CHAPTER 6

2045 Words
NAKAHALUMBABA ako sa harap ng lamesa habang kumakain si Master Vladimir ng Ice cream. Naubos ko na 'yung sa akin kaya nakatingin na lang ako sa kanya. "Rhi, nand'yan ka pa ba?" tanong niya. Sumimangot ako. "Wala si Rhi, tulog," sagot ko. Huminto siya sa pagkain ng ice cream at kumunot ang noo. "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo." "Hays! Bakit ba ang tagal n'yong kumain ng ice cream? Dilaan n'yo nang dilaan para maubos agad." "Bakit ka ba nagrereklamo? Ikaw ba ang kumakain ng Ice cream?" "Hindi." "You are the only caregiver who complains about everything." "Don't englishing me, you can intindi my tagalog." "Tsk! Magtagalog ka na lang kung mag-english ka. Mas lalo kong hindi naintindihan ang english mo." "Huwag ka rin mag-english dahil hindi ko rin naiintindihan." "Wala ka kasing utak kaya hindi mo maintindihan." Ikaw naman walang nakikita. Sumimangot ako sabay f**k you gamit ang kamay ko. Hindi na naman niya makikita ang ginawa ko dahil bulag siya. "Mabulunan ka sana," bulong ko. Biglang nasamid si Master at umubo. Karma. "Water." Nakangiti ako habang inaabot sa kanya ang tubig. "Dahan-dahan lang kasi sa pagkain ng ice cream," sabi ko habang natatawa ako sa kanya. "Stop talking. I'm not asking for your opinion." Tumahimik ako sabay yuko. Kailan kaya kami mag-uusap ng hindi nag-aaway palagi na lang siyang galit kapag nakikipag-usap. "Master, pumunta na tayo sa pool." Sabay tingin ko sa lolo at lola niya na naliligo sa pool. Ang ganda ng view sa baba dahil may malaking pool na para kang nasa aquarium. Kanina ko pa gustong maligo pero hindi ko naman puwedeng iwan ang amo ko dahil baka bigla na lang mag-supersayans sa galit. "Wala akong panahon para maligo." Bumuntonghininga ako sabay tumingin sa labas. Ang saya nila panoorin habang kami ng amo ko ay nasa kuwarto. "Master, trip n'yo lang bang matulog dito sa lugar na ito?" muli kong tanong. "Kung sabihin ko sa iyong oo, may magagawa ka ba?" "Wala, ikaw ang amo pero kung gusto mong may gawin ako sabihin mo lang." Hindi siya sumagot sa halip ay inubos niya ang ice cream. Tumayo naman ako para punasan ang kamay niya. Kung bantayan ko si Master ay para akong may alagang sanggol. Lahat kasi ng bagay ay ako ang gumagawa para sa kanya. "Hindi ako maliligo hanggat hindi dumarating sina Lansei." "Pinapunta n'yo siya rito?" Tumango siya. "Yes, gusto ko siyang makasama sa bakasyon ko." Umiling ako. "Totoo talagang love is black." "Love is blind, stupid!" "Pareho na lang iyon madilim. Nakipag-break na ang girlfriend n'yo sa iyo. Habol pa kayo ng habol." "The hell you care!" "Hays! Napakabobo," bulong ko. "May sinasabi ka?" "Ang sabi ko ang guwapo n'yo." "I know right." Umiling na lang ako sa sinabi niya. Marami sana akong gustong sabihin sa kanya, pero baka imbes na matuwa siya sa akin ay magalit pa siya. Akala niya siguro ay mahal pa siya ng ex-girlfriend niya. "Rhi, nasa labas ng hotel si Lansei, sunduin mo siya," wika ni Master. "Yes, Master!" Lumabas ako ng kuwarto upang salubungin ang ex-girlfriend ni Master. Ngunit ng nasa labas na ako ay nagulat ako sa nakita ko. "Master said you're the only ones going." Umangat ang kilay ni Lansei. "Why is there a problem? If Vladimir finds out that my boyfriend is with me, I will hurt you." Sinalubong ko ang tingin niya. "You are cheating my boss." Tumawa siya ny malakas, pagkatapos ay lumapit sa akin at pinanlakihan ako ng mga mata. "Is it my fault that he's a fool? Go ahead, tell him I'm with someone. Do you think he'll believe you? He may even deport you to the Philippines." Huminga ako ng malalim. "Follow me." Tumalikod ako sa kanya at nauna akong pumunta sa room ni master. Sinundan naman nila ako. Habang nasa elevator kami ay walang puknat ang halikan ng dalawa. Wala silang pakialam kahit nakikita ko sila. Nang nasa tapat na kami ng pinto ng kuwarto ni master ay tinulak ako ni Lansei. "Get out!" Bumagsak ako sa sahig. Imbes na tulungan nila ako ay pinagtawanan pa nila ako, saka pumasok sila sa loob ng silid ni Master. