na ang ugat niya sa leeg sa kakasigaw, sa halip ay abala ako sa kusina na naghuhugas ng plato. "Aray!" daing ko. Hinila ni Lansei ang buhok ko. "Kanina pa kita tinatawag!" galit niyang sigaw. Hindi ako nakatiis hinila ko ang buhok ko sabay tulak ko sa kanya. "Nakakainis ka na!" sabi ko. Nanlaki ang butas ng ilong niya sa galit lalo nang bumagsak siya sa sahig nang itulak ko siya. "Walang hiya ka! Ang kapal naman ng mukha mong saktan ako!" Lalapitan siya sa akin para saktan ako ngunit dinuro ko siya. "Hindi ikaw ang amo ko kaya wala kang karapatan na saktan ako. Subukan mong saktan ako ngudngud kita sa inidoro!" Hindi naman niya itinuloy ang paglapit niya sa akin. "Tandaan mo ito! Oras na mag