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng kuwarto. "Vlad, I miss you." "Did my caregiver pick you up outside?" tanong ni master. Nakangisi sa akin si Lansei nang tumingin. "No, no one picked me up. Besides, your caregiver is already asleep." "That's not true, master." "Rhi! Sinabi ko sa iyo na sunduin mo siya 'di ba!" Yumuko ako. "Sinundo ko po siya." "You shouldn't be mad at her. What matters is that I'm here." Niyakap ni Lansei si master pero iba naman ang kahalikan nito. "Thank you," wika ni Master. "Welcome. I have a gift for you." Nilabas niya ang maliit na box. "Hindi ka na sana nag-abala," sagot ni master. "This is branded perfume. It's very expensive, and I hope you like it." "Thank you, Lansei." Nakangiting sabi ni Master. Habang nakangiti si master ay naghahalikan naman ang dalawang mag-jowa. Gusto kong sabihin na may kasama si Lansei pero mukhang hindi ako paniniwalaan ni master. "You're so sweet," wika ni master kay Lansei. Kuyom ang kamao ko sa inis. Naiinis ako dahil pinagtatawanan nila si Master. "Rhi, follow up mo ang order ko kanina. Sabihin mo dalhin na rito." "Yes, master." Tumayo ako para tumawag sa telepono, ngunit pinatid ako ni Lansei kaya bumagsak ako sa sahig. "Oh! Careful!" sigaw ni Lansei sabay pang-asar na ngumiti. "What happened?" tanong ni Master. "Your caregiver fell to the floor," sagot ni Lansei. "Rhi! Ang tanga mo talaga!" sigaw ni Master. Bumangon ako. "Sorry, Master." Tumawag ako para dalhin ang order ni Master sa kuwarto niya. Nang dumating ang order niya ay kumain silang tatlo. "Vlad, ako ang magsusubo ng pagkain sa iyo," wika ni Lansei. Ngumiti si master. "Thank you." "Aray!" Mahina kong sabi. Bigla akong sinabunutan ni Lansei at hinila palapit sa kanya. Sumenyas siya na subuan ko si Master. "Do you like it?" wika ni Lansei. "Yes, I like it. Thank you." Walang kaalam-alam si master na ako ang nagsusubo sa kanya ng pagkain. Si Lansei ay kumakain kasama ang boyfriend niya." Ako rin ang nagligpit ng mga pinagkainan nila pero ang sabi ni Lansei ay siya ang gumawa kaya naman todo puri sa kanya si master. Minsan nakakainis si Master. Pagkasama niya si Lansei ay humihina ang pakiramdam niya. "Maligo tayo sa pool gusto kong maligo kasama ka," sabi ni Master kay Lansei. Marunong naman magtagalog ang bruhang si Lansei. Masyado lang talagang maarte. "Sure, aalalayan kita," wika ni Lansei. "Nope, ang caregiver ko na lang. Binabayaran siya para alagaan ako." "Sure." Rhi! Come here!" tawag ni master Jacob sa akin. "Yes, master." Lumapit ako sa kanya at inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa pool. Nakasuot si master ng shorts at wala siyang pang-itaas. Maganda ang katawan ni Master kahit bulag siya. Hindi niya kasi pinapabayaan ang katawan niya kahit bulag siya. "Vlad, mag-swimming na tayo!" Ang tamis naman ng ngiti ni Master nang lumusong siya sa pool. Kanina lang ay niyaya ko siyang maligo pero ayaw niya. Ang gusto pala niyang kasamang maligo ay ang ex-girlfriend niyang niloloko siya. Habang katabi ni master si Lansei ay yakap naman ito ng boyfriend niya at naghahalikan pa sila. Kung tutuusin ay wala naman karapatan magalit dahil hiwalay na nga silang dalawa. Ang nakakainis lang ay pinaasa pa niya si master. "Ang tanga talaga ni Master deputah! Tuwang-tuwa na niloloko. "Vlad, tawagin mo ang caregiver mo samahan tayong maligo," wika ni Lansei. Umiling si master. "Hindi siya puwedeng sumabay sa atin dahil katulong lang siya." Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. Kung puwede nga lang lumusong ay ginawa ko. "Okay, let's go!" Hinawakan ni Lansei si Master at sumisid silang dalawa. Infairness naman kay Master ay marunong siyang lumangoy kaya walang dahilan para mag-aalala ako na malunod siya. "Hays! Sana matapos na ang bakasyon niya," bulong ko habang nakatingin sa kanya. Nang matapos silang maligo ay hinatid ko na siya sa kuwarto niya. Kumuha naman ng isang room ang boyfriend ni Lansei, na malapit lang sa silid ni master. "Master, wala ka bang ibang nararamdaman?" tanong ko sa kanya. Nagpaalam si Lansei na bibili sa labas pero ang totoo ay pinuntahan niya ang boyfriend niya sa kabilang kuwarto. "What do you mean?" Nakataas pa ang kilay niya. "Hays! Ang obob n'yo talaga." "What!" "Sabi ko ang guwapo n'yo." "May gusto ka ba sa akin?" "Wala no! Feeling n'yo naman magkakagusto ako sa inyo? Hello! Kahit kayo na lang ang lalaki sa mundo hindi ko kayo pipiliin. Magiging matandang dalaga na lang ako." Sabay irap ko. "Mabuti naman kung gano'n. Ayokong may magkagusto sa akin na panget at mabaho." "Abah! Demonyo!" Pabulong ko. "Bigla kang tumahimik," wika niya. "Bagay po talaga kayo ni Lansei." "What do you mean?" "Pareho kayong masama ang ugali," bulong ko. "Rhi, are you here?" sabi niya. Bigla kasi akong tumahimik. Magsasalita sana ako ngunit biglang sumakit ang tiyan ko at napautot ako. Ang baho! Tinakpan ko ang ilong. "f**k! Anong amoy 'yon? Ang baho! Umutot ka ba?" Umiling ako. "Sir, hindi ako umutot. Natapon yung pabango na binigay sa iyo ni Lansei." "What? That's not true." "Totoo po, tingnan n'yo bubuksan ko para maamoy niyo." Natawa ako sa naisip kong ganti sa kanya. Nang umutot ulit ako ay dinakot ko ng kamay ko at tsaka tinapat sa mukha niya. "Yan, master ang amoy." "f**k! Yuck! Ang baho!" Lumayo siya sa akin." Pigil ang tawa ko habang nakatingin sa kanya. Wala siyang alam na utot ko ang inaamoy niya. "Ang sarap ba ng utot ko?" bulong ko. "Rhi! Itapon mo ang pabango na 'yan!" utos niya. "Master, sayang naman kung itatapon mukhang branded." "Kunin mo kung gusto mo tutal mukhang mahilig ka naman sa mabaho." "Salamat, Master." Kinuha ko ang perfume na regalo ni Lansei sa kanya. Hindi ko naman 'yon gagamitin dahil ibibigay ko sa magulang ko kapag umuwi ako ng Pilipinas. Itatago ko na lang habang nandito ako sa Amerika. "Hoy! Ikaw!" duro sa akin ni Lansei. Pumasok siya sa loob ng kuwarto ni master pagkalipas ng tatlong oras. Tulog si Master nang gisingin ako ni Lansei. Bumangon ako at kinusot ko ang mga mata ko. "Bakit?" "Bantayan mo ang amo mong bulag, at huwag mong sasabihin na umalis ako!" "Hindi ikaw ang amo kaya hindi ikaw ang susundin ko." "Damn it!" Sabay sampal niya sa akin Hinawakan ko ang mukha kong sinampal niya. "Ano lalaban ka!" Matalim ko siyang tinitigan. Kung nasa Pilipinas lang talaga kami ubos ang buhok niya sa akin. "Hindi po," mahinang bulong ko. Kung alam lang niya kanina ko pa siya pinatay sa isip ko. Dinuro niya ako. "You're just a maid, so you have no right to fight me. You and your boss are both stupid." Taas noo siyang lumabas ng kuwarto. "Okay lang maging tanga 'wag lang malandi," sabi ko ng makaalis na siya. Tumayo ako at nilapitan ko ang amo ko. Mahimbing na siyang natutulog. "Alam mo, mayaman ka at guwapo pero sinasayang mo ang lahat ng meron ka dahil sa maling tao. Ang tanga mo talaga master." Huminga ako ng malalim saka inayos ko ang kumot sa katawan niya. "Sweet dreams, Master." Yumuko ako para nakawan siya ng halik. Nang magdikit ang labi namin ay bigla siyang dumilat. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko magawang alisin ang labi ko sa kanya. OMG! Anong gagawin ko. Alam kong hindi naman niya ako nakikita pero hindi ko magawang iangat ang mukha ko. Bahala na! Bigla ko siyang sinampal sa pisngi. "Ouch!" sigaw niya. "M-Master! May lamok!" Bigla akong bumangon. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. "Bakit mo ako sinampal?!" "M-May lamok sa labi n'yo kaya pinatay ko. Matulog ka na ulit, Master." Sabay talikod ko sa kanya. Kulang na lang ay takbuhin ko ang sofa kahit na nga ilang hakbang lang naman ang layo. "Nakakainis! Bakit mo kasi ninakawan ng halik," kausap ko sa sarili ko. Kahit hindi pa ako inaantok ay pinikit ko ang mga mata ko. "Rhi!" tawag ni Master. Sinadyan kong humilik ako ng malakas para marinig ni Master Vladimir. "Kadiring babae," sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na niya ako tinawag. Natulog na ako ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD